Epilogue

432 9 4
                                    

Okay this is it! Sorry sa sobrang tagal na update sulit naman diba? Tatlong chapter tong pinost ko. Pasensya na talaga kung sobrang tagal sana maintindihan nyo. Ayan bawing bawi na. Please mag comment kayo :'( yung mga silent reader ko magsipag comment naman kayo :'(

Kevin's POV

"Oyy oyy tulungan mo yung babae oh! Dalian mo! Ang dami na nyang dugo kawawa naman sya. Kawawa naman sya. Baka mamatay sya dalian mo." Sabi nya ng makita nya ako.

"Kevin?! Ikaw si Kevin diba?! Oo ikaw yun!" Maamong tanong nya pero maya-maya bigla nna lang napalitan ng galit yung mga mata nya. "Kukunin kita sakanya! Hindi ka pwedeng masakanya! Akin ka lang! Akin ka lang!"

"Palagi na lang syang ganyan." Napatingin ako kay Melo. Nakatingin sya sa kapatid nya, naaawa ako para kay Melody. "Pag nakakarinig sya ng tunog tulad nito." Bigla nyang binagsak ang isang coin.

"Waaaagggg!!!! Hala ka, bakit mo sya nibaril? Hala dugo dugo!!! Hahahahhaha! Dapat lang sayo yan! Mang-aagaw ka kasi! Hahaha! Hoy hoy! Tulungan nyo sya oh, kawawa naman binaril nya oh!" May tinuturo sya pero wala namang tao. "Tulungan nyo akong makaalis dito. Madami sila dito baka mamaya pati ako barilin nila tulungan nyo ako." Pabulong na sabi nya samin.

"Ganyan sya palagi. Kahit sinong makita nya minsan napagkakamalan nya na ikaw. Hindi ko akalain na matutuluyan yang si Melody." Bigla na lang napaiyak si Melo.

"I pity her. Kawawa naman sya. Bakit kailangan pang umabot sa ganito ang lahat." Sabi ko.

Naglalakad na kami palabas ng Mental Hospital.

Oo Mental Hospital. Yung kabaliwan ni Melody natuluyan kasi. Lumala yung pagiging baliw nya after ng incident nang nangyari kay Eumee.

"Kevin, una na ako. May meeting pa kasi ako eh."

"Osige, salamat sa pagsama sakin dito."

"Wala yun. Sige una na ako."

Sumakay na sya sa kotse nya atsaka umalis. Sumakay na din ako sa kotse ko. Sa ngayon isa lang naman ang pupuntahan ko.

Sa sementeryo...

Hindi naman kalayuan yung sementeryo sa Hospital kung nasaan si Melody kaya saglit lang yung byahe ko.

Umupo na ako sa harapan ng puntod nya. Tinanggal ko yung mga nabulok na bulalak sa harap ng puntod nya atsaka ko nilagay yung bago. Nagtulos din ako ng kandila. Palagi ko itong ginagawa sa tuwing dadalawa ako sakanya. Never akong hindi nakadalaw sakanya sa loob ng isang linggo.

Napatingin ako sa langit.

Eumee, kamusta kana?

Pumikit ako atsaka ko dinama yung hangin na dumadampi sa balat ko ngayon. Ilang minuto din akong nakaganoon hanggang sa mangawit ako atsaka ako tumingin ulit sa puntod nya.

"Limang tao kana dyan ah Kamusta ka naman?" Ewan ko ba pero kahit wala naman akong nakukuhang sagot sakanya palagi. Palagi ko pa din syang kinakausap. Hahaha.

"Di mo ba nakakalimutan na bantayan si Daddy? Eh si Mommy? Binabantayan mo ba sya baby? Wag mong pababayaan yung Mommy mo wah? Kung nasaan man sya ngayon palagi mo syang babantayan at huwag mo syang pababayaan na mapahamak kagaya ng ginawa ni Daddy."

Naramdaman kong nag-iinit ang mga mata ko at pakiramdam ko iigak ako anytime.

"Baby, kung hindi ka siguro nawala. Masaya kaya kami ng Mommy mo? Kasama ko kaya sya ngayon?" At eto nga hindi ko na napigilan yung mga luha ko. Nag-unahan na sila sa pagtulo.

Palagi na lang akong ganito. Wala aatang lumipas na hindi ako umiiyak. Hanggang ngayon masakit pa din. Sobrang sakit. Pakiramdam ko namatay yung isang bahagi ng pagkatao ko.

Just a game. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon