Chapter 44 (Tears)

221 5 0
                                    

Eumee's POV

Masaya silang lahat para samin ni Kevin. Syempre ako ata ang pinaka masaya sa mundo ngayong araw na to. Eto na nga ata yung pinaka masayang araw ko ngayon. Pinaka magandang regalo din na natanggap ko ngayong kaarawan ko.

I'll never really thought that we were going through this.

Oo gusto kong sya ang makasama ko sa future ko, kasama ang mga magiging anak namin.

This is what I really want.

Hindi man maala fairytale ang nangyayari sakin ayos lang. Basta yung prince charming ko, alam kong mahal ako, alam kong hindi nya ako pababayaan, hindi nya ako iiwanan.

Simula ng dumating si Kevin sa buhay ko, akala ko puro kamalasan na lang ang mangyayari sakin. Akala ko palagi na lang nyang sisirain ang araw ko.

Nag-umpisa man kami sa pagpapanggap, nagkasakitan man kami. Aaminin kong naging masaya ako sa mga panahon na magkasama ako way back then. Masaya na ako na nakakasama ko sya. Kahit na buwisit sya napapatawa at napapangiti nya pa din ako sa hindi malamang dahilan.

Best buddy ko sya pagdating sa pagkain, kahit na pakagi din namin yun pinag-aawayan.

Kahit isip bata sya, kahit na minsan ang shunga at ang slow nya mahal na mahal ko sya.

Ngayon, alam kong akin na talaga sya. Oo engaged palang kami, pero kampante na ako na hindi na nya ako iiwanan. Alam ko din na nandyan si Melody na pwedeng sirain ang meron kami. Pero speaking of Melody di ko na sya nakikita.

"Napansin nyo ba si Melody?" Tanong ko sakanila.

"Umalis sya eh after mag propose ni Kevin sayo." Sabi ni Khim.

"Baka narealize nya na wala na syang pag-asa at nagmumukmok na yun ngayon HAHA." Sabi ni Cathy.

Nag-iinuman sila nngayon. At kami-kami na lang ang nandito. Syempre ako hindi ako umiinom kasi di ako pinayagan ni Kevin, makakasama daw kasi yun sa magiging baby namin. Kahit kelan talaga napaka caring nya.

"Cr lang ako." Paalam ko sakanila.

"Samahan na kita?" Tanong nya sakin.

"Hahaha. Kaya ko na atsaka cr ng girls yun hahaha!" Kahit kelan talaga sya. Parang mawawala ako dito eh haha.

"Osige, dalian mo wah? Mamimiss agad kita." Sabi nya sakin habang hawak-hawak ang kamay ko at nakangiti sya sakin.

"Ang corny mo Kevin! Hahahaha!" Natatawang sabi ni Cross.

"Wala kang pakialam. Gumaya ka, baka sakaling sa kakornihan mo sagutin ka ng nililigawan mo HAHA!" Natawa naman silang lahat sa sinabi ni Kevin.

"Sige cr muna ako."

After kong mag pee tiningnan ko muna yung reflection ko sa salamin.

Ano kayang nagustuhan ni Kevin sakin? Hindi naman ako kagandahan, simple lang naman kasi ako. Hindi ako palaayos na tao. Pero, pinagtataka ko kung bakit nya ako minahal, aaminin ko, mas maganda sakin at sexy si Cathy pero ako pa din ang minahal nya.

Napangiti na lang ako sa naiisip ko. Lumabas na ako nang banyo pero may biglang tumakip sa bibig ko.

"Hmmmmm! Hmmmmmm!" Pinipilit kong makawala pero anglakas nya at nahihilo na ako.

"Ipasok nyo na yan!" Yun na yung huling narinig ko at nawalan na ako ng malay.

----

Kevin's POV

Ang sarap sa pakiramdam na yung taong pinakamamahal mo ay ang taong makakasama mo sa mahabang panahon.

Nasaktan ko man sya noon dahil sa sobrang pagiging selfish ko. Dahil sa sobrang katangahan ko,  nagpapasalamat ako kasi tinganggap pa din nya ako.

Just a game. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon