Chapter 39 (Forgiveness)

349 3 0
                                    

Kevin's POV

Nandito ako sa unit ni Enzo kasi PEACEFUL dito. Buti na lang wala dito si Jigger. Panigurado akong masisira aang araw ko at hindi ako makakapag-isip ng maayos.

"Ano kayang magandang iregalo kay Eumee." Seryoso akong nag-iisip ngayon. Kasi malapit na yung birthday nya.

"Papa!"

"Ay tipaklong!"

"Duh! Kelan pa ako naging tipaklong!"

"Eh kasi naman po nakakagulat ka." Binuhat ko si Nami atsaka ko sya kinandong sakin.

"Eh papa ano ba kasi yung iniisip mo?" Tanong nya sakin habang naglalaro sa Psp na hawak nya.

"Papa?" Napatingin naman ako kay enzo.

"Ahh oo, yun kasi tawag nya sakin haha. Atsaka nung nasa mall kami napagkakamalan kaming mag-ama pinanindigan ko na lang haha." Tumango naman sya sa sinabi ko.

"Daddy!!!" Napatingin naman kami sa batang kumakaripas ng takbo papaba ng hagdan.

"LANCE?!" Gulat na tawag ni Nami.

"Oo ako nga, gulat ka no? Gwapo ko ba? Haha!" Yung totoo? Ilang bintilador ang nakakakabit sa batang ito?

-________- ganyan lang yung mukhang iniharap sakanya ni Nami.

"Gwapo? As if naman! Ang gwapo ay para sa mga mukhang tao at hindi sa mga mukhang kulugo!" Natawa ako sa banat ni Nami. "Papa stop laughing! It's so irritating! Psh!" Tapos bumalik ulit sya sa paglalaro.

"Oh talaga? As if naman na tao ka din! Halimaw!"

"Baka magkatuluyan pa kayong dalawa nyan? Haha! Tara nga ddito Lance kumain kana lang nitong tuna bread." Kinuha naman nya yung binigay sakanya ng daddy nya.

"Guise!" Napatingin naman kami ni Enzo kay Jigger na hinihingal pa.

"Oh Jigger bakit?" Tanong sakanya ni Enzo!

O______________O

Bigla na lang nanlaki yung mata nya habang nakatingin kay Nami. Ano namang problema nito? Halos one week na ngang nandito si Nami eh ano pang ikinakagulat nito?!

"Nami." Tawag nya kay Nami habang nakatayo sa gilid namin kung saan nakaharap si Nami.

"Yes kuya Jigger?" Tanong nya ng hindi man lang tinitingnan si Jigger.

"Saan mo nakuha yung Psp na yan?!" Medyo may inis na sabi nya.

Napatingin naman ako sa hawak nyang Psp ngayon ko lang napansin na Psp pala yun ni Jigger, ilang buwan ko na hindi yun nakikita tapos ngayon naman nasa batang to?! Binuhat ko sya tapos itinayo sa harapan ko pero nakafocus pa din sya sa Psp.

"Nami." Okay Dedma. "Nami?"

"Yes papa?" Tanong nya habang nakafocus pa din sa Psp.

"Tinatanong ka ni kuya Jigger kung saan mo nakuha yang Psp na hawak mo."

"Nakita ko sa ilalim ng kama ni Ate Khim. Kasi kanina Papa nandoon kami nila Mama, tapos yung bola ko gumulong napunta sa ilalim tapos nakita ko to. Eh syempre nacute-an ako kasi si stitch yung case. Tinanong ko si Ate Khim kung pwede akin na lang kasi nakakalat lang sa ilalim. Eh umoo naman sya. Tapos ayun hinanap na kita busy kasi sila sa pinag-uusapan nila." Paliwanag nya habang naglalaro pa din.

"SHIT!" Bulalas ni Jigger. "Nami akin na to!" Bigla naman nya inagaw yung Psp kay Nami tapos mukhang nagulat si Nami kaya eto mukhang iiyak na.

"Jigger, bakit mo naman inagaw? Di mo ba narinig yung sabi nya kanina na binigay na sakanya yan ni Khim?!"

Just a game. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon