Chapter 50 (Nightmare)

310 7 1
                                    

Yung chpter 49 ieedit ko na lang! Hindi ko alam kung bakit naputol yung update ko na yun. Nakakaasar TT______TT bukas ko na lang lalagay kung kanino ko to idededicate. Ang hirap kasi sa tablet. Salamat sa pag-intindi.

Tine's POV

One week..

One week of being like in hell.

One week na akong nangungulila.

One week na ang nakalipas magmula ng makaalis sya.

One week na akong parang tanga na palaging nakatulala at iiyak kapag gabi na. O kaya kapag mag-isa lang ako.

Totoo talaga yung kapag nawala atsaka mo lang malalaman ang halaga.

Naiinis ako sa sarili ko, naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko man lang sya binigyan ng second chance para patunayan sakin na mahal na mahal nya ako. Bakit pinairal ko yung galit ko. Nakakainis kasi hindi ko man lang sya pinaniwalaan noon. Nakakainis kasi hindi ko sya pinatawad. Nakakainis talaga!

"Tine, you should take a rest. One week kanang depress. Wag ka namang ganyan. Nag-aalala na kami sayo."

Ngayon ko lang napansin na nandito pala si Mayoimie. Nakakahiya na sakanila. Ang dami na ngang problema dumagdag pa ako. Malala pa yata ako kay Eumee ngayon eh.

Speaking of Eumee..

"Okay lang ako Mayoimie. Oo nga pala, si Eumee. Diba ngayon yung check up nya? Ako kasi yung toka para samahan sya."

Muntik ko nang makalimutan na ako pala yung naka sched para samahan si Eumee sa step dad nya para sa check up nya.

Toka-toka kasi kami sa pagbabantay at pag-aalaga sakanya at sa pagsama sakanya sa check ups nya. Sa ngayon ako yung nakatoka kasi ako lang naman yung maluwag yung sched ngayon. Ako lang yung walang pasok tuwing Monday.

"Inintindi mo pa talaga si Eumee, eh yung sarili mo nga di mo iniintindi. Ako nang bahala kay Eumee, magpahinga kana lang."

"No Mayoimie, ako yung sasama sakanya. Kaya ko naman eh, medyo malungkot lang talaga ako dahil sa pag-alis nya pero kaya ko. Pasensya na kung nakakadagdag pa ako sa problema o isipin." Napayuko na lang ako, nahihiya na kasi talaga ako.

Simula nang makilala ko sila problema nna yung nabigay ko sakanila. Ako pa yung sinasamahan ni Mayoimie minsan kesa kay Migs. Tapos nung nagbreak kami ni Tyller, kahit mas matagal na nilang kilala si Tyller ako pa din yung sinasamahan at kinampihan nila. Ang dami ko nang utan sakanila.

"No, don't be sorry. Hindi ka problema o pabigat Tine. Kaibigan ka namin kaya dadamayan ka namin at talagang mag-aalala kami sayo. Kaya ikaw, ayusin mo na yang sarili mo. Hindi gusto ni Tyller yang ganyan ka. Cheer up girl, habang wala si tyller libangin mo ang sarili mo. Wag kang masyadong magkulong dito at magmukmok. Paano na lang pag bumalik sya at ganyan ang itsura mo? Diba nga dakilang womanizer yun? Sige ka, ikaw din baka mamaya ipagpalita ka nun dahil ganyan ang itsura mo."

Napangiti na lang ako. Tama naman sya eeh. Kesa sa nagmumukmok ako dito sa isang tabi, dapat libangin ko ang sarili ko at dapat maging matatag ako. Dapat sanayin ko yung sarili kong wala sya, at dapat maganda ako sa pagbabalik nya para hindi nya ako ipagpalit.

Oo tama!

--

Nandito kami ngayon nila Mayoimie sa Hospital na pagmamay-ari ng step dad ni Eumee para samahan syang magpa check up.

"Kailangan nya lang palaging inumin yung mga meds nya in time. Medyo nakakarecover na din naman na sya. Kasi nakakausap nanaman natin sya kahit papaano. Kailangan na lang nyang sanayin yung sarili nya na madaming lalaki sa paligid nya at kausapin nyo lang sya ng kausapin. If mag-wala nanaman sya, kausapin nyo lang sya at ipaliwanag na mali yung nakikita nya, hanggat maaari, ilayo nyo din sya sa mga scene na pwedeng makapag-paalala sakanya sa nakaraan nya."

Just a game. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon