Chapter 6: I Don't Know

167 6 0
                                    

Chapter 6: I Don't Know
Track 6: I Don't Know

Kyla

“Aish! nakakainis talaga!” sabi ko saka ngumuso at naglumpasay. Nakakainis!

Bakit sa dinami dami ng pwedeng ibigay na task ay ganun pa?

Napairap nalang ako sa mga taong dumadaan dito.

“Kyla tumayo ka nga jan! Para kang timang.” sabi ni Leslie. Inirapan ko siya saka tumayo at pinagpag ang palda ko. Nasa garden pala kami, tapos nakatingin lang sa akin yung mga dumadaan. Ang ganda ko kase!

“Naka paskil na daw yung list ng partners sa room natin.” sabi ni Eula na kakarating lang.

“Talaga? puntahan na natin!” excited na sabi ni Audrey. If i know, gusto niya lang makapartner yung crush niya sa isa sa pitong mayayabang na yun.

“Tara na Kyla.” tawag sa akin ni Abi. Nauna silang naglakad kaya sumunod nalang kami.

Napatingin ako sa music room pagdaan ko dun. May narinig ako kanta kaya sumilip ako.

“Pft. Mga baklang mayayabang.” sabi ko habang nakasilip sa pinto.

“Mga lalakeng tao pang-babae ang sinasayaw.” tuluyan nalang akong nakakatawa.

Kasalukuyan kong pinapanood sila Kenzo,Patrick,Kurt,Jasper,Yancy,Justin at Thirdy na nagpapractice ng sayaw.

Pero kahit pang babae yung sayaw ang manly padin nila.

Napatingin ako sa lalake na yun na naupo agad pagkatapos ng kanta.

Ang cold niya talaga. “Thirdy!” tawag sa kanya ni Kenzo at binigyan siya ng tubig.

Teka, para saan ba ang pinapractice nilang ngayon? Wala namang prog— Shocks!

Naalala ko bigla. Napatayo ako bigla. Napatingin sila sa akin, lagot na!

Yumuko ako pagkatapos ay mabilis na pumunta sa room namin.

“Bakit hingal na hingal ka?” hinawakan ko ang tuhod ko at naghabol ng hininga. Sana walang nakakita sa akin kanina!

“Nakita mo na yung partners?” tanong ni Leslie habang nakasimangot. Problema niya?

Lumapit ako sa board at hinanap ang pangalan ko sa listahan.

Kyla Yoon - Jasper Wang

Kurt Tuan - Audrey Son

Patrick Choi - Eula Jung

Kenzo Im - Leslie Park

Yancy Kim - Ashley Oh

Justin Bhuwakul - Abigail Kim

WHAT?!

Literal akong napanganga. Sinong demonyo ang nag-ayos ng listahan na to?  Gusto ko siyang ipasok ngayon sa oven at paikot-ikot siya hanggang mamatay siya!

“Bakit ganito ang partners?Sino ang nag-ayos nito?” tanong ko. Hindi ko padin inaalis ang tingin ko sa papel. Baka namamalikmata lang ako.

“Ang rinig ko si mam daw.” sambit ni Abigail.

“What?! Kailangan nating papalitan to!” sabi ko.

“Ang tanong papayag ba si mam?”


“Kailangan natin gumawa ng paraan! Hindi pwede maging partner natin yung mayayabang na yun!” sigaw ko.

Napatakip naman sila ng tenga. Ganun ba kalakas ang sigaw ko? O sadyang OA lang sila?

My Everything (BTSxAPINKxGOT7) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon