Chapter 37: Back To Me
Track 37: Back To MeKyla
Bumalik kami ni Thirdy sa playground na pinuntahan nila Leslie kanina.
Hindi sa ayokong makita siya, may iba lang kase akong pakiramdam sa tuwing kasama ko siya. Ang weird nga eh.Siguro hindi pa talaga ako totally nakakamove-on kaya ganito ako.
“Anong pag-uusapan natin?” tanong ko. Umupo ako sa swing, sumunod naman siya.
“Kyla.. napatawad mo na ba ako?” yun yung una niyang naisip na itanong sa akin? Mabuti naman at aware siya na nagalit ako sa kaniya, sa kanila.
“Hindi na, humingi na ng sorry sa amin si Kenzo... okay na yun.” naghalf smile ako. Napansin ko na madaming star kaya tinignan ko lang sila. Pinapakiramdaman ko si Thirdy.
“Mabuti naman kung ganun, masaya ako at napatawad nyo na kami.” tumingin ako sa kanya. Nakita kong nakangiti siya.
Gusto kong pigilan yung puso ko sa sobrang bilis ng pagkabog nito. Anong ibig sabihin nito? Hindi pa din ako nakaka-move on kay Thirdy?
“Oo,okay na yun kaya wag mo ng intindihin.” sambit ko. Nagulat ako nung kinuha niya yung kamay ko at hinawakan yun.
“Kyla, mahal mo pa din ba ako?” tanong niya,wala akong ibang marinig kundi ang pagtibok ng puso ko.
Tinignan ko siya ng diretso sa mga mata niya. Nakikita kong sincere siya ngayon at seryoso siya.“Hindi ko alam,Thirdy.” sambit ko.
Sa tingin ko, confused ako ngayon sa nararamdaman ko.
Mukha namang hindi siya nagulat. Ano naman kayang iniisip niya ngayon? “Alam kong may natitira pa ding pagmamahal sa puso mo.”
“Gusto kong bumalik tayo sa dati.” nagulat ako sa sinabi niya. Seryoso siya?
“Ano bang sinasabi mo,Thirdy?” tanong ko. “I know that Simon is courting you.” alam niya yun? Baka narinig niya lang kung kanino.
“Kyla.. hindi kita pinipilit na tanggapin ako ulit. Pero hayaan mo akong pumasok ulit sa mundo mo.” Sana may magandang maidulot na ngayon ang pagpasok niya sa mundo ko. Hindi ko siya pwedeng kontrahin dahil hindi pa naman ako sigurado sa nararamdaman ko. Ayokong magsisi ako sa huli.
“Palagi kitang dadalawin at kakamustahin, kaya wag ka ng magtaka kung madadatnan mo akong nasa labas ng dorm nyo.” tumayo na siya pero hawak niya pa din yung kamay ko.
“Halika kana, ihahatid na kita para makapagpahinga ka.” sumunod nalang ako sa kanya.
Bago siya umalis hiningi niya yung cellphone number ko. Nalaman niyang may bago na akong cellphone nang bigla yung tumunog. Nagtext pala si Simon.
From : Simon
Princess, nakauwi kana ba? eat your dinner and drink your medicine okay? See you tomorrow. Goodnight.
Napangiti ako ni Simon sa text message niya. Alam ko na importante siya sa akin pero may part padin ng puso ko na gugustuhing bumalik kay Thirdy.
Ano nang gagawin ko ngayon?
——
Simon
Maaga akong nagising dahil pinagluto ko si Kyla ng paborito niyang soup, ang totoo niyan nagpatulong ako Brent hyung sa pagluluto.
“Tignan nalang natin kung hindi ka pa sagutin ni Kyla niyan.” siya na mismo yung nagsalin sa tupperware at naglagay sa paper bag nung soup.
“Ano 'yan hyung? Penge.” pumasok ng kusina si Joseff at Ryan. Mukhang bagong gising lang, may mga muta pa eh.
Nilayo naman agad ni Brent hyung yung paper bag. “Para kay Kyla 'to.” umupo silang dalawa sa tabi ko.
“Baka naman may gayuma yan?” tanong ni Ryan. Ginulo ko yung buhok niya.“Gayuma? Hindi ko na kailangan nun, ngiti ko palang sapat na.” sinabihan nila akong ang corny ko daw.
Ganito naman talaga pagnagmamahal ka, kahit maging corny ka okay lang.
Pumasok muna kami sa school, dinala ko na yung paper bag para tatakas nalang ulit ako para dalhin yun kay Kyla sa practice niya.
“Nash, bakit nandito ka pa? Bakit hindi ka pa pumapasok sa kotse?” tanong ni Brent hyung kay Nash hyung. Naabutan kase namin siyang nakatayo pa sa gilid ng van.
“Wag mo sabihing may nasira ka nanaman?” tanong ni Brent hyung sa kanya. Umiling naman siya.
Sumakay na kami sa van para umuwi sandali. Nasa labas palang kami ng high way bumaba na ako. Sinabi kong bibili ako sa convient store,pero ang totoo pupuntahan ko si Kyla kaya sumakay agad ako ng taxi.
“Simon, nandito ka pala.” pagdating ko sinalubong niya agad ako. Pero parang may bakas ng pagkagulat sa mukha niya?
“May problema ba,Kyla? Pwede mo namang sabihin sa akin.” sambit ko. Umiling lang siya, hinaayaan ko nalang baka sabihin niya sa akin sa susunod.
Hinila ko siya sa upuan bago ko binagay yung dala kong paper bag.
“Ano 'to?” tanong niya. Inabot ko yung paper bag sa kanya, binuksan naman niya yun agad.
Kulang nalang magform ng heart shape yung mga mata niya pagkakita niya sa soup. “Parang mas masarap ata yung soup ngayon? Sa ibang tindahan mo ba ito binili?” tanong niya.
Umiling ako.“Niluto ko 'yan, nagpatulong ako kay Brent hyung.” mukha namang nagulat siya.
“Aalis na ako. Wag kang magpapakapagod ha? Tatawagan kita.” nginitian ko siya at ginulo yung buhok niya bago ako umalis. Nakita ko naman ngumuso lang siya. Ang cute talaga.
Lumabas ako ng school nila pero may nakita akong pamilyar na sasakyan.
Bakit nagpunta dito si Thirdy? Anong kailangan niya? Si Kyla ba ang pupuntahan niya?
——
VOTE ! Tap the star chingudeul! ^^

BINABASA MO ANG
My Everything (BTSxAPINKxGOT7) [Completed]
RomanceWhat if pagplanuhan ng pitong lalake na guluhin ang pag-aaral ng anim na babae na kaagaw nila sa ranking? Magiging panalo kaya sila sa larong sinimulan nila? O pare-pareho silang magiging talo dahil hindi nila napigilan ang sarili nilang mahalin din...