Chapter 2: Leslie,Abigail and Ashley

231 7 0
                                    

Chapter 2: Leslie,Abigail and Ashley

Leslie

Pumasok ako sa malaking bahay na tinitirhan ko. Hindi ako nakatira sa malaking bahay na to, isa lang akong maid dito.

"Oh, Leslie nanjan kana pala." bati ng isa sa kasamahan ko dito.

"Ah,Opo."

"Pwede bang pakidala nalang ito sa itaas?" inabot niya sa akin ang dala niyang tray na may laman na gamot.

"Sige po."

Umakyat na ako sa second floor kung saan nandun ang kwarto ng amo ko.

"Bakit ang tagal mong dalhin yan? Saang lupalop ka nanaman ba nanggaling?" sermon agad ni Joseff pagpasok ko sa kwarto niya.

Nakaupo siya sa kama niya at nasa harap niya ang laptop niya.

Yumuko nalang ako at dinala sa gilid niya yung tray.

Ang totoo niyan, hindi naman talaga ako maid dito. Tita ko ang may-ari ng bahay at kapalit ng pagpapatira nila dito sa akin ay pagsisilbihan ko sila.

Nung una ay hindi pa sila pumayag, pero pinilit ko sila. Nakakahiya naman kung makikitira ako ng libre.

Kaya naghanap ako ng trabaho para mapag-aral ko ang sarili ko at para makalipat na din ako ng apartment.

Isa na din ang dahil na, ayoko ng makisama sa masungit kong pinsan na si Joseff kaya gusto ko ng umalis dito.

"Leslie, tawag ka ni Sir. Joseff." nagpalit agad ako ng damit at tumakbo paakyat sa kwarto ni Joseff.

"Ano nanaman ba yun?" tinignan niya ako. "Hinaan mo yung aircon." padabog kong kinuha ang remote ng AC niya at hininaan yun.

"Okay kana ba?"

"Okay na, lumayas kana." ang rude talaga niya.

-

Abigail

"Oh anak nanjan kana pala? Pumasok kana at kakain na tayo." napangiti nalang ako at pumasok na sa loob ng bahay namin.

"Kamusta ang trabaho mo?"

"Okay naman po, ang daming customers kanina ma!" nakakapagod pa din ang nangyari sa GotPink cafe kanina.

"Mabuti naman kung ganon.Hindi ka ba nahihirapan?" ngumiti nalang ako. Ayokong ipaalam sa kanya na nahihirapan ako, mas okay ng mahirapan ako wag lang sila.

"Okay lang po ma, kasama ko naman sila Eula. Kaya ko yun!" natawa nalang kami ni Mama.

"Nandito kana pala. Isama mo naman ako sa trabaho mo,para makita ko si Audrey." ayan nanaman ang pinsan kong patay na patay kay Audrey.

"Hoy Nash, wala kang pag-asa kay Audrey kaya tumigil kana." tinawanan ko nalang siya. Matagal na siyang may gusto kay Audrey, alam ni Audrey yun pero ayaw niya kay Nash.

"Sino ba kase yung gusto ni Audrey? Ipapasalvage ko na." hinampas ko siya.

"Pano kung sabihin kong si Kurt Tuan ang gusto niya, may magagawa ka ba?"

"Kurt Tuan? Yung anak nung may-ari ng pagawaan ng sasakyan?"

"Oo! Kaya dapat tapatan mo yun para magustuhan ka ni Audrey."

"No thanks nalang pala. Sige alis na ako." walk-out bigla. Hahaha! Hindi niya kase matapatan si Kurt, pero alam kong mas matalino si Nash kesa sa Kurt na yun.

-

Ashley

"Kuya!" aish nakakainis tong pinsan ko. Kinuha yung ice cream ko sa ref.

"Papalitan ko naman eh!" sinaraduhan niya ako ng pinto papunta sa kwarto niya.

Nakakainis, Ice cream ko yun eh T^T

"Kuya! Si Kyla nasa labas!" HAHAHA! in 3...2....1... "Nasaan?" mabilis pa sa alas kwatro. Lumabas siya ng kwarto niya ang galing diba?

"Haaay! Basta talaga para kay Kyla." umiling-iling ako.

"Tara na nga, bibilan na kita ng ice cream." ginulo niya ang buhok ko at hinala ako palabas.

"Ayan, bayad na ang ice cream mo. Isama mo naman si Kyla dito minsan." mukha talaga siyang Kyla.

"Sige bukas isasama ko siya."

"Talaga? Ash? Totoo?"

"Hindi,joke lang yun!" babatuhin niya sana ako ng unan na hawak niya pero nakaiwas ako agad.

Ang dali talagang utuin nun.

"Hoy Ashley, anong ingay yan?" nanigas ako sa kinatatayuan ko ng magising ang madrasta ko at galit na humarap sa akin.



Napayuko nalang ako."Sorry po mama."


"Wala ka talagang kwenta! Hala sige maglinis ka ng buong bahay! Bilisan mo at maglalaba ka pa pagkatapos!" absent minded ako tumango. Ayokong masaktan physically kaya susundin ko nalang ang gusto niya.

"Oh, bakit ikaw ang gumagawa niyan?" dumating si Kuya at nadatnan akong naglalapaso ng sahig.

"Sino pa ba ang gagawa nito? Ako lang naman." tumingin ako sandali sa kanya saka naglampaso ulit.

Wala namang magagawa si Kuya eh, katulad ko sunod-sunuran din siya sa madrasta namin.

Kung hindi lang sana kami pinamigay ng mama at papa, sana hindi ako nahihirapan ng ganito.

Huminga nalang ako ng malalim at nagpatuloy sa paglilinis. Balang araw makaka-alis din ako dito.

My Everything (BTSxAPINKxGOT7) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon