Chapter 27: Like Oh
Track 27: Like OhKyla
Nagising ako ng maaga at nagluto ng breakfast. Ginising ko na din sila para makapaghanda ng maaga,baka malate pa kami. First day pa naman namin sa bago naming school ngayon.
"Ashley, padala nalang yung bag ko pagbaba mo." naka-suot na ako ng uniform. Natapos na kaming kumain kaya kinuha na namin ang bag namin para umalis.
"30 minutes pa, ang aga natin." tinignan ko ang relo ko. 30 minutes pa nga. "Okay lang yun,atleast hindi tayo malalate diba?"
Nakarating kami sa bago naming school. Hindi siya katulad ng school nila Kenzo, para lang talaga siyang para sa mga middle class na students.
"Punta muna tayo sa guidance office para kunin yung schedule natin." sambit ko. Nagtanong kami sa mga students kung saan ang guidance office, nung naglakad kami pinagtitinginan nila kami... anong meron?
"Nagagandahan lang sila sa atin." proud na sabi ni Audrey. Wow, siya ang Top 1 pagdating sa kagandahan.
Tumawa kami pare-pareho, I admit. Baka yun nga ang dahilan.
"Thank you,Mr. Lee." ayun, inabot sa amin yung sari-sarili naming schedule. Mabuti naman at pareho kami halos lahat. 8 subjects, 3 lang ang hindi kami magkakasama. Okay na din yun.
"You're welcome. Sa akin ang first class nyo. Pumunta na tayo sa room nyo." sabi ni Mr. Lee, sumunod kami sa kanya hanggang sa makarating kami sa room na sinasabi niya.
Naghintay kami sa labas ng pinto hanggang sa tinawag kami.
"Introduce yourselves, one by one." sambit niya. Nauna si Leslie at pumunta sa harapan, sumunod kami.
"I'm Leslie Park."
"Kyla Yoon."
"Eula Jung."
"Audrey Son."
"Good morning! I'm Abigail Kim."
"I'm the youngest, Ashley Oh."
"Nice to meet you all, please take care of us." sabay-sabay naming sabi at nagbow. Mukha namang mababait ang mga bago naming kaklase. Natuwa pa sila sa intro namin. Corny ata nung 'please take care of us', pero sa tingin ko hindi naman.
Nagstart na si Mr. Lee ng lesson, nagets naman namin agad dahil nag-advance reading na kami habang hinihintay yung permission ng paglipat namin.
"Cafeteria tayo?" aya ni Leslie.Natapos na ang 5 classes naming magkakasama, vacant kami ng 2 hours.
"Cafeteria? Yun agad ang gusto mong puntahan Les?" tanong ni Audrey.
"Bakit saan ba ang gusto mo? Sa Comfort room para makapagretouch ka?" tanong pabalik ni Leslie. Natatawa naman yung iba, busy ako sa pag-aayos ng gamit ko.
Hindi ko namalayan na may nalaglag galing sa bag ko. "Red rose? Saan galing yan?" tanong ni Eula nang mapansin niya yung hawak ko.
"Nakita ko kanina sa pinto ng dorm natin." sambit ko. Nagmamadali na sila kanina kaya nilagay ko nalang sa bag ko.
"Kanino galing?" tanong ni Leslie.
Finally, natapos na kami sa pag-aayos kaya pumunta muna kami sa comfort room saka dumiretso sa cafeteria.
BINABASA MO ANG
My Everything (BTSxAPINKxGOT7) [Completed]
RomanceWhat if pagplanuhan ng pitong lalake na guluhin ang pag-aaral ng anim na babae na kaagaw nila sa ranking? Magiging panalo kaya sila sa larong sinimulan nila? O pare-pareho silang magiging talo dahil hindi nila napigilan ang sarili nilang mahalin din...