Chapter 8: Wishlist

119 3 0
                                    

Chapter 8: Wishlist
Track 8: Wishlist


Abigail

Bakit hindi ko nakita na si Karylle pala yung nandito? Ang tanga mo Abi!

“Anong problema dito?” napatingin nalang ako sa likod nang dumating yung masungit naming manager.

“She's trying to pour the coffee on me.” sabi ni Karylle saka umirap.

“What are you doing Abigail?” tanong niya. Nanginginig na ako sa takot kaya nakayuko nalang ako.

“Mam, papalitan ko nalang po yung coffee nyo.” sabi ni Kyla, habang si Ashley nililinis na yung natapong kape sa sahig.

Umalis na si manager kaya pumunta muna ako sa staff room para magpalit.

Si Karylle, ang pagkaka-alam ko best friend ko siya dati. Nagalit siya sa akin nung sinabi kong lilipat kami ng bahay dahil gusto ng mga magulang ko. Simula nun hindi na kami nag-usap at nagkita pa.

“Okay ka lang Abi?” tanong ni Leslie. Tumango naman ako.

“Abigail Kim, ibabawas ko sa sweldo mo ang natapong kape. Sa susunod ayusin mo ang trabaho mo.” - manager

“Opo, pasensya na.” sagot ko.

“Magsi-uwi na kayo.” huling sabi niya bago lumabas.

Naglakad kami palabas, naghiwalay na din kami dahil iba-iba ang daan pauwi sa sarili-sarili naming bahay.

“Pst!Abigail!” anong ginagawa ni Justin dito? Nakasakay siya sa kotse niya, binaba niya ang salamin ng bintana at tumingin siya sa akin.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko. Nakatingin siya sa GotPink Coffee shop.

“Jan ka nagtatrabaho?” tanong niya.

“Pake mo ba?” naglakad na ako pauwi pero nakasunod padin siya. Ang kulit talaga=____=

“Huy! Jan ka na nga nagtatrabaho?” tanong niya ulit.

“Ano ngang pake mo?” masungit na tanong ko. Kahit kelan ayoko talaga sa mayayabang,Lalo na kay Justin.

“Wag mo na nga sagutin.Sige bye, dadalhin ko nalang sayo yung alaga natin bukas. Jan ba ang bahay mo?” napatingin ako sa bahay na tinuro niya.

PANO AKO NAKARATING DITO NG GANUN KABILIS? NAKITA NIYA KUNG SAAN AKO NAKATIRA. NAKAKAHIYA!.____.

“Alis na, bye!” mabilis akong pumasok sa loob at sinara ang gate.

Napasandal ako sa gate, bakit ang init ng pakiramdam ko? Nakakainis talaga yang si Justin! Argh!

Kyla

Naglalakad ako pauwi,napadaan ako sa park. May lalakeng nakaupo at nakaside view mula sa akin,maliwanag dahil sa street light kaya nakita ko ang mukha niya.

“Bakit nandito si Thirdy?” tanong ko sa sarili ko.

Lalapitan ko na sana siya ng bigla siyang napatingin sa akin.

Tumibok ng mabilis ang puso ko nang magtama ang mata namin.

Hindi ako makagalaw, tumayo siya at naglakad papunta sa akin.

“Third—” hindi pa ako tapos magsalita ay bumagsak na siya sa balikat ko. Amoy alak siya, uminom siya dito? Wala siyang kasama?

“Thirdy! Huy gising!” tinapik-tapik ko ang pisngi niya pero hindi padin siya nagising.

“Aish! Ang bigat mo!” inilalayan ko siya habang naglalakad. “Saan ka ba nakatira?” tanong ko. Hindi siya sumagot, asa pa ako.

Hindi ko alam kung saan siya nakatira dahil wala naman siyang binigay na address kaya inuwi ko nalang siya sa amin. Maiintindihan naman ni mama kapag nakita niya si Thirdy sa bahay.

Pagkauwi namin ay kumuha agad ako ng maligamgam na tubig at pinunasan ko siya.

May problema ba siya? Bakit siya naglalasing mag-isa?

“ma...”

Tulog siya pero nagsasalita siya. Bakit niya tinatawag ang mama niya?

Natapos ko na siyang punasan kaya nagpalit ako ng danit at natulog na sa lapag. Siya kase yung nasa kama ko kaya no choice ako kundi matulog sa lapag. Sana paggising niya bukas wala siyang hang-over kundi hindi siya makakapasok at hindi ko siya makiki— ano ba yan Kyla! Ang dami mong iniisip. Makatulog na nga lang.

Thirdy

Nagising ako dahil sa sinag ng araw.
Tumingi ako sa paligid, kaninong bahay to?

Bumangon ako sa kama at napatingin sa babaeng mahinbing na natutulog sa sahig. Bakit jan siya natutulog?

Ang ganda pa din pala ng mukha niya hanggang pagtulog. Napailing ako, bakit mo siya pinagmamasdan? Kaagaw namin yan eh. Yan ang dapat kong tandaan.

“Oh, Thirdy gising kana pala. Sandali at igagawa kita ng tea.” sabi niya habang kinukusot kusot ang mata niya. Ang cute lang tignan.

Tumango nalang ako. Lulubusin ko na ang pagtulong niya, masakit din ang ulo ko dahil sa pag-inom ko kagabi.

Inayos ko ang sarili ko saka lumabas sa kwarto niya. Ang liit lang pala ng bahay niya, kasing laki ng ata ng maids quarters 'to.

“Ito na ang tsaa mo.” inilapag niya yun sa mesa kaya na upo muna ako.

“Okay na ba ang pakiramdam mo?” tanong niya. Busy siya sa pag-aayos ng gamit sa pagluluto kaya nakatalikod siya sa akin.

Gusto kong tumango nalang pero hindi niya makikita yun dahil nakatalikod nga siya.

“Maayos na.” sambit ko.

Humarap na siya sa akin at ngumiti. “May kailangan ka pa ba?” tanong niya.

“Wala na, aalis na ako.” inubos ko na ang natira kong tsaa saka naglakad palabas ng bahay, nakita ko namang nakasunod siya hanggang sa labas ng gate nila.

“Kyla, ano .. ” napakunot ang noo niya. Pano ba kase magsabi ng salamat? Once in a blue moon ko labg kase sinasabi yun eh.

“Ano yun Thirdy?” tanong niya.

Ngumiti nalang ako. “Salamat.” sambit ko saka naglakad paalis. Mabuti naman at nasabi ko, ayoko magmukhang bastos sa harap niya.

“Hello Thirdy? Balita ko hindi ka nanaman umuwi kagabi ha? Saan ka natulog?” tanong ni Kenzo sa kabilang linya.

Nakarating ako sa bahay at dumiretso sa kwarto ko.“Ikukwento ko mamaya,bye.” naligo na ako at nag-ayos saka sumakay sa kotse ko papunta sa school.

“Anong nangyari kagabi Thirdy?” tanong ni Jasper pagpasok ko ng tambayan.

“Nalasing ako kagabi, mabuti nalang at may nakakita sa aking babae.” sabi ko.

“Sino?”

“Saan ka dinala?”

“Anong ginawa sayo?”

“Paano ka nakauwi?”

“Maganda ba? Pakilala mo nga ako!”

“Anong pangalan? I-follow ko sa instagram.”


Yung totoo? “Anong gusto niyong patunayan?” tanong ko.

Natawa naman sila. “Joke lang Thirdy! Pero sino nga yung nakakita sayo?” tanong ni Justin.

Dapat ko bang sabihin na isang miyembro ng pinkies ang nakakita sa akin at nag-uwi sa bahay niya?

“Ah.. si ano...”

My Everything (BTSxAPINKxGOT7) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon