Chapter 24: Hush

48 4 0
                                    

Chapter 24: Hush
Track 24: Hush

Jasper


Sinubukan kong tawagan siya pero hindi niya ako sinasagot. Nakuha ko yung number ni Kyla sa mga kaibigan niya, gusto kong makipag-usap sa kanya pero ayaw niya.



"Lalabas lang ako." dumating si Thirdy kaya gusto kong lumabas. Hinawakan naman ako sa kamay ni Kenzo, pinigilan niya ako.



"Kumpleto na tayo, wag ka ng lumabas dahil may sasabihin ako." sambit niya. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla nalang nagbago ang atmosphere pag magkakasama kaming pito ng ganito.


"Ano ba yung sasabihin mo Kenzo?" tanong ni Thirdy. Bumalik si Thirdy sa pagging cold at walang kinakausap maliban lang kay Kenzo.



"Kailangan na nating itigil ang plano." halos lahat sila ay nagulat sa sinabi ni Kenzo. Bakit ngayon pa?



"Bakit ngayon pa? Anong problema?" tanong ni Patrick.


"Napaimbistigahan ko na yung taong gustong manakit sa pinkies, nalaman kong totoo sila kagay ng sinabi ni Thirdy." nagkaroon ng katahimikan. Alam ng grupo namin ang tungkol sa pagbibigay ng threats sa pinkies, kunwento sa amin ni Thirdy ilang buwan na din ang nakakalipas.



"Ano namang koneksiyon nun?" tanong ni Justin.



"Dahil sa atin kaya sila napapahamak,kaya kailangang iwasan na natin sila." hindi sumang-ayon ang apat sa kanya.



"Ganun nalang yun? Pagkatapos nilang mapahamak dahil sa atin iiwanan nalang natin sila?"



"Para ito sa ikakabuti ng lahat, titigilan na nating lahat ang pakikipagdate sa kanila. That's final." lumabas na si Kenzo pagkatapos niyang sabihin yun. Sumunod naman si Thirdy kaya kaming lima nalang ang natira.



"What we're going to do?" tanong ni Justin. Huminga ako ng malalim at nagsalita.




"Kailangan nating sunduin ang gusto ni Kenzo, isipin nyo nalang na para din ito sa ikakabuti nila." sabi ni Yancy. Mahirap gawin ang gusto ni Kenzo, pero alam kong gagawin nila yun dahil malaki ang respeto nila kay Kenzo bilang leader ng white blues.



"Tsk. Wala naman tayong choice." sambit ni Kurt. Tinapik ko ang braso niya na sinasabing 'okay lang yun'.




Sa tingin ko ito na din ang panahon para kalimutan namin ang pinkies.



Kyla


11 pm na kami nakapagsara ng shop dahil hindi tumigil ang pagdating ng tao kanina, mabuti nalang at naagapan.


"Wala ng bus ngayon." hanggang 10 pm lang ang pagdaan ng bus sa lugar na dinadaanan namin pa-uwi kaya no choice kami kung hindi maglakad hanggang sa susunod na kanto.




"Grabe yung mga tao kanina, ang dami." Eula. Ang dami nga nila kanina, kaya pagod na pagod kami kakaserve sa kanila.



"Oo nga, pagdating natin sa dorm hihiga agad ako sa kama ko." sabi ni Abi habang hinihilot yung batok niya.


Nakarating na kami sa madilim na part ng kalsada kaya humigpit yung hawak ko sa braso ni Leslie. Ayoko talaga sa madilim na lugar. Natatakot agad ako.



Tahimik lang kaming naglalakad hanggang sa may tumigil na van sa harap namin. Bumukas ang pinto nun saka lumabas yung limang lalake na nakamask. Sino sila? Anong balak nilang gawin?



Nasa madilim na part padin kami kaya tumakbo agad kami para humingi ng tulong. Nakapagtago ako sa lugar na madamo at medyo madilim.



"AAAH! PAKAWALAN NYO KAMI! ANO BANG KAILANGAN NYO!"



"LESLIE! EULA!"



"ASHLEY! ABIGAIL!"

"KY-" nakita kong tinakpan ng isang lalake yung bibig nila saka nila sinara ang pinto ng van saka pinaandar yun.



Hindi pa din ako makagalaw sa kinalalagyan ko. Anong nangyari? Bakit may gustong kumidnap sa amin?



Huniminga ako ng malalim para pakalmahin yung sarili ko.


Sinubukan kong tawagan sila Kenzo,Thirdy at Justin pero cannot be reach ang cellphone nila. Naisip kong baka sagutin ni Simon ang tawag ko kaya siya ang tinawagan ko. "Simon? Tulungan nyo ako! Sila Ashley!"


"Bakit? Anong nangyari? Kyla!"


Naiiyak na ako dahil sa takot. "May kumuha kila Ashley! Ako nalang ang natira, nakapagtago ako!" sinabi ko kay Simon kung nasaan ako. Pagkatapos ng ilang sandali dumating na sila.


"Kyla? Okay ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?" tanong ni Brent. Tumango lang ako,hanggang ngayon naiiyak pa din ako. Sana okay lang sila Leslie, sana ligtas sila.





"Brent, iligtas nyo sila Ashley please lang." sambit ko. And everything went black.




Simon



"Hyung anong gagawin natin?" nakakagat ko na ang kuko dahil sa frustration, kailangan naming iligtas ang pinkies.




"Ito na nga ba ang sinabi ko." sabi ni Brent hyung. Huminga siya ng malalim."Hintayin nalang natin ang tawag ng kidnappers."


Pagkatapos naming puntahan si Kyla, nawalan siya ng malay kaya dinala na muna namin siya dito sa dorm habang naghihintay ng tawag.


"Joseff, maupo ka nga! Nahihilo na ako kakaikot mo jan!" sabi ni Andrew. Umupo naman si Joseff, nag-aalala na sya kay Leslie. Lahat kami nag-aalala sa kanila.



"Sana walang mangyaring masama sa kanila." bulong ko, Ashley mag-ingat ka. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sayo.



"Saan nyo sila dinala? Pupunta na kami dyan." pagkatapos ng limang oras tumawag ang isang tao kay Brent hyung.


"Nasaan daw sila? Puntahan na natin!" halos mataranta si Joseff kakaisip kung ano nang nangyari sa kanila.


"Nasa gangnam sila,isang bakanteng factory." kinuha na namin ang sari-sarili naming jacket,lalabas na sana ako ng dorm ng may humawak sa kamay ko.


"Gising kana pala, aalis na kami." paalam ko sa kanya.


"Simon, sasama ako!" hinawakan niya ako sa braso kaya wala na akong ibang nagawa kundi isama siya.



"Simon, bakit sinama mo pa si Ate Kyla?" tanong ni Ryan. Sumakay na kami sa van,nagdrive na si Brent Hyung papunta sa gangnam.



"Hayaan mo na ako Ryan, gusto kong masigurong magging maayos sila Leslie." sambit ni Kyla.



Ilang minuto lang nakarating na kami sa abondoned factory. "Kyla, dito ka lang. Ilock mo ang mga pinto." utos ni Brent hyung. Tumango naman si Kyla, isa-isa na silang lumabas."Mag-iingat ka dito." sabi ni Ryan sa kanya. Niyakap niya ang ate niya saka siya bumaba.


"Iligtas nyo sila." tumango ako at hinalikan siya sa noo. Oo Kyla, ililigtas namin sila.

My Everything (BTSxAPINKxGOT7) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon