Chapter 43: Stop Stop It
Track 43: Stop Stop ItKyla
"Ito pa oh, kumain ka ng marami ha." panay ang lagay ni Simon ng pagkain sa plato ko. Balak niya ba akong palobohin?
"Ang dami naman niyan! Hindi ko maaubos yan." ngumuso ako. Naupo siya sa harap ko tapos nagsimula na ding kumain.
"Mauubos mo yan, pagna-ubos mo yan aalis tayo." ngumiti siya tapos ginulo yung buhok ko.
Kumain nalang ako, nung pagkatapos ko pinagbihis niya ako tapos nagpunta kami sa mga pasyalan na malapit dito.
Marami siyang biniling bagay na magpapa-alala na nagpunta kami dito. Pati couple shirt bumili din siya, uso pala sa mga lalake yung ganun?
"Sabi ko naman sayo eh, bagay sayo 'yang couple shirt na binili ko. Tignan mo bagay na bagay tayo." inakbayan niya ako nung may nakita kaming salamin bago kami umuwi. Napangiti naman ako, Oo tama siya.. bagay nga yung suot namin, hindi ko lang alam kung pati kami bagay sa isa't-isa.
"Tara na nga, umuwi na tayo.. nakalimutan kong magdala ng gamot." gaya ng sinabi ko, umuwi na kami.. medyo nahihilo ka din ako. Sa mga nakaraang araw napansin ko na mabilis akong mapagod kahit na hindi naman ganun kahirap yung ginagawa ko.
"Ito oh, inumin mo na." kinuha ko yung gamot sa kamay niya,nagpasalamat na din ako. Mabuti nalang at nandito siya, kung wala baka ano ng nangyari sa akin.
"Okay na ba yung pakiramdam mo? Magpahinga kana ha?" hinatid niya ako sa kwarto ko. Naligo muna ako bago humiga sa kama ko.
Nakatitig lang sa ceiling ng isang oras... bakit hindi ako makatulog?
Paikot-ikot ako sa kama ko para hanapin yung antok ko pero hindi ko talaga makuha.
Tumayo muna ako para pumunta sa kusina, iinom muna ako ng gatas baka sakaling makatulog na ako.
"Bakit ba nagmamadali ka? Babalik din naman ako diyan, hayaan mo muna akong makasama siya."
"Ano bang mahirap intindihin dun? Papakasalan kita kahit anong mangyari."
Teka, papakasalan? Anong sinasabi ni Simon? Sino bang kausap niya?
Umiling ako at huminga ng malalim. May hindi ba sinasabi si Simon sa akin?
"Kyla? Kanina ka pa diyan?" nakatingin lang ako sa kanya nung nakita niya akong nakatayo sa likod niya.
Umiling lang ako tapos niyakap ko siya.
Hindi mo naman ako iiwan diba,Simon?
Niyakap niya din ako pabalik, ang higpit ng yakap niya.. feeling ko protektado ako sa mga bisig niya.
"Bakit gising ka pa?" tanong niya.
"Hindi ako makatulog, uminom na ako ng gatas." sagot ko. Ngumiti siya tapos ginulo yung buhok ko.
Sinamahan niya ako sa kwarto ko, binantayan niya ako hanggang sa makatulog ako.
--
Simon
Pinagmasdan ko lang si Kyla hanggang sa makatulog siya.
Paano ko ba siya iiwan sa kalagayan niya ngayon?
Umiling ako. Mapapahamak si Kyla kapag hindi ako nagpakasal sa anak ni Mr. Choi, malalagay sa panganib si Kyla kapag hindi ako nagpakasal kay Tanila.
Napagdesisyonan ko ng umalis sa susunod na araw. Alam ko ng pag-umalis ako, hindi ko na pwedeng balikan si Kyla.
Bakit ba hindi kami ang itinakda ng tadhana?
Umaga na ng umalis ako sa tabi ni Kyla, gusto kong sulitin yung oras na magkasama kami.
May nagdorbell sa may pintuan kaya pinuntahan ko at binuksan.
"Simon? Anong ginagawa mo dito?" sumalubong sa akin si Ryan kasama si Tita.
Pumasok sila sa bahay, hinintay nilang magising si Kyla.
Sinabi ko na yung kalagayan niya, napapansin kong mabilis siyang mapagod..kaya lahat ng gawain dito sa bahay ako na ang gumagawa.
"Simon, salamat sa pag-aalaga sa anak ko." hinawakan ni Tita yung kamay ko. "Walang anoman po, gusto kong alagaan si Kyla.. hangga't pwede." nginitian niya ako bago siya umalis.
"Excuse me lang." may tumatawag sa cellphone niya kaya pumunta muna siya sa bathroom para makipag-usap.
"Kelan mo balak umalis?" lumingon ako kay Ryan dahil sa tanong niya.
Huminga ako ng malalim, "Sa susunod na araw... sinabi ko na kay Mr. Choi at Tanila 'yon."
"Balak mo bang sabihin kay ate?" tanong niya. Pinag-isipan ko ng mabuti ito. "Hindi, hindi na niya dapat malaman."
Maya-maya dumating na din si Tita, pinuntahan ko muna si Kyla sa kwarto ko.
Nakita kong tulog na tulog pa siya. Mukhang napagod talaga siya kahapon kaya hanggang ngayon tulog pa din siya.
"Simon? Nasaan ang mga gamit ni Kyla? Aayusin ko na, para paggising niya makaka-alis na kami." aalis? Uuwi na sila agad ngayon?
Tinuro ko yung kabinet ni Kyla,lumabas muna ako para magpahangin.
"Ngayon na pala ang huling araw na makakasama ko siya." bulong ko.
"Simon, handa na ba ang gamit mo? Sumabay ka na sa amin pauwi." alok ni Tita.
Pinag-isipan ko ng mabuti kung sasama na ako pauwi o tatakas nalang ako pero gusto ko pa din siyang bantayan kahit sa malayo.
BINABASA MO ANG
My Everything (BTSxAPINKxGOT7) [Completed]
RomanceWhat if pagplanuhan ng pitong lalake na guluhin ang pag-aaral ng anim na babae na kaagaw nila sa ranking? Magiging panalo kaya sila sa larong sinimulan nila? O pare-pareho silang magiging talo dahil hindi nila napigilan ang sarili nilang mahalin din...