Chapter 19: Everyday

69 3 0
                                    

Chapter 19: Everyday
Track 19: Everyday

Kyla


Lumipas ang isang linggo, friday na ngayon kaya maaga dapat sa school.. may ginaganap kaseng event tuwing friday.


"Okay na yung ipe-perform natin mamaya ha? Napractice na natin yun kahapon." sambit ni Leslie. napatango kami.



2 dalawang oras nalang, natapos kami agad sa pagsayaw dahil kami yung unang tinawag para lumabas sa stage.




Natapos na din magperform ang grupo nila Thirdy,If you do yung sinayaw nila. Yung grupo naman nila Brent Run ang sinayaw.





"Bibili lang ako ng tubig sa cafeteria" paalam ko. Nasa backstage pa din kami dahil sinusuporthan namin yung mga nagpeperform.




"Gusto mo bang samahan kita?" tanong ni Eula, nakita kong napagod siya kanina hindi pa siya nakakapagpalit ng damit at pawis siya. Mabilis siyang mapagod,halata naman yun sa kanya.






"Hindi na Eu,magpahinga ka nalang." nginitian ko siya bago ako umalis.


Nasa 15th floor ng building yung pinagganapan ng event kaya sumakay ako ng elevator pababa sa 1st floor.




"Kyla, pasabay!" naglakad papunta sa elevator si Jasper, alangan namang gumapang?




"Ang ganda ng performance nyo kanina." sabi niya habang ginagaya yung pagsayaw at kanta ko kanina.



"Salamat. Kayo din naman." sabi ko saka ngumiti.



"Saan ka pala pupunta?" tanong niya.



"Pupunta sana ako sa cafeteria para bumili ng tubig." sagot ko.




"Ah.. Hahaha." bigla siyang tumawa. Baliw na ata.


Nasa 7th floor palang kami ng biglang namatay yung ilaw ng elevator. Napapikit nalang ako, takot ako sa madilim. Lalo na't nasa masikip na lugar pa, baka atakihin ako ng asthma.



"Kyla? Okay ka lang ba?" naramdaman kong kinakapa ako ni Jasper hanggang sa mahawakan niya ang braso ko.




"Jasper, natatakot ako." hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako kaya humihikbi na ako.


"Shssh. Wag kang matakot, nandito lang ako." hinili niya ako papalapit sa kanya at niyakap.






Naramdaman ko na safe ako habang yakap-yakap niya ako. Teka, ano ba tong nararamdaman ko?



Hindi pa din ako tumitigil sa paghikbi kaya hinaplos niya ang ulo ko para mapakalma ako.


Halos dalawang oras na kaming nandito pero hindi pa din gumagalaw yung elevator. Ang tagal naman ata?



"Lowbat na ako." pinasubukan kong tawagan sila Leslie kaya Jasper. Lowbat na daw siya kaya no choice nalang kundi maghintay.




"Maayos din agad to." sambit ni Jasper.




Tumango nalang ako. Okay na din ako. Binuksan ni Jasper yung ilaw ng cellphone niya may makikita akong liwanag sa loob.


"Kyla,May itatanong ako sayo." napalingon ako sa kanya.



"Ano yun?"




My Everything (BTSxAPINKxGOT7) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon