Chapter 48: Remember

52 3 0
                                    

Chapter 48: Remember
Track 48: Remember









Third Person's Point of view





“Kyla?” tawag ni Thirdy mula sa likod niya. Ngumiti si Simon at ipinakita niya ito kay Thirdy, ito ang klase ng ngiti na sinasabing nagawa niya ang gusto niya, na nagawa niya ang isang hakbang para maibalik si Kyla sa kanya.



Napayukom nalang ng kamay si Thirdy saka hinila sa isang kamay niya si Kyla.





“Anong ibig sabihin nito?” tanong ni Thirdy. Nakayuko lang si Kyla, kahit siya hindi niya alam ang nangyari.




“Sinubukan ko siyang layuan,pero huli na.” itinaas ni Thirdy ang mukha niya at hinarap sa kanya.





“May tiwala ako sayo,Kyla.” naghalf smile lang si Kyla. Masaya siyang marinig yung salitang yun kay Thirdy. Atleast alam niya na hindi ganun ang iniisip ni Thirdy.






“Mahal na mahal kita.” bulong ni Thirdy kay Kyla habang magkayakap sila.
















Napansin ni Thirdy na may balot ang kamay niya kaya tinanong niya si Kyla kung anong nangyari doon.“Ginamot niya ito kanina.”mahinang sagot ni Kyla.








Alam naman ni Thirdy kung sino ang tinutukoy ni Kyla kaya tumango nalang siya.








Samantalang si Simon ay dinala na ang mga gamit niya at umalis sa bahay ni Mr. Jeon.








Nakarating siya sa bahay nila at naabutan niya doon si Ashley,ang kapatid niya.








“Kuya? Ikaw ba yan?” sinalubong niya si Ashley ng mahigpit na yakap.







“Kuya! Bakit hindi ka man lang nagtext sa akin? Akala ko kung saan ka na nagpunta. Nag-alala ako sayo!” sambit ni Ashley habang hinahampas-hampas siya sa braso.





Niyakap lang ulit ni Simon si Ashley. Alam niya naman yung kasalanan niya, kaya hindi niya masisisi si Ashley kung bakit ito galit sa kanya.







Natapos ang pag-uusap nila ng gabing iyon. Naghiwalay na sila at natulog sa kani-kanilang kwarto.






Naipaliwanag na ni Simon sa kapatid niya kung bakit siya biglang nawala. Naikwento niya na nakituloy siya sa bahay ng pinsan siya ng higit sa anim na buwan na pagkawala niya.





——









Kyla








Nakakainis itong sila Ryan,aalis pala kami. Hindi man lang sinabi ng maaga, edi sana nakapaghanda ako kagabi pa diba?







Kinuha ko yung maleta ko saka nagsimulang mag-empake,teka? Anong damit ang dadalhin ko? Hindi naman sinabi ni Ryan kung saan kami pupunta kaya pumunta ako sa kwarto niya para tanungin siya.







“Ihanda nyo lahat hyung ah.”


















“Op naman, basta dapat magiging masaya ang siya.”










“Sige, salamat. Kita kits nalang.”








Anong pinagsasabi nun? May pinaplano nanaman yung kapatid ko.







Kumatok muna ako bago buksan yung pinto ng kwarto niya. Mahirap na diba?







“Oh, bakit ate?”







“Saan ba tayo pupunta bukas? Anong damit ang dadalhin ko?”








“Isasama daw tayo ni papa sa business meeting niya bukas sa pag-aari niyang beach resort. Kaya sa malamang, kailangan mo magdala ng swimsuit ate.” muntik ko na siyang mabatukan dahil sa huling sinabi niya.







Teka, isasama kami ni papa? Baka ipapakilala niya kami sa business partners niya?







“Sige, mag-iimpake na ko.” sambit ko saka lumabas ng kwarto niya.






Pagbalik ko sa kwarto tinuloy ko na yung pag-iimpake ko, nagdala na ko ng pangswimming at mga daming na tatagal ng one week, okay na siguro yun.







Sinubukan kong tawagan si Ashley para tanungin kung gusto niyang sumama, pero hindi niya ako sinasagot.. ganun din si Leslie,Aud,Abi at Eula.






Sumunod kong tinawagan si Thirdy, cannot be reach naman yung cellphone niya.






Huminga ako ng malalim, okay lang yan Kyla. Wag ka ng mag-assume na may makakaalala na birthday ko bukas. Okay lang yan Kyla, bahagi ng buhay natin yan.






Minsan diyan naman magaling ang mga tao eh, kapag kailangan mo doon sila mawawala. Ay teka, ano ba itong pinagsasabi ko? Makatulog na nga lang.








——











Ryan






Nagising ako ng mas maaga kay ate, alam nyo na. Syempre kailangan naming pagpalanuhan ang birthday celebration niya. Kasabwat namin si mama at papa dito, kaya may katulong kami sa paghahanda.






Nung naayos na lahat ng kailangan, nilagay na sa likod ng sasakyan. Tinakpan namin ng kung ano-ano, baka mapansin pa ni ate at itanong niya pa kung para saan yun.




“Ate,gising na. Alas-kwatro na oh,aalis daw tayo pagkatapos ng thirty minutes kaya bumangon kana diyang kung ayaw mong maiwan.. sige ka.” ayun pagkatapos ng mahabang linya ko, tumayo naman siya agad at pumasok sa banyo niya.








Kabisado ko na yang si ate, alam kong nagtatampo 'yan dahil akala niya walang naka-alala na birthday niya ngayon.





Habang naliligo siya, tinawagan ko na sila Brent. Alam kong may bus silang dala kaya dapat sumunod na agad sila sa amin, o mas maganda ay mauna na sila doon.







“Wala ka na bang naiwan?” tanong ni papa kay ate, umiling lang siya. Hays, hindi pa din siya nagsasalita.








Nagtinginan lang kami nila mama, sure naman akong magiging masaya si ate mamaya.. kapag nalaman niya na may surprise party para sa kanya pagdating namin sa beach resort ni papa.

My Everything (BTSxAPINKxGOT7) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon