Chapter 34: U You

49 3 0
                                    

Chapter 34: U You
Track 34: U You

Kyla

Kinagabihan lumabas na agad kami ng ospital. May pasok pa kinubukasan kaya pinili namin na umalis na, okay naman na ako. Ang tanga kase eh, pagkain nalang nakalimutan pa?

“Kyla, matulog kana may pasok pa tayo bukas ng umaga.” sumilip si Leslie sa kwarto namin, wala pa dito si Ashley.. saan kayo yun nagpunta?

“Sige Les, goodnight!” ngumiti naman siya tapos nilapitan ako. Nagtaka ako nung bigla niya akong yakapin. “Bakit Les?” narinig ko na humikbi siya.

Humiwalay ako sa yakap at tinignan yung mukha niya.“Bakit ka umiiyak?” tanong ko. Hinampas niya ako ng mahina.“Ikaw kase eh, lagi mo kaming pinag-aalala.” sabi niya saka ngumuso. Ang sarap talaga sa feeling kapag alam mong may taong nag-aalala para sa 'yo.

“Sorry, lagi ko kayong pinag-aalala. Simula ngayon aalagaan ko na talaga yung sarili ko.” sambit ko. “Dapat lang, wag mong kalimutan ang pag-inom mo ng gamot, kundi masasapak kita.” sabay kaming tumawa.

“Salamat sa lahat,Les” ngumiti siya at ginulo yung buhok ko.“Wala yun, para na tayong magkakapatid eh, kaya hindi ko kayo papabayaan.” niyakap niya ako ulit bago siya lumabas.

Ang swerte ko talaga at nakilala ko silang lima. Sila yung nagbigay ng mg bagay na hindi ko kayang ibigay sa sarili ko.

“Kyla~ gising naaaaa~” mabilis akong napabangon. Nakakainis si Abi, diretso sa tenga ko yung bibig niya eh sumigaw pa naman siya.

“Gising na ako, lumayas kana.” kinuha ko na yung towel ko bago pumasok sa bathroom. Narinig ko namang tumawa lang siya bago lumabas.

“Kumain ka muna bago tayo umalis.” nadatnan ko silang nasa sala, nanonood ng T.V yung iba.. sila Ashley nasa kusina at kumakain pa.

“Sinong nagluto ngayon?” tanong ko. Binigyan ako ni Ashley ng pinggan kasama ang spoon at fork.

Natawa naman sila.“Si Audrey, sino pa ba ang magluluto ng sunog na bacon?” nagtawanan sila. Si Audrey naman ngumuso lang.“Hindi ka pa pwedeng mag-asawa.” sambit ko bago sumupo ng kanin at ulam. Natawa nanaman yung iba.

“Hindi kase nagising si Leslie ng maaga, kaya ako na ang nagluto.” sambit ni Aud. Kadalasan kase kaming dalawa ni Leslie yung nagluluto, simula nung nagkasakit ko hindi ko na sila nalulutuan ng breakfast.

“Hayaan mo na, gigisingin ko din si Leslie ng malakas kong 'good morning' bukas.” sabi ni Abi. Hindi pa din talaga maka-move on yung tenga ko sa sigaw niya, nabingi na ata ako.

Natapos na kaming kumain kaya pumasok na kami sa school.

“May pinagkakaguluhan nanaman?” naabutan namin yung maraming tao sa labas ng school. Sino nanamang nandito? Hindi kaya sila Jayson lang yan? Baka nga.

“Kyaaah! Akin ka nalang!”




“Waaaa ang popogi naman nila!”


“Saan ba sila nag-aaral? Lilipat na ako dun para mapalapit sa kanila~”



“Girl! Papalapit siya sa akin! Bibigyan niya ako ng flowers!” tili nung babae na nasa harapan namin. Crowded na sila, nakakahinga pa kaya sila niyan?

Tilian everywhere. Sino ba kase tong mga 'to? “Ang white blues?” nagtatakang tanong ni Ashley. Nakita niya siguro, siya kase yung pinakamatangkad sa amin eh. Matutulog na nga ako ng maaga. T.T

My Everything (BTSxAPINKxGOT7) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon