My Everything Epilogue
Kyla
Lumipas ang isang linggo simula ng maconfine sa ospital si Thirdy.
“Kyla, tulog si Thirdy kaya mabuti pa umalis kana. Wag mo na siyang istorbohin pa.” kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Anong karapatan niyang palayuin ako sa boyfriend ko?
“Wala kang karapatang sabihin 'yan! Bakit sino ka ba?” hindi ko na napigilan yung sarili kong sigawan siya. Ito yun eh, lagi siyang ganyan sa tuwing pupuntahan ko si Thirdy, dinaig niya pa yung security guard sa pagbabantay niya.
“Ako? Walang karapatan?” tinuro niya yung sarili niya. Sinusubukan kong pakalmahin yung sarili ko dahil ayokong gumawa ng eskandalo dito.
“Ako pa ang sinasabihan mong walang karapatan? Best friend ko siya!Mas malapit siya sa akin.” napapikit ako. Oo, alam kong mas malapit siya, pero alam kong ako ang mahal niya.
Kinabukasan ng aksidente, nadatnan ko nalang si Nicole sa kwarto ni Thirdy sa ospital. Unang kita ko palang sa kanya, alam ko na hindi kami magkakasundo.. at naging tama nga ako. Simula din noon, sinabi niyang hindi na ako naalala ni Thirdy, pero hindi ako naniniwala sa kanya. Gusto kong ako mismo ang makaalam nun.
Palagi niya akong tinataboy sa tuwing bibisita ako kay Thirdy. Hindi pa ako nakakapasok ng kwarto, ipagtutulakan na niya ako palabas. Kahit ang mommy ni Thirdy pabor sa ginagawa niya. Si ate Darylle at si Tito lang ang pumapayag na bisitahin ko si Thirdy, pero palaging tulog si Thirdy kapag sila ang nagbabantay kaya isang linggo ko na din siyang hindi nakaka-usap.
“Ky, okay lang 'yan. Tutulungan ka naming makausap si Thirdy. Wag ka ng umiyak diyan.” todo comfort silang lima sa akin. Mabuti nalang at nasa tabi ko sila. Kung hindi baka naubos na yung tubig ko sa katawan kaka-iyak.
“Ate, pupunta kami nila hyung sa ospital. Sumama ka.” nabuhayan ako ng loob nung sinabi ni Ryan yun, pakiramdam ko ito na yung oras para maka-usap ko si Thirdy. Gusto kong mag-sorry sa kanya. Dahil sa akin naaksidente siya.
Sumama na din ang pinkies sa ospital, kompleto kaming lahat ngayon. Saktong si Tito ang bantay at gising si Thirdy kaya pinapasok niya kami agad.
Pina-una sila ni Tito, gusto daw kase muna niya akong maka-usap.
“Kyla, kanina ko lang naka-usap yung doktor ni Thirdy. Nalaman ko na may temporary amnesia siya, bilang lang ang naalala niya.” tumulo yung luha ko ng marinig ko yung sinabi ni Tito.
Tinapik niya ako sa balikat bago siya umalis.
Habang naglalakad ako pabalik, ilang beses kong dinasal na sana naalala ako ni Thirdy, sana kilala niya pa din ako.
“Oh, nandito na pala si Kyla eh.” pagpasok ko nakita kong nakatingin sa akin si Thirdy, sa tingin ko sinusuri niya ako.
Yumakap agad ako sa kanya pagpasok ko.“Sorry” bulong ko. Hindi ko na pala namalayan na umiiyak na ako sa balikat niya.
Naramdaman ko na hinahagod niya yung likod ko, na parang sinasabing 'okay lang' pero wala akong narinig na boses mula sa kanya.

BINABASA MO ANG
My Everything (BTSxAPINKxGOT7) [Completed]
RomanceWhat if pagplanuhan ng pitong lalake na guluhin ang pag-aaral ng anim na babae na kaagaw nila sa ranking? Magiging panalo kaya sila sa larong sinimulan nila? O pare-pareho silang magiging talo dahil hindi nila napigilan ang sarili nilang mahalin din...