Chapter 40: I Do

60 3 1
                                    

Chapter 40: I Do
Track 40: I Do

Kyla

Alas-tres na ng madaling araw pero hindi pa din ako makatulog. Iniisip ko si Simon, okay lang kaya siya? Sana maintindihan niya ang nagawa ko. At magagawa ko.

Ang totoo niyan, sinabi sa akin ni Thirdy na siya na ang magbabayad ng utang ng step mother nila Ashley at Simon para hindi na sila mahirapan. Kapalit nun, makikipagdate ako sa kanya.

Hindi naman siguro ganun kasama yung ginawa ko hindi ba? Inaamin kong mas naging matibang na sa puso ko Simon. Pero wala akong ibang choice kundi sundin si Thirdy, para din naman sa magkapatid ang ginawa ko.


Dahil ako yung taong gagawin lahat ng makakaya ko para hindi masaktan yung tao sa paligid ko.

Tumawag na din ako kay Ashley, sinabi kong si Thirdy na ang magbabayad ng isang milyon kaya wag na siyang mag-alala.. hindi ko sinabi sa kanya yung kapalit nung bagay na yun.


Wala na ba talagang bagay sa mundong ito na hindi natutumbasan ng pera? Kahit pala ang kaligayahan ng tao nabibili na din ng pera.

Maliwanag na nung nakatulog na ako. Maya-maya lang naligo na din ako dahil pupunta pa ako sa training.


Nilagyan ko nalang ng kung anong pangtapal yung eyebags ko, baka kase magtanong pa sila eh.




Pagdating ko sa building, sinalubong ako ni Ashley. Nagpasalamat siya sa tinulong ko.


Kung alam mo lang Ashley.





“Ky, kakain kami sa malapit na restau dito.. narinig ko kaseng masarap daw ang mga luto nila.” inaya nila akong kumain pagkatapos ng training. Hindi ako sumama dahil wala ako sa mood, medyo masama yung pakiramdam ko. Naiwan ko pa naman yung gamot ko sa bahay.


“Ate, pupunta pa ako kila Joseff dun ako matutulog. Gusto mo bang ihatid muna kita?”sambit ni Ryan. Ginulo ko yung buhok niya.“Hindi na, kaya ko na.” nginitian niya ako bago siya sumakay sa van nila Brent.



“Kanina pa ba natapos ang training nyo?” maya-maya dumating na si Thirdy.Pinagbuksan niya ako sa kotse niya.



“Mga 10 minutes palang akong nasa labas.” gusto ko ding bumalik kami ni Thirdy sa dati. Naisipan ko na hindi ako mahihirapan kung pag-aaralan ko ulit siya mahalin.


“Kyla? Nakikinig ka ba?“ napakurap ako nung marinig ko yung boses niya.


Umiling ako.“Sorry.. ano ba yung sinasabi mo?” ngumiti siya na parang sinasabing okay lang.“Sabi ko nagugutom kaba? Gusto mo bang sabayan mo muna ako kumain bago ka umuwi?” pumayag na ako. Minsan lang mag-aya si Thirdy nung nagdadate pa kami nun kaya nakakamiss din siyang kasama.




Nagpark si Thirdy sa labas ng restaurant. Pumasok kami agad at nag-order.



“Mabuti naman natulungan ka ni Kyla, hindi ba't hindi ka naman niya ka-ano-ano pero tinulangan ka niya.” hindi sa kalayuan narinig ko yung boses ni Abigail. Lumingon ako, nakita ko sila, ang pinkies kasama nila Ryan nandun din si Simon. Bakit hindi niya na ako kinakausap ngayon? Sa tingin ko mas okay na din yun.



Dumating na yung in-order ni Thirdy kaya kumain nalang kami.



May inabot siya sa aking box pagkatapos naming kumain. Kinuha ko naman yun at binuksan.




My Everything (BTSxAPINKxGOT7) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon