Chapter 33: Take My Hand

62 3 0
                                    

Chapter 33: Take My Hand
Track 33: Take My Hand

Kyla

Kinabukasan, kinuwento ko sa kanila yung nangyari kagabi. Ang saya nga ni Ashley kase umamin na daw yung kuya niya. Ang weird nga eh, sinabi niya pang ayaw niyang maunahan ng iba yung kuya niya. Medyo magulo pero na gets ko naman sa huli.


“Kyla! After 10 years ka talaga kumilos? Balak mo bang gawin munang puti ang buhok namin bago ka lumabas jan?” sigaw ni Eula galing sa labas. Kahit kelan talaga, ang ingay na.. ang OA pa.



“Ito na nga oh! Nagmamadali kayo eh, para kayong may mga date.” bumaba ako sa hagdanan, muntik pa akong matapilok sa huling baitang, mabuti nalang nakahawak agad ako.



“Mag-ingat ka naman, okay ka lang ba?” nilapitan agad ako ni Ashley. Ang caring talaga niya.

Tumango naman ako.“Okay lang ako. Tara na.” inaya ko na sila, hindi ko alam pero nae-excite akong pumasok sa school ngayon.


“Bakit pareho tayo ng feeling? Naeexcite ka din?” tanong ni Eula kay Leslie. Ngumiti naman si Leslie.



Hindi ko pa nakaka-usap, may balak kaya siyang makipagdate ulit kay Kenzo? Pati na din sila Abigail,Audrey,Eula at Ashley hindi ko pa din natatanong. Matanong mga mamaya.



“Ash,Aud,Abi,Eu,Les, may itatanong ako sa inyo.” sumubo muna ako ng kinakain kong sandwich. Hindi pala ako nakapag-almusal dahil sa sobrang pagmamadali nila kanina.



“Kung magiging okay na ulit tayo sa white blues, makikipagdate ba kayo ulit sa kanila?” tanong ko. Mukha namang natigilan sila.



Halos magkakaiba yung sagot nila, mukhang si Eula,Abi,Aud at Leslie nalang yung makikipagdate ulit sa kanila. Siguro may iba na ding nagugustuhan si Ashley kagaya ko? Teka, ano ulit yung sinabi ko? May iba na akong nagugustuhan?

Napahawak ako sa pisngi ko. Bakit bigla atang uminit? “Oh Ky, bakit namumula ka?” tanong ni Ash sa akin. Umiling naman ako.“Hindi ko alam.” sagot ko. Binigyan niya lang ako ng isang ngiting may ibig sabihin,basta feeling ko hindi lang siya ordinaryong ngiti.



“Alam ko na 'yang iniisip mo.” nagulat naman siya dahil sa sinasabi ko.“Iniisip mo na naalala ko yung kuya mo?” tanong ko. Bigla naman siyang umiling.


“Hindi yun yung iniisip ko,Ky. Ikaw ha!” tinusok-tusok niya ako ng daliri niya sa tagiliran ko. “Hahahahaha! Tama hahah na hahaha Ashley!” mabuti naman at tumigil siya. Yung apat nakatingin sa amin. Binigyan ko sila ng 'what's-wrong-look' sabay-sabay naman nila akong tinukso kaya nainis ako tapos umalis ako sa table nila.


“Ack! Aray!” ang tanga nung bumangga sa akin, ang lawak-lawak ng hallway tapos babanggain ako?


“Sorry miss. May humahabol kase sa akin.” inalok niya yung kamay niya para tulungan akong tumayo, tinignan ko lang yun at tumayo mag-isa.


“Kyla/Jayson?” sabay na sabi namin. Aish, bwisit 'to, ang sakit ng pwet ko ha! Binatukan ko siya.“Bakit ka ba namamangga jan? Ang lawak ng hallway oh!” turo ko dun sa kabilang side ng hallway,nasa gilid na nga ako nabangga pa ako? Ibang klase.



“Sorry talaga! May humahabol kase sa akin eh.” napakamot siya ng ulo niya. “Kyaah! Jayson” sabay kaming napatingin sa likod.


My Everything (BTSxAPINKxGOT7) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon