Chapter 10: My My
Track 10: My MyAudrey
Ang ganda ko pero ngayon palang ulit ako nagkaPOV, yung totoo?
“Audrey, gusto mo bang kitten nalang ang alagaan natin?” tanong ni Kurt, nagpunta kami sa pet na nasa labas ng village nila.
Tumango ako“Miss,saan nakalagay yung mga kitten nyo?” tanong niya dun sa babaeng tagapangalaga ng mga pets.
Dinala niya kami sa kulungan ng mga kittens. Ang cute nila!
May nakita akong black kitten kaya yung nalang ang binili namin.
“Anong ipapangalan natin sa kanya?” tanong ko habang nilalaro yung pusa, Ang cute talaga niya.
“Kurry?” tanong niya.
“Kurry? Diba yun yung basketball player?” tanong ko.
Tumango naman siya.“Oo, mahilig kase ako magbasketball.” nakangiting sabi niya.
“Sige, Kurry nalang!” sabi ko habang nakangiti.
“Ang cute no?” sabi niya. Nasa cage lang si Kurry kase bawal panghawakan. Kailangan daw muna kase siyang maging familiar sa amin.
“Oo nga.” ibang klase ang ngiti niya.
Nakakainis ka Kurt Tuan! Ikaw na gwapo..
Maganda naman ako kaya bagay tayo. ^____^
Ano ba yan! Ano nanaman tong naiisip ko.
Nakarating kami sa tapat ng village nila Kurt.“Gusto mo bang ihatid kita?”
“Ah.. h-hindi na.” nauutal na sabi ko. Nakakainis naman, ang ganda ko tapos nahihiya akong magsalita sa harap niya.
“Ihahatid na kita.Iuuwi ko muna si Kurry sa bahay,samahan mo muna ako.” ngumiti siya pagkatapos hinila ako papasok sa village nila.
Habang naglalakad kami napansin ko yung kamay niya, hawak niya pala yung kaliwang kamay ko. Sa kabilang kamay niya si Kurry.
Nakarating kami sa bahay nila at sumalubong sa amin ang isang magandang babae. Parang kasing edad lang siya ni Kurt. Asawa niya kaya to? Oh my! Hindi pwede! Ako ang dapat mapangasawa ni Kurt! Huehue.
Nakangiti siyang sinalubong kami.
“Kuya, sino yang kasama mo?” tanong niya. Ang cute niya magsalita ^=^Wait lang! Kuya? Ibig sabihin kapatid niya lang 'to? Ibig sabihin hindi pa siya kasal ^_^ Ano ba yan Audrey! Ano-anong pinag-iisip mo. Think positive.
“Hello, I'm Audrey!” pagpapakilala ko. Kailangan ko magpagood shot para magustuhan din ako ng kapatid niya magiging future sister in law ko din yan. Ay bakit ang landi ko? .___.
“Hi, I'm Samantha Kurt's sister.” sabi niya sabay ngiti at nakipagbeso. Sosyal!
“Nice to meet you.” sambit ko.
“Ako din.” sabi niya saka naggiggle.
“Iwan ko muna kayo, dadalhin ko lang sa garden si Kurry.” paalam ni Kurt. Tumango nalang ako.
“Upo muna tayo.” umupo kami ni Sam sa sofa nila. Hinila niya ako kaya no choice.
“Matagal na ba kayong magkakilala ni Kuya?” tanong niya.
“Ah.. Since grade 7. Pero ngayon lang kami nagpansinan, kase kami yung partner sa project namin.” paliwanag ko.
Nakita ko naman na parang kinilig siya.“Alam mo bang bagay kayo ng kuya ko?” nakangiting sabi niya.
Natawa ako. “Hahaha.. talaga?” eh, pahumble pa.
“Oo” sagot niya. Napangiti nalang ako. Buti naman boto sa akin ang kapatid niya. Hahaha!
“Audrey, tara na.” naunang lumabas si Kurt,dala niya yung susi ng kotse niya. Ihahatid niya talaga ako?
“Sam.. aalis na ako ha? See you next time. Bye!” sabi ko habang kumakaway. Sumunod na agad ako kay Kurt sa labas.
“Bye! See you.” sabi niya. Ngumiti nalang ako at tumango.
“Kamusta naman ang kapatid ko?” tanong niya sa akin habang diretso ang tingin sa daan.
Naituro ko na sa kanya ang daan papunta sa amin. “Okay naman.. ang bait niya at ang ganda.” sabi ko.
Napangiti naman siya.“Syempre, ako ang kuya eh.” natawa kami pareho. Pero hindi naman madedeny na gwapo nga siya. Kaya nga bagay kami diba? Hihi.
“Nandito na tayo.” huminto kami sa tapat ng bahay ko. Bumaba na ako at sumilip sa bintana niya.
“Salamat sa paghatid!” ngumiti at tumango lang siya. “Bye” sambit niya, kinawayan ko lang siya habang papalayo ang sasakyan niya.
Totoo ba lahat ng nangyari? Pinapansin na ako ng crush ko? Omy! Pwede na akong mamatay, pero wait lang. Hindi pa nga kami mamatay agad ako? Wag muna pala.
BINABASA MO ANG
My Everything (BTSxAPINKxGOT7) [Completed]
RomanceWhat if pagplanuhan ng pitong lalake na guluhin ang pag-aaral ng anim na babae na kaagaw nila sa ranking? Magiging panalo kaya sila sa larong sinimulan nila? O pare-pareho silang magiging talo dahil hindi nila napigilan ang sarili nilang mahalin din...