Chapter 50: Secret Garden

75 3 0
                                    

Chapter 50: Secret Garden
Track 50: Secret Garden






Kyla




“Wala ka na bang naiwan? Akin na ito.” saktong paglabas ko ng kwarto dumaan si Simon at nilapitan ako. Kinuha niya din yung hawak kong bag at dinala sa bus.




“Tita, sa bus na po sasabay si Kyla.” napa-iling ako. He's acting weird again. “Tara na, gusto mo bang maiwan?” napakurap ako nung bigla niyang hinila yung kamay ko paakyat sa bus.




Pag-akyat ko palang, yung matalim na titig na agad ni Thirdy yung sumalubong sa mata ko. Pati na din yung nakataas niyang kilay. “Hoy kuya, bakit mo hinihila si Kyla? May paa naman siya para umakyat mag-isa ah?” ang gulo ng sinabi ni Ashley sa totoo lang. Nagets nyo ba?





Napansin ko na lahat silang may tinitignan, sa may gilid ko eh, sa gitna namin ni Simon. Ay teka, yung kamay ko pala hindi ko pa nababawi.



“Mauupo na kayo,aalis na tayo.” tumayo si Thirdy tapos pinaupo ako doon sa tabi ng upuan niya, pinalipat niya pala si Kenzo sa tabi ni Leslie na dapat pwesto ko.



Narinig kong napa'tss' nalang si Simon.Huminga ako ng malalim, alam kong may tiwala sa akin si Thirdy pero sa tingin ko hindi pa din maiiwasan na magalit o magselos siya. Pero naiintindihan ko naman kung magagalit siya ngayon. Bakit kase nagpahila ako kay Simon kanina? Tapos nakita pa nilang lahat yung kamay ko na hawak niya?





Nanatili lang kaming tahimik sa byahe,paano tulog sila. Mukhang puyat pa ata sa ginawa naming lahat kagabi.

Dahil wala naman akong makaka-usap,kahit na gising si Thirdy sa tabi ko..busy naman sa cellphone niya, kinuha ko nalang yung ipod ko at sinalpak sa tenga ko yung earpiece, matutulog nalang ako.




Bago pa man ako makatulog, naramdaman ko nalang na may humalik sa noo ko. Alam ko namang si Thirdy yun kaya lihim akong napangiti.








Naalampungan ako ng may naramdaman akong pumisil sa kamay ko. Kaya dumilat ako para tignan kung bakit..“Nasaan na sila?” tanong ko.






Binigyan niya lang ako ng naguguluhan na look. “Kumain lang sandali.” tumango naman ako. Kumain sila tapos hindi man lang ako ginising?






“Alam mo ate, kawawa ka naman.” may binigay siya sa aking pagkain na nakaplastic. Yung favorite soup ko pala.







Kinain ko agad yun, siya naman nakatingin lang sa akin.Teka,“Hoy ano yung sinasabi mong kawawa ako?” natahimik siya sandali. Anong ibig niyang sabihin dun?








“Wala ate, kakausapin ko nalang sila hyung para hindi ka mahirapan.” napansin ko na nagsisidatingan na sila. Nagtaka ako nung niyakap ako ni Ryan sandali tapos bumalik na siya sa upuan niya.








Teka, nahahawaan na ba ni Simon si Ryan sa pagiging weird? Ay, bakit biglang napasok si Simon? Lecheng 'to, kung kelan sa tingin ko 100% ko na siyang nakalimutan doon naman siya babalik at ipapakita yung ganong akto niya.







“Baka naman matunaw ako niyan kakatitig mo?” ano daw?ay ngayon ko lang narealize, nakatitig pala ako kay Thirdy. Hindi ko napansin dahil masyadong occupied ng weird ang utak ko.







“Okay lang ba kung isasama kita sa bahay pag-uwi natin? Gusto kang makita ni ate.” hinawakan niya yung kamay ko. Sure akong sinusuri na niya kung anong problema ko at absent minded ako sa harap niya.





My Everything (BTSxAPINKxGOT7) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon