Chapter 44: Secret
Track 44: Secret3rd Person's Point of view
Anim na buwan na simula ng bumalik si Kyla mula sa bahay ng tiyahin niya.
Nalaman ng medyo lumala ang kalagay niya pero naagapan naman agad nito.
Simula nung umuwi sila,Hindi na muling nagpakita si Simon sa kaniya, kahit sa mga kaibigan niya. Kahit si Ashley at ang mama niya hindi nila alam kung saan nagpunta si Simon.
Malakas ang kutob ni Kyla na natuloy ang pagpapasakal nila ni Tanila. Pilit na kinakalimutan ni Kyla ang mga nangyari, sa isang hindi inaasahang pagkakataon..
May isang pangyayari ang naganap, nadiagnose na may cancer sa utak si Darylle.. ang ate ni Thirdy.
Pakiramdam ni Kyla walang ibang masasandalan si Thirdy bukod sa ama niya at sa step mom niya.
"Okay ka na ba? Ayos lang naman kahit hindi mo ako samahan ngayon." tanong ni Thirdy,ngumiti si Kyla."Okay lang ako, magaling na ako no. Gusto ko din namang hintayin na magising si ate Darylle." kaninang umaga naka-schedule ang operasyon ni Darylle.
Kahit nasa 70% nalang ang chance na magising siya, hindi pa din sila pinanghinaan ng loob. Kinaya nila na tanggapin ang nangyari.
Kyla
Naalimpungatan ako, nakatulog pala ako sa maliit na couch sa hospital room ni ate Darylle. Nasa gilid ng kama niya si Thirdy, nakatulog na din siya habang hawak yung kamay ng ate niya.
Halatang masyado na siyang napapagod, pale na ang balat niya at medyo nangingitim yung ilalim ng mata niya.
Lumabas muna ako sandali para uminom ng kape. Naramdaman ko na nagvibrate yung cellphone ko, may tumatawag pala.
"Hello?"
"Kyla? Kamusta si ate Darylle? Gising na ba siya?"
"Hindi pa,Kurt."
"Ganun ba? sige pupunta nalang kami jan mamaya. Bye." pagkatapos nung binaba na niya.
Oo nga pala, naging close na ulit ako sa white blues.. dahil na din kay Thirdy.
Nakakatawa ngang isipin eh, noon tinulungan ako ni Simon na kalimutan siya. Ngayon naman tinutulungan niya akong makalimutan si Simon. Bakit ganun ang ginawa ng tadhana?
Bumalik ako sa kwarto ni ate Darylle, magpapa-alam muna ako dahil uuwi muna ako para din makakain at makapagpalit ako ng damit. Hindi pa naman namin sigurado kung kailan magigising si ate Darylle.
"Mag-iingat ka, tawagan mo ako kapag may nangyari. Okay?" ginulo niya yung buhok ko kaya nginitian ko siya. Tumingin ako sandali kay ate Darylle at hinawakan yung kamay niya.
Sana magising na siya agad.
"Magigising din siya, hintayin nalang natin." tumango lang siya. Halata na nag-aalala talaga siya kay ate Darylle, kahit nung una.. hindi maganda ang pakikitungo niya sa kanya.
Sumakay ako ng taxi at umuwi sa bahay. Wala pala si Ryam ngayon, tinutuloy pa din niya yung training samantalang ako hindi ko alam kung kelan o kung pwede pa ba akong bumalik.
Nakita ko nanaman yung sasakyan ni Mr. Jeon, binisita na naman niya si Mama.
"Bakit hindi mo pa sabihin sa kanila?"

BINABASA MO ANG
My Everything (BTSxAPINKxGOT7) [Completed]
RomanceWhat if pagplanuhan ng pitong lalake na guluhin ang pag-aaral ng anim na babae na kaagaw nila sa ranking? Magiging panalo kaya sila sa larong sinimulan nila? O pare-pareho silang magiging talo dahil hindi nila napigilan ang sarili nilang mahalin din...