Chapter 11: Magnetic
Track 11: Magnetic
Ashley
"Ashely! Hintayin mo ako!" nakakahiya talaga ang ginagawa ni Yancy, alam nyo yun? Nasa hallway kami tapos sigaw siya ng sigaw, pangalan ko pa ang sinisigaw niya!
"Tigilan mo na ako!" sigaw ko sa kanya. Naglakad ulit ako ng mabilis para hindi niya ako maabutan,pero ibang klase siya kase nandito na agad siya sa harap ko.
"May lahi ka ba ni flash? Ang bilis mo ah?" tanong ko. Tinawanan niya lang ako. Ang sarap niyang sapukin.
"Kelan nga kase tayo bibili ng aalagaan natin?" tanong niya. Nauuna akong maglakad habang nakasunod siya. Papunta na kami sa room, mabuti nalang at hindi pa kami malalate dahil medyo maaga pa naman.
"Mamaya nalang o bukas." sagot ko.
Nakarating kami sa room, nandun na silang lahat. So... kami nalang ni Yancy ang kulang?
"Aba, ang maknae natin binata na." biro ni Jasper pagpasok namin. Natawa naman yung iba.
Yumuko nalang ako at dumiretso sa pwesto nila Kyla.
"Bakit magkasama kayo nun?" tanong ni Leslie. Ito yung leader na mabait pero masungit. Mataray din siya minsan. Pero mas mataray si Kyla, Hahaha!
"Hoy Ash! Anong nginingiti mo jan?" tanong ni Eula. Napailing nalang ako. Baka anong isipin ng mga to.
"Nagtatanong lang siya kung kelan kami bibili ng pet." sagot ko.
Binigyan ako ni Abigail ng kakaibang tingin. "Eh bakit makangiti ka jan wagas?" natawa naman ako. "Wala yun, may naalala lang ako." sabi ko.
"Okay students, take your seats." magtatanong pa sana sila nang biglang pumasok yung subject teacher namin. Whoa! Buti nalang nakaligtas ako sa mga tanong nila.
"How's your project doing?" tanong niya. Siya nga pala yung teacher na nagbigay sa amin ng task na mag-alaga ng pet.
"Did Ms. Yoon already had? Mr. Wang?" tanong niya.
Tumango naman si Kyla."We already had mam." sagot niya.
"Mr. Im? Ms. Park?" nagkatinginan bigla si Leslie at Kenzo. Ano yun?
"We already had mam." sabi ni Kenzo kay mam tapos tumingin ulit kay Leslie at nginitian ito. Umirap lang si Leslie.
"Mr. Tuan and Ms. Son?"
"We both earlier mam." nakangiting sagot ni Audrey. Omy, I smell something fishy.
"Mr. Bhuwakul and Ms. Kim?"
"We have mam!" masiglang sabi ni Justin. Aba, hyper nanaman siya.
Pagkatapos niya tanungin lahat ng estudyante niya ilang minutes nalang ang natira, kaya yun sabi niya magdala nalang daw kami ng picture namin with our pets tomorrow then may discussion daw na gagawin. Ang dami talagang alam.
"Tara na,Ash?" tawag ni Yancy sa akin. Napabalik naman ako sa katinuan, dami kaseng pinapagawa ni mam eh.
"Kyla, pasabi mauuna na ako ha? Kita kits nalang sa coffee shop mamaya." tumango naman si Kyla, busy sa pakikipag-usap kay Jasper eh. Isa pa yun.
"Ano bang balak mong bilin?" nandito na kami sa sasakyan niya palabas ng school. Iba na talaga pagmayaman,ang alam ko may sari-sarili silang kotse.
"Actually,nakabili na ako. Ipapakita ko nalang sayo." may nabili na siya agad? Hindi man lang ako tinanong kung anong gusto ko? Iba din tong si Yancy eh.
"Sure naman akong magugustuhan mo siya." sambit niya.
"Wow! Ang cute!" halos mapunit ang labi ko sa pagngiti. Ang cute ng binili niyang puppy.
"Sabi ko na nga ba eh, magugustuhan mo." nakangiting sabi niya.
Inirapan ko siya."May pangalan na ba siya?"
Umiling siya."Wala pa, ikaw na ang magbigay." wala pa? Mabuti naman, atleast may nagawa akong part sa aalagaan naming pet.
Hmm ano kayang maganda? "Ashy nalang kaya?" tanong ko.
"Ashy? Cute. Yun nalang." tumango ako at nakipaglaro ulit kay Ashy, ang cute niya hihi.
Dahil kailangan daw ng picture,nagselca muna kaming tatlo. Ang cute namin ni Ahsy, si Yancy hindi naman cute yun.
"Magmirienda ka muna." nilapag niya sa mesa yung tray na may lamang slice ng cake at juice. Kumain muna ako since may pasok pa ako sa coffee shop at gabi na ulit ako makakakain.
"Salamat,aalis na ako." hinawakan ko ang ulo ni Ashy bago ako umalis. Sayang, kung wala lang akong trabaho kinuha ko na sana siya.
"eh?3:40 na? 4 pm ang pasok ko sa shop, kailangan kong magmadali." sambit ko habang mabilis na naglalakad palabas ng village nila Yancy.
Bakit kase ang layo ng bahay niya sa bahay ko? Oo nga pala mayayaman pala ang mga nakatira dito kaya bawal magugulong bahay.
"Ashley! Bakit ngayon ka lang? Diba may pasok ka pa?" tanong ni Kuya pagpasok ko ng bahay. Whoa, mabuti nalang wala ang madrasta namin kundi paglilinisin muna ako nun o kaya paglalabahin bago pumasok.
Naligo muna ako ng mabilis. Eksaktong 4 pm na ako natapos kaya sumakay na ako papunta coffee shop. Sana hindi ako mapagalitan nito.
Nakarating ako sa coffee shop after 10 minutes, ang daming tao ang nadatnan ko. O-okay,Anong meron?
"Ashley, mabuti naman at nandito kana.Bilisan mo at magpalit kana at magserve sa mga customer." nakasalubong ko si manager papasok,buti nalang at hindi ako napagalitan.
Mabilis akong nagpalit at lumabas para magserve. Nakasara pala ngayon ang coffee shop dahil may nagpareserve para gamitin sa party.
"Alam mo bang dito nagtatrabaho ang mga losers na member ng pinkies?" rinig kong sabi ng isang babae. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakataliko siya.
Pero teka, parang kilala ko ang beses na yun? Hindi ba si Elsa yun? Yung member ng Red petals? Anong ginagawa niya dito? Sila ba ang nagpaclose ng GotPink cafe para gamitin sa party nila?

BINABASA MO ANG
My Everything (BTSxAPINKxGOT7) [Completed]
RomanceWhat if pagplanuhan ng pitong lalake na guluhin ang pag-aaral ng anim na babae na kaagaw nila sa ranking? Magiging panalo kaya sila sa larong sinimulan nila? O pare-pareho silang magiging talo dahil hindi nila napigilan ang sarili nilang mahalin din...