Chapter 21: Just Right
Track 21: Just RightThirdy
"Parang si Harley yung nakita ko kanina." sabi ni Kenzo. Nag-aayos pa kami ng gamit sa kwarto namin. One week kaming mag-iistay dito, sagot na lahat namin ang expences kaya hindi na magbabayad ang pinkies.
"Sigurado ka? Baka naman namamalikmata ka lang,Kenzo." sambit ni Yancy.
"Siguro nga." sagot ni Kenzo.
"Pero kung sila nga yun, anong ginagawa nila dito?" tanong ko. Ano namang balak nila at pumunta din sila dito?
"Hindi natin alam, baka gusto lang din nilang magbakasyon. Christmas break na." sambit ni Patrick. Sana nga yun din ang pinunta nila dito, sana yun yung dahilan nila.
"Paano naman kung iba ang dahilan nila? Malay natin gusto lang nilang mapalapit din sa pinkies." sambit ni Jasper. Napailing ako, hindi pwede yun. Baka masira ang plano kapag mas napalapit pa sa kanila sila Kyla, lalo na't kay Simon pa.
"Think positive guys, hindi tayo ipagpapalit ng pinkies sa kanila no." biglang nagsalita si Kurt kaya napatingin kami sa kanya, bihira lang kase magsalita 'yan.
"Oo nga,think postive. Sana nga talaga hindi si Harley ang nakita ko." bago pa man mapunta sa kung saan ang pinag-uusapan namin. Nagbihis na kami at lumabas sa beach.
"Magpakatotoo tayo sa sarili natin, ngayong isang linggo ng pagbabaskyon natin dito." sambit ni Kenzo. Sa mga nakaraang buwan napansin namin na unti-unti na din siyang nagbabago, ito na ba ang epekto ng pinkies sa aming pito?
"Sure ka ba jan Kenzo? Ikaw ba yan?" tanong ni Justin. Nakakapanibago ngang marinig sa kanya yun.
"Oo, ako 'to." sabay-sabay kaming nagkatinginan at natawa.
"Enjoyin na natin 'to. Whoooa~" sigaw ni Jasper sabay takbo papunta sa dagat. Sunset na, hindi na mainit.
Napailing nalang kaming tatlo ni Kenzo at Kurt. Mga isip bata talaga sila.
--
Kyla
"Nagtext sa akin si kuya Simon, nandito din daw sila." sabi ni Ashley habang nakatingin sa cellphone niya.
Nandito din sila? Ibig sabihin nandito din sila Brent? Sabi na nga ba.
"Ano namang ginagawa niya dito?"
"Magbabakasyon, ano pa ba?"
"Baka nga, teka kasama niya ba sila Joseff?" nagtaka kami sa tanong ni Leslie. Nagbago ata ang ihip ng hangin?
"Bakit mo naman tinatanong?"
"Wala lang, bakit masama bang tanungin?"
"Oo nga naman, nagtatanong lang si Leslie. Teka nga lang magpapalit na din ako para makalabas na tayo." kinuha ni Audrey yung damit niya saka nagpunta sa bathroom at nagpalit. Pagkalabas niya nagpunta na din kami sa beach. Medyo madilim na din dahil 7pm na pala.
"Diba sila Kenzo yun?" turo ni Leslie sa kaliwang side ng beach.
"Oo nga. Sila kuya Simon naman yung nasa kabila." turo naman ni Ashley sa kabilang side.
"So confirm mga na nandito ang dalawang grupo na yan?" tanong ni Eula. Tumango nalang kami, nandito nga sila.
Papalapit na sana kami pero napahinto ako ng mahagip ng mata ko yung isang tao na naka-itim at nakatayo sa gilid ng kubo.
Sino siya? Anong kailangan niya? Bakit niya kami pinagmamasdan sa malayo?
"Kyla? Tara na." tawag ni Eula. Ngumiti ako at sumunod, nandun na pala sila kila Kenzo.
"Anong tinitignan mo dun?" tanong niya habang naglalakad kami.
"Ah wala, may napansin lang ako." sambit ko. Binilisan ko na sa paglalakad para hindi na siya ulit magtanong.
"Kyla." umupo ako sa medyo malayo sa kanila,"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.
Ngumiti ako."Pinagmamasdan ko lang yung dagat, ang ganda kase." sambit ko.
Ngumiti siya at umupo sa tabi ko."Oo nga, maganda nga." sambit niya habang nakatingin sa akin.
"Kyla, alam mo bang marami nagbago simula ng makilala kita?" tanong ni Thirdy. Tumingin ako sa mga mata niya.
Hindi ako nagsalita at nakinig lang ako sa kanya."Ikaw ang nagbigay ng saya sa buhay ko. Alam mo bang sa tingin ko wala ng kwenta ang buhay ko? Pero nagbago yun nung dumating ka." hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.
"I love you,Kyla." naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa sinabi niya.
"I love you too." sambit ko. Ngumiti siya,hinala ako patayo saka ako niyakap.
"Mahal na mahal kita." bulong niya. Napangiti nalang ako.
Ibang klase ka Thirdy, ikaw lang ang nagpabilis ng puso ko ng ganito.
BINABASA MO ANG
My Everything (BTSxAPINKxGOT7) [Completed]
RomanceWhat if pagplanuhan ng pitong lalake na guluhin ang pag-aaral ng anim na babae na kaagaw nila sa ranking? Magiging panalo kaya sila sa larong sinimulan nila? O pare-pareho silang magiging talo dahil hindi nila napigilan ang sarili nilang mahalin din...