Chapter 23: Playground

67 5 0
                                    

Chapter 23: Playground
Track 23: Playground






Kyla




"Welcome to GotPink cafe." bati ko sa mga customers na pumapasok sa shop.


Naramdaman ko na ang pagod dahil pagtatrabaho, okay lang yan Kyla.. Ilang oras lang makakapagpahinga kana.

Napailing nalang ako at huminga ng malalim, konting tiis nalang.



"Kyla, okay ka lang ba?" tanong ni Ashley, tumango lang ako. Ayoko namang mag-alala pa sila sa akin.



Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko hanggang sa matapos na yung oras ng shift namin. Pay day ngayon kaya naisipan ko na dumaan muna sa mall para bumili ng pangregalo kay Thirdy dahil 3 days nalang 100 days na kami.


"Kaya mo bang mag-isa? Sasamahan nalang kita." tumanggi ako sa alok ni Abigail. "Hindi na, umuwi na kayo para makapagpahinga na din kayo. Alam kong pagod din kayo sa trabaho kanina." sumang-ayon naman sila at iniwan ako sa waiting shed. Naghihintay ako sa waiting shed ng taxi.





"Dali na kase Ryan, bili mo na akong ice cream."



"Eh? Bumili ka nalang hyung, may pera ka naman eh."




"Oo nga Joseff, mayaman ka diba?" teka, boses ni Joseff,Ryan at Simon yun ha?


Lumingo ako sa gilid ko. Nandun sila, papunta sa direksyon ko. Tsk kahit saan talaga ang ingay nila.


"Ate/Kyla!" sabay na tawag ni Ryan at Simon, si Joseff naman poker face lang.



"Anong ginagawa nyo dito? Gabi na ah." tanong ko.



"Ito kaseng si Joseff hyung eh, nagpapabili ng ice cream." sabi ni Ryan saka ngumuso. Cute talaga ng kapatid ko, mana sa ate ^_^



Napa'ah' nalang ako. Mga 'to talaga, gabi na nasa labas pa.

"Gusto mo bang sumama ate?" umiling ako. Sabi ko pupunta pa ako sa mall.



Sinamahan nila ako sa waiting shed maghintay ng taxi, ang alam ko kase madalang lang na may dumaan na taxi dito.


After 15 minutes may dumating din,"Bye Ate!pasalubong ha." pasalubong agad? Hindi man lang sinabing mag-ingat ako?


"Ingat Kyla." napatingin ako kay Simon, buti pa siya. Ngumiti ako at nagpaalam.


After 10 minutes nakarating ako sa mall. Buti nalang at bukas sila, christmas season kase kaya hanggang 12 am ata bukas ang mall.


Nag-ikot ako sa mall habang naghahanap ng pwede kong ibigay kay Thirdy, dapat pala humingi ako ng suggestion kila Audrey kanina. Nag-ikot ako ng halos dalawang oras, wala akong nagustuhan kaya simpleng couple shirt nalang ang binili ko. Sana magustuhan yun ni Thirdy.


Nakaramdam ako ng gutom dahil sa tagal ng pag-iikot ko. Habang papasok ako sa isang fast food chain may nakabangga sa aking babae. "Sorry." sabi niya. Tumango ako."Okay lang." ngumiti lang siya.



Parang familiar siya? "Ate Darylle?" pinagmasdan ko siya. Siya nga! Hindi ko siya namukaan kaagad dahil medyo nagbago ang itsura niya, hindi na kase white ang buhok niya.




"Kyla! Ikaw pala yan." ngumiti ako. Kahawig niya talaga si Thirdy lalo na kapag nakangiti.




Kumain muna kami at nagkwentuhan, wala din pala siyang kasama kaya nagsama kaming dalawa.



"May ibibigay nga pala ako." may kinuha siyang box sa bag niya saka inabot sa akin. Tinignan ko naman yung laman."Cellphone?"




"Para sa'yo yan." sambit niya. Nagpasalamat ako sa kanya, ang tagal ko ng gustong bumili ng bago pero hindi ako makabili dahil ayokong bawasan yun sweldo ko.




"Salamat talaga,Ate Darylle." kumaway siya sa akin saka niya pinaandar ang kotse niya.




Eksaktong 12 am na ng makauwi ako. Pagdating ko sa dorm tulog na silang lahat kaya tahimik akong naligo bago natulog.



--




Samantha Tuan




"Ang tagal naman niyan Sam!" sigaw ni Tanila. Nasa bahay kami ngayon, gumagawa ng plano kailangan na naming kumilos dahil matagal na panahon na ang binigay namin sa pinkies para layuan nila ang white blues.



Lately napapansin namin na nagging close na din sila sa green ashes. Lahat nalang ba ng boygroup sa school nila aakitin nila at peperahan?



"Hindi na talaga ako makapaghintay na mawala sila sa landas natin." napatango kami sa sinabi ni Elsa. Kaming lahat ang may gusto nun.




"Sa tingin ko, tamang oras nalang ang kailangan natin para gawin ang plano. Be ready girls." a smirk appeared on my face. I can't wait to see them in pain.

My Everything (BTSxAPINKxGOT7) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon