Jeon Jungkook as Ryan Yoon(Kyla's brother)
Chapter 36: Petal
Track 36: PetalKyla
Halos dalawang linggo na simula nung nag-umpisa kami sa pagpapractice para sa gaganaping stage play. Dapat pa ata akong magsisi dahil medyo nakakapagod yung ginagawa ko. Pagkagaling sa school sa umaga, practice hanggang hapon tapos diretso sa coffee shop. Kailangan ko na nga ata uminon ng vitamins kasabay ng gamot ko.
"Nanjan na siya, bakit kase siya yung pinili para sa lead role? Eh bago lang siya."
"Oo nga, nilalapitan niya pa si Jayson Kim."
"Mas bagay si Danica Jung para sa lead role!"
Napailing nalang ako. Araw-araw kong naririnig yung bulungan nila na parang hindi naman talaga bulong. Kasalanan ko bang ako ang napili?
Si Danica, kasali din siya sa play. Antagonist siya sa role ko.
"Kyla? Okay ka lang ba?" tinapik ni Jayson yung pisngi ko. Lumapit nanaman siya sa akin? Ilang beses ko na siyang sinabihan pero hindi niya ako sinusunod.
"Okay lang ako, wag mo na akong intindihin." sambit ko. Naghalf smile ako bago lumipat ng upuan. Hangga't maari, ayokong makita nila kaming nag-uusap. Dapat talaga sa simula palang tinigilan ko na ang pakikipag-kaibigan sa kanya.
"Kyla!" lumingon ako sa likod ko. Naglakad siya papunta sa akin, hindi ko alam yung feeling na 'to pero masaya ako sa tuwing nakikita ko siya.
"Anong ginagawa mo dito,Simon?" tanong ko. Sumimangot naman siya."Bakit ayaw mo ba akong makita? Dinadalaw lang naman kita." inabot niya sa akin yung plastic na dala niya. Aalis na sana siya nung hilain ko yung kamay niya at hinila pa-upo sa tabi ko.
"Ito naman, nabigla lang akong nandito ka. Wala ka bang pasok?" bunuksan ko yung dala niyang plastik. Binilan nanaman pala niya ako nung favorite kong soup.
Kumuha ako ng kutsara saka kumain."Tumakas ako sa practice." sambit niya. Kaya pala mukhang hingal na hingal siya kanina.
Nilapag ko yung hawak ko bago ko siya hinampas ng mahina, mahirap na baka matapon yung favorite soup ko."Pasaway ka talaga." ngumiti lamg siya.
"Kung hindi ako nagpunta dito, edi sana hindi ka kumakain niyan ngayon?" turo niya sa hawak ko. Naubos ko na agad kaya tinapon kona yung lalagyan.
"Oy, salamat pala ha." pununasan ko yung bibig ko bago ko siya hinarap.
Halos dalawang linggo na din simula ng ligawan ako ni Simon, okay naman siya. Palagi siyang dumadalaw sa school ko at dinadalhan ako ng pagkain. Baka daw kase pati pagkain makalimutan ko na.
Masasabing kong malaki yung pinagbago ni Simon sa mga mata ko. Parang dati isang simpleng kaibigan lang siya. Ngayon isa na din siya sa espesyal na tao sa buhay ko.
After 10 minutes tinawag na kami sa set,magsisimula na yung practice.
"Magsisimula na pala kayo, aalis na ako." sambit niya. Ngumiti ulit ako at nagpasalamat sa dinala niya.
"Anything for my princess." sambit niya habang yakap niya ako. Ngumiti siya ng parectangle tapos ginulo ang buhok ko bago ako iwan.
Ito nanaman yung pakiramdam na feeling ko lumulutang ako. Nararamdaman ko na unti-unti na ding nahuhulog ang loob ko para sa kanya.
"Kyla! Halika na daw!" hinala ako ni Jayson pabalik sa set.
Natapos ang dalawang oras na practice. One week nalang matatapos na namin yung practice tapos 3 days before graduation ball siya gaganapin.
"Wala kang kasabay umuwi?" isang kulay itim na sasakyan yung huminto sa harapan ko. Si Jayson pala.
Umiling ako."Wala. Maghihintay nalang ako ng bus." sambit ko."Halika na, ihahatid na kita." ilang beses niya akong pinilit pero hindi ako pumayag. Nararamdaman ko na nga yung tingin sakin nung mga tao, ganun kasikat 'tong si Jayson.
"Sige kung ayaw mo next time nalang! Ingat ka." sambit niya bago pinaandar yung kotse niya.
Ang kulit din nun minsan eh. Mabuti nalang at mahaba ang pasensya ko.
Naisip kong pumunta muna sa mall para kumain ulit at bumili ng cellphone. Kakailangan ko na talaga yun ngayon.
After 2 hours nakabili na din ako at nakakain na. Nasa waiting shed ako sa labas ng mall nung may kotseng huminto sa harapan ko.
Binaba niya yung binta ng kotse niya bago siya tumingin sa akin.
Ngumiti siya. Yung ngiting matagal ko ng hindi nakikita."Anong ginawa mo dito Jasper?"
Inaya ako ni Jasper na magkape sa pinakamalapit na coffee shop na nadaanan namin.
"Kyla, gusto lang talaga kitang maka-usap." sambit niya. Tumango naman ako at hinintay siyang magsalita. "Kyla, alam mo namang may gusto ako sayo hindi ba?" nanatili akong nakatingin lang sa kanya. Hindi ko talaga inaakala na magkakagusto sa akin si Jasper.
"Hindi mo alam pero sa mata ko,napaka-unique mo." wala akong masabing kahit ano kaya nakikinig lang ako sa kanya.
"Oo gusto kita. Pero kailangan ko ding isipin yung kaligayahan ng kaibigan ko. Ang kaligayahan ni Thirdy." bakit biglang nabanggit si Thirdy? Anong kinalaman niya dito?
"Diretsuhin mo na,Jasper." sambit ko. Umiwas siya ng tingin saka tumingin ulit sa mga mata ko.
"Kakalimutan ko na yung feelings ko para sayo hindi na ako makikipagkumpitensya sa kaibigan ko. Mas gugustuhin kong sya ang sumaya kaysa sa akin." gusto na niyang kalimutan ang nararamdaman niya? at gusto niyang balikan ko na si Thirdy?
"Alam kong mahal ka padin ni Thirdy, inamin niya mismo sa akin yun. Ang gusto ko lang maging masaya kayong dalawa." nakikita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya pero pinipiliy niya padin ngumiti at itago yun sa harapan ko.
"Magkaibigan pa din naman tayo hindi ba?" tanong ko,tumango naman siya.
Hinatid niya muna ako sa labas ng village. Tahimik lang kami sa buong byahe gusto ko siyang pasalamatan pero ... hindi ko alam kung paano.
"Jasper, salamat." bulong ko. Niyakap ko siya, nginitian niya lang aki nung humiwalay ako."Mag-iingat ka, alagaan mo ang sarili mo." yun na yung huling salita na narinig ko mula sa kanya.
Naglakad ako papasok sa village. Nadaanan ko sila Leslie at Kenzo na nag-uusap sa playground. "Kyla?" nilapatan ako ni Leslie. Sumabay na sila papunta sa dorm.
"Mag-usap muna kayo.Tara Kenzo,pasok ka muna." nadatnan namin si Thirdy sa labas ng dorm.
"Kyla, pwede ba tayong mag-usap?" tanong niya.
——
Thanks for reading! Vote.Comment.Share!
I will post next chapter if this part will have 5 votes! :)
BINABASA MO ANG
My Everything (BTSxAPINKxGOT7) [Completed]
RomanceWhat if pagplanuhan ng pitong lalake na guluhin ang pag-aaral ng anim na babae na kaagaw nila sa ranking? Magiging panalo kaya sila sa larong sinimulan nila? O pare-pareho silang magiging talo dahil hindi nila napigilan ang sarili nilang mahalin din...