Chapter 32: Promise U
Track 32: Promise UKyla
Pagkatapos ng panood namin ng basketball game, hinatid kami nila Ryan sa bahay. Dumaan lang sila tapos umalis din agad, gusto daw kase nilang magpahinga muna kami bago kami pumasok sa coffee shop.
Nahilo pa nga ako, yun pala hindi pa ako nakaka-inom ng gamot, mabuti nalang nahanap agad ni Simon yung gamot sa bag ko.“Naiinip na ako.” sambit ni Ashley. nakatanggap kanina si Ashley ng text na makikipag-usap daw sa amin si Kenzo. Hindi ko alam ang dahilan pero pumayag kami.
“Sa tingin mo makikipag-usap lang talaga siya?” nag-aalala nga sila, baka daw kase may ibang gawin si Kenzo. Knowing that man, iba ang takbo ng isip niya.
“Oo no, subukan niya lang tayong saktan. Blackbelter kaya ako sa taekwando!” sambit ko. Medyo gumaan naman na yung atmosphere.
“Oo, kaya na ni Kyla at Leslie yan.” sabay-sabay kaming tumawa. Wag naman sana magamit yung taekwando skills ko dito.
Wag nga sana.
“Sorry nalate ako.” pagkatapos ng 10 minutes dumating na din siya. Inip na inip na nga sila at gusto ng magsi-uwi.
“Ano bang sasabihin mo? Bilisan mo na, gusto na naming umuwi.” sambit ni Abigail. Lumalabas nanaman pagging mataray niya, ngayon lang nakita ni Kenzo yung ganitong side namin.. hindi naman pwedeng maging sobrang bait pa din namin sa kanila, baka umabuso na.
Nakaupo kami sa seven seated na upuan sa cafe, mabuti nalang may isang oras pa bago kami magsara.
“Gusto kong humingi ng pasensya sa nagawa ko.” nararamdaman ko namang sincere si Kenzo. Nagkatinginan kami. “Bakit mo ba pinlano ang bagay na yun? Ano ba ang kasalanan namin sayo?” tanong ni Eula.
Huminga muna ng malalim si Kenzo
“Gusto lang namin makuha yung tittle ng pagging pinakamagaling sa school. Inisip ko na kapag dinistract namin kayo, mawawala sa inyo yung ranking nyo.” napa-iling si Leslie. Alam kong siya ang pinaka-apektado dito.“Dahil lang dun? Ang babaw mo naman,Kenzo.” hindi na napigilan ni Abigail kaya hinampas niya yung lamesa tapos tumayo siya.
“Abi, calm down.” hindi ko alam ang nararamdaman ni Kenzo, dapat lang na mahiya siya sa sarili niya.
Umupo naman ulit si Abigail, nagcross arms tapos inirapan si Kenzo. Pinapakalma naman siya nila Aud at Ashley.
“Alam kong mali yung ginawa ko, kaya sana bigyan nyo pa ako... kami ng mga kaibigan ko. Gusto naming bumawi sa inyo.” sambit niya. Worth it ba talaga ang second chance para sa inyo?
“Sige, pumapayag na kami. Siguraduhin mo lang na magtitino na kayo. Lalo kana.” kahit hindi nila gusto yung sinabi ni Leslie, wala silang magagawa. Siguro kailangan nalang naming ipaliwanag sa kanila mamaya.
Ngumiti si Kenzo, ito na siguro yung pinaka totoong ngiti niya na nakita ko. “Salamat. Pangako hindi na mauulit ang mga nangyari.” nginitian ko nalang din siya.
“Ibig sabihin pwede na kami ulit lumapit sa inyo.. kagaya ng dati?” tanong niya. Umiling si Leslie.“Kailangan nyong paghirapan ang pagbabalik ng tiwala namin.” medyo nabawasan yung ngiti si Kenzo pero bumalik naman yun. “Gagawin namin lahat.”
![](https://img.wattpad.com/cover/62283483-288-k396114.jpg)
BINABASA MO ANG
My Everything (BTSxAPINKxGOT7) [Completed]
RomanceWhat if pagplanuhan ng pitong lalake na guluhin ang pag-aaral ng anim na babae na kaagaw nila sa ranking? Magiging panalo kaya sila sa larong sinimulan nila? O pare-pareho silang magiging talo dahil hindi nila napigilan ang sarili nilang mahalin din...