Chapter 26: So Long
Track 26: So LongKyla
Tinapos lang namin ang 3rd quarter exam. Napagdesisyunan na namin lumipat ng school, sa school kung saan kami nababagay.
"Mamimiss ko dito." sa huling pagkakataon, nilasap namin ang pagtuloy dito sa dorm. Nakahanda na lahat ng gamit namin at bukas na bukas ay lilipat na kami sa bago naming apartment.
Matapos ang nangyari sa amin, wala na kaming narinig na kahit ano tungkol sa white blues. Pinutol na namin lahat ng koneksyon naming lahat sa kanila. Medyo naging mahirap dahil araw-araw kaming nagkikita at nagkakasama sa isang classroom, pero kinaya namin yun.
"Wala na ba kayong naiwan?" tanong ni Brent. Tinignan ko yung box na iniwan ko sa lamesa. Laman nun ang mga bagay na binigay nila sa amin,kasama na dun ang mga cellphones. Kaya naman naming bumili ng sarili namin at hindi yung bigay nila ang gagamitin namin.
Ngumiti ako."Wala na, tara na." aya ko. Kaming tatlo nalang nila Brent at Simon ang nahuling bumababa. Nasa sasakyan na silang lahat.
Bumukas ang elevator. Hinawakan ni Simon ang kamay ko saka ako sinabayan papasok ss loob ng elevator.
Walang nagsalita. Tumingin ako sa kanya at ngumiti lang siya.
Bakit mo ito ginawa Simon?
Gusto kong itanong sa kanya 'yan.
Nakarating kami sa ground floor, dumiretso kami sa parking lot saka sumakay sa van nila.
"Tara na." Aya ko. Sumunod naman sila at pinaandar na yung van.
——
Nakarating kami sa bago naming dorm within 15 lang. “Wala ng natira sa sasakyan.” inilapag ni Joseff yung box na dala niya.
Naipasok na lahat sa sala yung mga gamit namin na naka-box. “Gusto nyo bang tulungan namin kayo?” alok ni Brent.
Umiling ako. “Hindi na, okay na yung hinatid nyo kami dito.” silang apat ni Brent,Simon,Harley at Ryan lang yung naghatid sa amin. Hindi na kase kasya sa van nila pagsumama pa si Joseff,Andrew at Nash.
Pinagmirienda muna namin sila habang yung iba sinisimulan ng ayusin yung sala pati yung kitchen, para mamaya sa sari-sariling kwarto nalang kami mag-aayos.
“Salamat sa mirienda, aalis na kami.” tumango namin kami at nagpasalamat ulit.
“Noona, ingat kayo jan!” sambit ni Ryan. Nginitian ko naman siya.
Sumakay na sila sa van, si Simon nalang yung natira at hanggang ngayon nakatayo pa din siya sa harap ko.
“Bakit Simon? May kailangan ka ba?” tanong ko. Ngumiti lang siya. Weird talaga.
“Mag-ingat kayo dito,Ashley. Aish wala kase kayong cellphone para matawagan nyo kami kung sakaling may mangyari.” may kinuha siya sa bulsa niya.
Cellphone. Kinuha niya yung kamay ko at inilagay niya yung cellphone niya dun.
“Gamitin nyo muna yan,kung sakaling may emergency. Pero wag naman sana. Naka-save na diyan yung number nila hyungs” hindi ko sana tatanggapin pero pumayag na din sila Leslie. Kailangan namin yun.
“Salamat Simon, ibabalik ko 'to kapag nakabili na ako.” sambit ko, katulad kanina ngumiti lang siya. Saka naglakad papunta sa van nila.
“Bye!” kaway niya. Kumaway din kami hanggang sa mawala na yung sasakyan nila sa daan.
“Mag-ayos na tayo ng kwarto?” tanong ni Audrey.
Tumango ako. “Kyla, ikaw nalang ang mag-assign ng magkakaroommate.May aayusin pa ako sa kusina.” sambit ni Leslie. Pumayag naman ako.
“Sana okay na 'to sa inyo, Audrey-Abigal,Leslie at Eula. Ako at si Ashley.” sumang-ayon naman sila.
Dinala na namin yung gamit namin sa sarili namin kwarto. Okay naman dito, may dalawang kabinet,dalawang kama at may sarili na ding bathroom.
Nag-ayos kami ng damit,nilagay na muna namin sa drawer.
Hindi ko maiwasan na malungkot nang makita ko yung damit na yun. Yung damit na binili ko para sana ibigay kay Thirdy sa 100 days namin.
Inaalala mo din ba ako,Thirdy?
“Kyla, baba na tayo. Kakain na daw.” mabuti nalang at nakatalikod ako kay Ash. Baka makita niya pang-umiyak ako.
“Sige susunod na ako,Ash.” pinunasan ko yung pisngi ko. Huminga din ako ng malalim. Kaya mo 'to Kyla, isipin mo nalang isang panaginip lang ang nangyari.
“Okay ka lang,Kyla?” pumunta sa harap ko si Ashley. Umiiwas ako ng tingin, ayokong malaman niya ang nararamdaman ko.
Tumango ako.“Okay lang ako.” sambit ko. Para lang akong tanga na nagsasabi na 'okay lang ako' pero umaagos yung luha sa pisngi ko.
“Hindi mo dapat sinasarili ang sakit, nandito naman ako, kami. Magdadamayan tayo.” niyakap niya ako. Ang sarap sa feeling ng pagcomfort niya.
“Sorry.” sambit ko. Hindi dapat ako nagtago. Ano pa at naging kaibigan ko sila?
“Okay lang.” hindi ko na napigilan ang sarili ko, umiyak lang ako ng umiyak sa balikat ni Ashley. Sana bukas mabawasan na yung sakit.
BINABASA MO ANG
My Everything (BTSxAPINKxGOT7) [Completed]
RomanceWhat if pagplanuhan ng pitong lalake na guluhin ang pag-aaral ng anim na babae na kaagaw nila sa ranking? Magiging panalo kaya sila sa larong sinimulan nila? O pare-pareho silang magiging talo dahil hindi nila napigilan ang sarili nilang mahalin din...