Chapter 42: Not An Angel

52 3 0
                                    

Chapter 42: Not An Angel
Track 42: Not An Angel


Kyla


Naisip kong magpakalayo muna sa kanilang lahat. Umuwi ako para kumuha ng gamit, masyado akong nasaktan sa mga nangyari.

Una kay Simon, kasunod nun kay Thirdy.

Ano bang nagawa ko at pinaparusahan ako ng ganito?

Bumaba ako sa bus na sinasakyan ko. Nandito na pala ako, sa lugar na tahimik at payapa. Yung hindi ka matatakot kung may manakit man sayo.

“Anak, sigurado ka bang gusto mo nung mag-stay dito? Wala kang ibang kasama sa bahay.” hinatid ako ni mama sa bahay ng tiyahin ko na pumanaw na. Wala ng gumagamit nun kaya wala akong kasama.

“Ma,Okay na po ako.. kaya ko po 'to.” nginitian lang ako ni mama. Alam niya na pag sinabi kong kaya ko. Kaya ko talaga.

Hinatid niya ako sa bahay na tutuluyan ko, maliit lang siya at may isang kwarto. Hindi naman madumi yung bahay dahil buwan buwan nagpupunta si mama dito para linisin ito. Dalawa lang si mama at ang tiyahin ko, yung lolo at lola ko nasa heaven na din. Ang ama ko? Hindi ko siya kilala... iniwan niya daw kami nung mga bata palang kami ni Ryan.

“Mag-iingat ka dito ha? Tumawag ka nalang kapag may kailangan ka.” tumango ako bago siya yakapin. Sandali lang at umalis na din si mama. Iniwan na niya akong mag-isa.

Inayos ko muna yung mga gamit ko, naisip kong magpahangin kaya pumunta muna ako sa tabing dagat. Mabuti nalang nakapagdala ako ng jacket, magwi-winter season na din pala.

“Kyla? Ikaw nga!”humarap ako dun sa lalakeng humawak sa balikat ko at tumawag sa pangalan ko.

“Marcus!?” nginitian niya lang ako. Naalala nyo pa ba siya? Isa siya sa kaibigan ni Jayson.

Speaking of Jayson, gusto kong magsorry sa kanya dahil sa inasta ko. Pagbalik ko pupuntahan ko siya.

“So why are you here?”nako, english speaking 'tong si Marcus,malapit na ata dumugo ang ilong ko dahil sa kanya.


“Gusto ko lang mapag-isa.” naghalf smile ako. Umupo ako sa sea shore, tumabi naman siya sa akin.

Ang ganda ng dagat, kitang kita yung reflection ng araw dahil magsu-sunset na.

“Why? What happened? Can you share?” nanatili lang akong nakatitig sa dagat.

“I do the right thing, but it hurts alot.” sagot ko. Ay! Napa-english na din tuloy ako.

“Its okay,kailangan mo lang ng time para maghilom.” ngumiti siya tapos ginulo yung buhok ko. Nakakapanibago siya, pero tama nga yung sabi ni Audrey mabait din siya.


Namimiss ko na tuloy yung pinkies.“Gusto mo bang sumama muna sa akin? Malapit lang yung bahay ko dito.” tumango ako. Ayoko pa namang umuwi, kaya sasama muna ako sa kanya.

Inalok niya yung kamay niya,inabot ko naman yun tsaka tumayo.

Nakita kong malapit lang pala yung bahay niya sa bahay ng tiyahin ko.



——

Ashley

“Ano, tumawag na ba si Kyla? Nasaan na ba siya?” tanong ni kuya sa akin pag-uwi ko.

Ilang araw ng hindi nagpapakita si Kyla, hindi din alam ni Ryan kung nasaan ang ate niya pero impossible naman yun diba?

“Nalaman kong humingi ng kapalit si Thirdy sa kanya kapalit ng pagbayad niya sa utang ni mama.” napabuntong hininga nalang ako. Alam niya na din pala, nakakainis si Kyla. Bakit siya pumayag sa ganun?!

My Everything (BTSxAPINKxGOT7) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon