Chapter 46: LUV

57 3 0
                                    

Chapter 46: LUV
Track 46: LUV

Kyla

Napatakip nalang ako ng bibig nung makita ko yung lugar na pinagdalhan niya sa akin.

“Ang tagal naming bumalik kanina hindi ba? Inayos pa kase namin ito.” dinala niya ako sa lamesa na nandoon saka ako pinaghila ng upuan at pina-upo.

Ang ganda ng ginawa niya, napaka-romantic ng atmosphere kahit na sa rooftop lang ito ng ospital.

May lumabas na waiter tapos nagdala sa amin ng pagkain, tahimik kaming kumain. Minsan nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin, kapag nangyayari yung ngumingiti lang kami sa isa't-isa.

Nung natapos kami kumain, dinala niya ako sa kabilang side ng rooftop, pinakita niya sa akin yung view mula sa taas.

“Ang ganda pala dito.”  sambit ko. 8 pm na din pala ng gabi kaya madalim na,nangingibabaw yung ilaw mula sa mga sasakyan at kung saan pa.Sumang-ayon naman siya sa akin.

“Kyla, hinintay ko lang talaga magising si ate para gawin ito.” sambit niya,nakatingin lang ako sa mga mata niya. Nahahalata kong medyo kinakabahan pa siya.

May kinuha siyang box sa bulsa ng coat niya. Sa pangalawang pagkakataon, nasurpresa nanaman ako sa ginawa niya.

Lumuhod siya sa harapan ko.

Ito yung pinag-iisipan ko simula nung naging malapit ulit kami sa isa't-isa.

Paano kung gusto ulit niya akong maging girlfriend niya? Hindi dahil sa gusto niya kung hindi dahil sa gusto namin ang isa't-isa.

Hindi ko napigilan na maluha. Si Thirdy ang nandiyan sa tabi ko simula ng umuwi ako 6 months ago. Siya yung nandiyan simula nung pakiramdam ko hindi na ulit mabubuo yung piraso ng puso ko na nasira simula nung umalis si Simon.

Siya yung nandiyan nung panahon na naglalasing ako at umiiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Siya yung nagturo sa akin na hindi ka dapat manghinayang sa taong ikaw mismo ang sinayang.

Walang lumalabas na boses mula sa bibig ko. Tumango lang ako sa kanya.

Tumayo agad siya at niyakap ako ng sobrang higpit. Agad ko naman yung binalik sa kanya.

Ang higpit ng yakap niya sa akin, kaya pakiramdam ko protektado ako sa yakap niya.

Ito pala yung feeling na, buksan ulit yung puso ko para sa iba.

Ganito pala yung feeling kapag pinili ko yung bagay na sigurado akong makakapagpasaya sa akin.


Tama na ang sakit at pagdurusa.



Ito na ang panahon na dapat maging masaya naman ako, kasama ni Thirdy.
















——

3rd Person




Napangiti nalang ng mapait yung taong nakatingin ngayon kay Simon at Kyla sa isang parte ng rooftop ng ospital.



“Masaya ako para sa'yo Kyla. Deserve mo ang katulad niya.” bulong niya. May tumulong luha sa pisngi niya na agad naman niyang pinunasan gamit ang likod ng kamay niya.



Masakit sa damdamin na makita yung babaeng mahal mo na may kasamang iba. Pero mas masakit na malaman mong mahal din siya ng taong mahal mo.




Lubos na nagsisisi yung taong nakatangin at pinagmamasdan sila.



Inisip niya na sana, sinabi niya kay Kyla yung plano niya. O kaya ay nagpaalam muna siya kay Kyla bago siya nagpakalayo.



Hindi na niya nakayang manood kaya napagdesisyunan niyang umalis na sa lugar na yun.




“Sinabi ko naman sayo hindi ba? Layuan mo na ang anak ko. Si Thirdy ang gusto ko para sa kanya.” sambit ng lalakeng nasa harapan niya.



“Magagawa ko ang gusto ko, sa oras na mabayaran kita.”






Hindi na nag-abalang magbigay galang si Simon sa ama ni Kyla. Nilagpasan niya lang ito na parang wala siyang narinig o nakasalubong.



6 months ago, nalaman ni Mr. Jeon na tinulungan ni Kyla si Simon at Ashley dahil sa utang ng step-mother nila sa mga Choi.



Naisip ni Mr. Jeon na kausapin si Simon, siya ang magbabayad ng utang...kapalit nun ay hindi na muling magpapakita si Simon kay Kyla. Ni kahit anino niya, hindi na niya pwedeng ipakita kay Kyla.





Pero nagpumilit si Simon na bayaran si Mr. Jeon, naisip niya na hindi niya pwedeng isuko nalang ng ganun si Kyla kay Thirdy.



Lumapit si Simon sa pinsan niya, nagpatulong siya na maghanap ng trabaho.. binalak niyang bumalik kapag nabayaran na niya si Mr. Jeon ng buo.



Ito na din ang ginawa niyang dahilan para wag maikasal sa anak ng mga Choi, dahil sa iisang babae lang niya gustong maikasal. At kay Kyla Yoon yon.






——


Nakangiting pumasok ng bahay si Kyla. Sinalubong siya ni Ryan.“Ate, may sasabihin si mama sa'yo.” tumango lang si Kyla at pinuntahan ang nanay niya.




“Anak, gusto na ng papa mo na lumipat na tayo sa bahay niya. Gusto niya kayong makasama. Gusto niya ding bumawi sa inyo.” napakunot ng noo si Kyla.







“Lilipat na tayo sa bahay ni papa?”  tanong ni Kyla, tumango ang mama niya.





“Kailan daw?” tanong niya.





“Sa makalawa. Mag-ayos kana din ng gamit mo.” napansin ni Kyla na nakabox na yung mga gamit na dadalhin nila. Yung sa kaniya nalang ata ang hindi naayos.





“Sige po mama, bukas na po ako mag-aayos. Gusto ko na pong magpahinga.” niyakap niya ang mama niya bago siya pumunta sa kwarto niya.




Pagkapasok palang ni Kyla sa kwarto niya, humiga na agad siya.. dun niya lang naramdaman yung pagod.



Naligo muna siya pagkatapos ay nagpunta siya sa kusina para magtimpla ng gatas.



“Hyung? Okay ka lang ba?”







“Kailan ka ba babalik? Wag kang mag-alala sa kanya. Ako ng bahala.”







“Syempre,aalagaan ko ang ate ko.”






“Oo, tatawagan kita kapag may nangyari.”







“Bakit kase hindi ka pa bumalik?”







“Ganun ba? Maghihintay kami sa pagbalik mo,hyung. Bye.”




Hindi sinasadya ni Kyla na marinig si Ryan na may kausap sa cellphone niya.



Nagkibit balikat lang siya at bumalik na sa kwarto niya.


Baka isa lang sa mga kaibigan niya yun. Na-isip ni Kyla na baka si Joseff,Brent,Nash o Andrew lang yung kausap niya.





Nagpunta siya sa terrece habang umiinom ng gatas niya.




Ang sabi kase ni Darylle sa kanya ay uminom siya ng gatas,baka sakaling makatulong para makatulog siya agad.



Hindi alam niya alam na may taong nagmamasid sa kanya mula sa labas ng bahay nila.



Hindi niya alam na tinitignan siya ni Simon, dahil nasa terrece siya. Hindi niya napapansin na nakatingin ito sa kanya.

My Everything (BTSxAPINKxGOT7) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon