Chapter 7: She's A Monster

136 3 0
                                    

Chapter 7: She's A Monster
Track 7: She's A Monster


Kyla

"This activity will last before the first examination." seriously? Papagawin niya kami ng task ng ganun katagal? Halos 2 months din yun.

Miss already explained the activity. Magkakaroon kami ng isang pet at kailangan alagaan namin yun. Nasa amin na daw kung anong pet ang gusto namin, kailangan lang daw ay maalagaan namin ito at masubaybayan ang paglaki niya.

Parang pag-aalaga lang din daw ng bata, for sure madali lang yun! Kaya ko yun no~

"Anong pet ang bibilhin natin?" may kasama nga pala ako, akala ko wala eh.

"Cat or dog?" tanong ko. Okay lang naman kahit alin dun ang piliin niya, hindi naman ako maarte.

"Ikaw nalang ang pumili." sabi niya ng nakangiti. Parang iba si Jasper ngayon?

"Okay~" nilibot ko ang buong pet shop, tapos nakita ko yung isang aso na kulay white. Ang cute niya kase ang kapal ng balahibo ^_^

"Yan na ang bibilhin natin?" tumango ako sa kanya. Ang cute naman ng aso na to. Hmm ano kayang magandang ipangalan sa kanya?

"Nabayaran ko na, tara na." nakita kong dala na niya yung dog cage. Tumango nalang habang buhat ko yung puppy at lumabas ng pet shop.

"Anong ipapangalan natin sa kanya?" tinanong ko siya. Kailangan mag tulungan kami sa pag-aalaga nito.

"Jessy" Jessy? Pwede na din. Cute naman eh, bagay na yun sa kanya.

"Sige yun nalang." naglakad kami sa loob ng mall,pinasyal muna namin si Jessy. Nung napagod akong buhatin siya nilagay nalang muna namin siya sa cage niya tapos dinala yun ni Jasper.

"Gusto mong kumain muna?" tanong niya. Tutal nagugutom na din naman ako kumain na muna kami sandali saka umuwi.

"Alagaan mo si Jessy ha." paalala niya. Bumaba na ako sa kotse niya saka ko kinuha si Jessy sa backseat.

"Sige, bye." ngumiti siya at pinaandar na ang kotse niya.

Pumasok ako sa bahay at dinala si Jessy sa kwarto ko. Buti nalang at behave siya at hindi katulad ng iba na maingay.

"3 o'clock na pala." napatingin ako sa wall clock. Oo nga pala may pasok pa sa coffee shop ng 4 pm.

Naligo muna ako at nagluto para kila Ryan mamaya. Pagkatapos ay umalis na ko. Pinakain ko muna si Jessy, baka magutom eh.

"Kyla! Anong nabili nyo?" tanong ni Eula pagpasok ko sa loob ng staff room, nandun na sia ni Ashley at Leslie. Wala pa si Abi at Audrey?

"Puppy ang binili namin. Kayo nakabili na?" tanong ko.

Sabi ng partner nila bukas pa daw sila bibili ng mga pet. "Bakit ngayon lang kayo?" sabay sabay na dumating si Audrey at Abi.

"Bumili pa kami ng pet eh." sabi ni Audrey.

"Magkakasama kayo?" tumango naman sila. Ah, oo nga pala. Pareho palang galing sa white blues ang partner naming lahat.

"Tara na. Okay na ba kayo?" nakapagbihis na kami lahat at lumabas na kami. Tapos na ang shift ng ibang empleyado kaya pumalit na kami.

"One americano and one cheese cake." order ng bagong customer na kaka dating lang.

"name po?" kailangan lagyan ng name ang bawat order para tatawagin nalang sila paghanda na ang order nila.

"Put Karylle." sabi niya.

"Okay po, maupo muna po kayo." Naupo naman siya kagaya ng sinabi ko.

"Abi, table 3." pinadala ko yung coffee at cheese cake sa table ni mam Karylle.

Nakita kong paglapit ni Abi dun napatingin sa kanya si Karylle, tapos biglang tumayo si Karylle at ibinuhos ang kape niya kay Abigail. Teka anong nangyayari? Magkakilala ba sila?

My Everything (BTSxAPINKxGOT7) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon