Chapter 30: It Girl

64 4 0
                                    

Chapter 30: It Girl
Track 30: It Girl

Kyla



“Anong oras ba kase yun? Sasamahan kita baka mapano ka pa eh.” sambit ni Leslie.








Pauwi na kami sa dorm, magpapalit lang maya-maya tapos pupunta na din kami sa GotPink Café dahil may pasok pa kami.






“Bukas daw eh, after class. Sumama nalang kaya kayo?” tanong ko. Pumayag naman sila, shorten lang ata ang time bukas dahil laban ng basketball team ng school.







“Balita ko yung kalaban ng varsity team galing sa ibang school. Ang rinig ko mga gwapo daw.” kinikilig na sabi ni Audrey. Iba talaga 'to kapag nakarinig ng salitang gwapo.






“Saan mo naman nalaman yan?” tanong ko. Sigurado akong galing sa magandang school ang makakalaban nila bukas. First time kong manuod, sana manalo sila Jayson.






“Sa kaklase ko, hihi. Sana nga mga gwapo.” hay, ayun nagdaydream na. Kulang nalang maglaway siya eh.







Nakarating kami sa coffee shop. Pagpasok palang namin may mga tao na, Oo nga pala. Pang-gabi na yung shift ng pasok namin.







“Ashley, balita ko kinausap ka daw ni Yancy?” kaming dalawa ni Ashley ang naka-assign para sa counter ngayong araw kaya nakaka-usap ko siya.








Tumingin siya sa mata ko. Halata naman na malungkot siya. Nalulungkot din ako, parang kapatid na din kase ang turing namin sa isa't-isa.








“Oo,Kyla. Nagsorry siya,sabi niya wala daw siyang magawa kaya sinunod niya yung plano ng mga kaibigan niya.” yumuko siya. Huminga ako ng malalim at nagsalita.“Tinanggap mo ba ulit siya?” tanong ko.







“Hindi na. Ayoko na, ayaw na din naman nating mapalapit sa kanila ulit hindi ba?” kung ako ang papipiliin, gusto ko silang mapatawarin at bigyan pa ng chance. Nakita ko naman na totoo yung mga pinakita nila sa amin, ni minsan hindi nila kami pinabayaan. Kahit na plano nila lahat yun. Masyado lang sigurong naging mahirap tanggapin para sa kanila yung nangyari kaya hanggang ngayon hindi pa din nila kayang patawarin ang white blues.







“Kung ako lang ang masusunod, gusto ko silang patawarin.” tumingin sa akin si Ashley dahil sa sinabi ko. Ngumiti lang ako at bumalik na sa pwesto ko.







Dalawa lang naman ang gusto kong mangyari.




Una,magkapatawaran ang pinkies at white blues.






Pangalawa, makalimutan si Thirdy.

Hindi dahil napatawad ko na sila, gugustuhin ko pa din silang manatili sa mga buhay namin.







Natapos ang oras ng shift namin kaya umuwi na kami,baka hindi namin abutan yung bus na dumadaan dito.







“Jayson?” tawag ko. Ngumiti siya at nilingon ako. Sabi na nga ba siya 'to eh, likod palang yung nakita ko. “Oh Kyla, pauwi kana din?” tanong niya. Sumasakay din pala siya ng bus, akala ko mayaman 'tong si Jayson?







“Ah,Oo kasama ko yung mga kaibigan ko.” pakilala ko sa kanya kila Ashley. “Girls, si Jayson. Kaklase ko.” nag-hi naman sila sa isa't-isa.







My Everything (BTSxAPINKxGOT7) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon