Chapter 31: My Whole Body is Reacting
Track 31: My Whole Body is Reacting
Kyla“That was a nice game! Now, I will announce the winner for this years basketball game.” lahat nag-aantay sa pag-aanounce ng panalong grupo. Habang naghihintay bumaba na kami malapit sa court, para ma-congratulate agad namin yung team na mananalo.
Sila Ryan,Simon,Joseff,Andrew at ibang member ng white blues yung kalaban ng university varsity namin. Nagulat nga kami nung nakita namin sila dito, hindi naman nila sinabi na sila pala yung makakalaban nung team nila Jayson.
Speaking of Jayson, napansin kong may hinahahanap siya kanina. Tapos nung nakita niya ako, ngumiti siya at kumaway sa akin. Muntik na nga akong patayin sa titig ng mga fangirls niya. Nakakapagtaka lang kase nung nakatingin sa akin si Jayson, tinignan siya ni Thirdy tapos tinignan niya yung tinitignan ni Jayson. Nakita nya ako, biglang nawala yung ngiti ko.
Napansin yun ni Jayson kaya lumingon siya sa likod niya tapos nakita nyo din si Thirdy. Nagtinginan lang sila, nung tatayo na sana si Thirdy para puntahan si Jayson,napigilan niya ni Jasper.
“Uy Kyla! Tara na i-congratulate na natin sila!” napakurap ako nung narinig ko yung sigaw ni Leslie. Nakapansin ko din na umingay sa loob ng gym. Na-anounce na ba yung winner?
Hinila nila ako pababa para lumapit sa nanalong team.“Teka, sino bang nanalo?” tanong ko. Nakita kong natawa sila nung narinig nila yung tanong ko. Anong nakakatawa dun?
Nakarating kami sa grupo nila Ryan, sinalubong agad ako ng tingin ni Thirdy. Napaiwas nalang ako, sakto namang lumapit si Ryan kaya niyakap ko siya at nginitian. Mabuti nalang nakapagpalit na siya ng damit, kung hindi.. hindi ko siya yayakapin. “Congrats!” sambit ko. Nanlaki naman yung mata niya sa narinig niya. May sinabi ba akong mali?
Lumapit si Simon at pinitik yung noo ko. Si Ryan naman tinawanan ako kaya napanguso ako. “Bakit ka ba namimitik jan,Simon?” tanong ko.
Ngumisi siya. “Hindi kami yung nanalo.” sambit niya. Hindi sila yung nanalo? Ibig sabihin yung team ng school yung nanalo?
“Ah, ganun ba.” ngumiti nalang ako ng pilit. Nakakahiya.
“Kyla! Batiin na natin si Marcus!” buti nalang dumating si Audrey at hinala ako papunta sa kabilang side. Sa kabilang team, kila Jayson.
“Congrats!” bati ko. Napansin naman nila akong lahat. Unang tumayo yung kaibigan ni Jayson tapos nag'thank you'. Kasunod si Jayson, nagulat ako nung niyakap niya ako bigla tapos mabilis din siyang humiwalay. “Okay ba yung game? Ginalingan ko talaga para sayo!” ngumiti ako. Ganto siguro siya sa lahat ng kaibigan niyang babae. Hindi naman ako yung taong nagbibigay ng malisyan kaya okay lang yung ginawa niya. Nanalo naman sila, kaya masaya ako!
“Wooa. Siya pala si Kyla.” nagkantyawan yung mga teammates niya kasama sila Sky.
“Tumigil nga kayo.” suway niya. Tumingin ulit siya sa akin. Nakakangalay talagang tumingin sa mukha niya, ang tangkad eh. Parang kapre lang.
“Kyla, may victory party kami sa bahay nila leader. Sumama ka.” aya niya. Sinasama niya ako sa party? Gusto ko man pero may trabaho pa kami mamayang gabi, kailangan ko pang magpahinga kahit sandali.
“Ah.. may trabaho pa kase ako mamayang gabi, kailangan ko munang magpahinga ngayon. Sorry Jayson, next time nalang.” sambit ko, mabuti naman at okay lang yun sa kanya. May next time pa naman daw.
“Kyla, halika na daw.Sasabay na daw tayo kila kuya pauwi.” napatingin ako kay Ashley. Sinundo niya kami nila Audrey. Mukha namang close din sila sa kaibigan ni Jayson.
“Pauwi? Isasabay nila tayo?” tanong ni Eula. Tumango si Ashley.
“Ang tagal nyo naman, halika na.” biglang sumulpot si Simon tapos hinila kami paalis.
“Congrats ulit!” sigaw ko kila Jayson. Tumango naman sila.
Nakarating kami sa van nila, mabuti naman at nakapagpalit na ng damit yung mga naglaro kanina.
“Nalingat lang ako konti may iba na agad lumapit.” bulong ni Simon. Kaming dalawa yung huling pumasok sa van kaya kaming dalawa yung magkatabi ngayon, nasa kaliwa ko si Ryan na tulog na at nakasandal ang ulo sa balikat ko.
“Ha? May sinasabi ka ba?” tanong ko. Nilingon niya ako, nakita ko yung mata niyang tumitig sa akin. Bakit nawalan ng expresyon?
“Wala.” sambit niya.“Okay.” sambit ko. Baka guni-guni ko lang yun.
——
Thirdy
“Ano ba talagang balak nyo? Bakit hindi nyo pa sila kausapin, ako ang nahihirapan pag nakikita ko kayong ganyan eh.” sambit ni Dianna.
Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung dapat pa ba kaming humarap sa kanila. Pagkatapos ng panlolokong ginawa namin sa kanila?
“Gusto nyo bang tulungan namin kayo?” tanong ni Elsa.
Nandito sa dorm ang Red Petals. Hindi ko alam ang nangyari pero pag-uwi ko dito nung nakaraang araw nakita ko silang nakatambay na dito at close na silang lahat.
“Hindi na, ako ng bahala sa kanila.” umiling ako. Ayokong isipin na may hindi nananman magandang pinaplano si Kenzo.
“Talaga hyung? Kakausapin mo na sila?” tanong ni Yancy. Tumango naman si Kenzo. Sana lang maging totoo na din siya sa sarili niya, alam ko namang gusto na niya talaga si Leslie. Naunahan lang siya ng takot.
“Nga pala, finals na natin next week. Kailangan muna natin yun paghandaan bago ang pakikipagbati sa pinkies.” aminin ko man o hindi, nagbago na yung pakikitungo namin ni Jasper sa isa't-isa. Dahil yun sa pag-amin niya na may gusto siya kay Kyla.
Kaya pala pakiramdam ko gusto niya akong pigilan nung araw na makikipagkita ako kay Kyla. Ganyan naman siya eh, magaling lang siyang mangulo sa buhay ng iba.
“Oo nga, dapat yun muna ang paghandaan natin.” sambit ni Justin. Mukhang yan lang naman ang kakampi niya. Napailing nalang ako at lumabas para magpahangin.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta, nagulat nalang ako nung nakarating ako sa bagong dorm ng pinkies. Paano ako dinala ng sarili kong paa dito?
Binalak kong kumatok pero may biglang lumabas galing sa loob ng dorm nila.
Anong ginagawa nila Simon dyan? Hindi kaya may dinidate na siyang member ng pinkies?
Nakita kong kasunod niya si Kyla. Nagngitian sila tapos yumakap si Kyla kay Simon. Gusto kong lumapit pero hindi ko magawa, ano bang karapatan ko para gawin yun?
——
Vote. Comment. Share.
Thanks for reading! :)
BINABASA MO ANG
My Everything (BTSxAPINKxGOT7) [Completed]
RomanceWhat if pagplanuhan ng pitong lalake na guluhin ang pag-aaral ng anim na babae na kaagaw nila sa ranking? Magiging panalo kaya sila sa larong sinimulan nila? O pare-pareho silang magiging talo dahil hindi nila napigilan ang sarili nilang mahalin din...