Chapter 22: Wanna Be

65 5 0
                                    

Chapter 22: Wanna Be
Track 22: Wanna Be

Kyla

Dalawang araw na ang lumipas, puro bonding lang ang ginawa namin kasama ang white blues at green ashes(grupo nila Brent) salitan kami ng kasama sa pamamasyal dahil sa tingin ko hindi talaga nagkakasundo ang dalawang grupo na yun.

"Kyla, alam nila Simon at Thirdy ang tungkol sa pagbabanta sa atin." sambit ni Leslie.

Sa mga nakaraan araw,napansin ko naman na pinoprotekhan nila kami, hindi man nila sabihin na alam na nila nararamdaman naman namin yun. Yun ang tinatawag na girls instict.

"Mabuti nalang at nandyan sila para sa atin."

"Oo nga, kaya dapat maging mabuti tayo sa kanila." napatingin kami kay Abigail. Maging mabuti? Siya lang naman ang medyo masama eh.

"Dapat hindi na natin sila sungitan." sambit niya ulit. 'Natin'? Diba dapat siya lang yun? Ay ewan.

"Oh, anong ginagawa nyo dito?" may kumatok sa pinto kaya pinagbuksan sila ni Ashley.

"Gusto lang namin makisaya! Tara punta tayo sa sea shore!" aya nila.

Sumama nalang kami. Wala na din namang magawa sa room namin,nakakaboring din.

"Sakto, may dala akong bote!" kinuha niya yung bote ng mineral water galing sa bulsa niya. Mukhang pinaghandaan ah.

"Sakto? O baka naman dinala mo talaga?" tanong ni Abigail. Akala ko ba magging mabait na siya sa kanila?

"Simulan na natin." inikot na yung bote na nasa gitna naming lahat, nakapabilog kami. Magkakatabi ang couples, si Thirdy nasa kanan ko habang si Jasper nasa kaliwa. Wala daw kase siyang ka-couple eh. Parang double meaning pa nga yung pagkasabi niya kaya medyo naging awkward.

"Woo! Una ka agad ha." huminto yung bote sa tapat ko. Buena mano pa ako eh.

"Truth or dare?"

"Truth?" unsure na sagot ko. Hindi kase ako sure kung anong ipapagawa nila kapag dare ang pinili ko.

"Mukhang hindi ka pa sure ha?" pagbibiro ni Patrick.

"Sure kana ba jan?"

"Oo, sige truth na."

"Okay ito na." may nilabas si Yancy na box. Namili si Patrick ng tanong mula sa loob.

"Hindi nyo talaga pinaghandaan ha?" biro ni Leslie.

"Bored kami kanina eh, ginawa na namin 'to." sambit ni Yancy. Tumango kami.

"Ito na ang tanong para sayo, contestant number 1, Kyla Yoon." sabay-sabay kaming natawa, ibang klase talaga.

"Okay, silence please." sambit niya.

"Here is your question,Paano kapag nalaman mo na may taong malapit sayo na gumagawa ng bagay na hindi mo gusto?" o-okay? Biglang tumahimik. Naghihintay ata sa sagot ko.

"Una,kapag nalaman ko magagalit ako sa kanya.Pero kung ano man ang ginawa niya, depende kung matatanggap ko pa din siya." huminga ako ng malalim at ngumiti.
"Pero, alam ko naman na walang traydor sa mga kaibigan ko." dugtong ko.

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan ng white blues. Umiiwas sila ng tingin sa amin, anong nangyayari?




Tumawa ng pilit si Justin. "Paikutin na ulit natin,Thank you for your wonderful answer Ms. Yoon." joker talaga tong mga 'to. Pinaikot na ulit yung bote.. at tumapat yun kay...



"Kurt's turn." sabi ni Jasper in american accent. Alam ko parehong magaling mag-english si Jasper at Kurt dahil sa L.A lumaki si Kurt, hindi ko alam kung saan lumaki si Jasper,basta marunong din siyang mag-english ng fluent.




"I will go on truth." diretsong sabi ni Kurt.



Bumunot si Patrick sa box ng question.


"Ehem, ito ang tanong para kay contestan number 2. Mr. Tuan, anong nagustuhan sa babaeng katabi mo ngayon?" ang cheesy ng tanong, for sure cheesy din ang sagot niya.


Tinignan ni Kurt si Audrey, ngumiti siya at hinawakan ang kamay ni Aud.




"I like her personality, even her imperfections." sagot ni Kurt. Wow,edi siya na!


"Yieee, forever na yan~" biro ng iba sa kanila. Ngiting-ngiti naman si Aud, syempre matagal na niyang crush si Kurt kaya masaya yan ngayon for sure.


Naramdaman kong hinawakan ni Thirdy yung kamay ko. "Kyla." tawag niya.



Tinignan ko siya."Bakit?" tanong ko.




"Kinikilig ka ba sa kanila?" tanong niya. Once in a blue moon magtanong ng ganyan si Thirdy ah.




"Medyo?" sagot ko.




"Wag kang mag-alala,kikiligin ka din. Mas matindi pa." sabi niya sabay kindat sa akin. Yaaa Thirdy! Gusto mo ba akong mamatay? Naramdaman kong uminit yung pisngi ko kaya napayuko ako."I love you." bulong niya. Napangiti ako, "I love you too." I gave him a quick peck,wala naman nakakita nun.hahaha!



"Okay, back to the game." naubos na ata lahat ng kilig nila kaya pinaikot ulit nila yung bote. This time sa kanya na tumapat.





"Aw! Why me?" tanong niya.

"Truth or dare?"


"Pwede bang yung 'or' nalang?" nagtawanan kami at hinampas siya. Loko-loko talaga si Jasper.




"Bawal yun, Truth or dare?" tanong ni Eula.

"Dare nalang." sagot ni Jasper saka huminga ng malalim. Kinakabahan ata.

At katulad kanina, may nilabas na box si Yancy kulay Blue naman yung para sa questions kulay green.

Pinabunot nila si Jasper."Ey! Bakit ito?" binuksan niya yung nabunot niya at binasa ni Justin.


"Yakapin mo yung crush mo ng 5 seconds." ang corny naman nun, sino kayang gumawa nun?


"Gawin mo na Jasper,ang tagal naman." sabi ni Kurt, okay medyo atat.

Tumingin si Jasper sa akin, napaiwas ako ng tingin. Ako ba ang gusto niyang yakapin?


His playful expression appeared, lalapit na sana siya kay Justin pero nakatayo agad yun at tumakbo. Nagtawanan kami. Iba na talaga ang 'Jastin' hahaha couple name ni Jasper at Justin, hindi naman pang bakla diba?



"Yaaa bawal yun,ang daya naman ni Jasper." sabi ni Abi saka ngumuso. Ayan medyo nawawala na yung bad side niya.



Natawa kami kase parang hindi alam ni Jasper yung gagawin niya.



Tumingin ulit siya sa akin. May binulong siya kay Thirdy, tumango lang si Thirdy sa kanya.



Naramdaman kong tinignan nila kaming lahat,pano ba naman ako yung niyakap niya!


"Sorry." bulong niya.




Natapos na yung 5 seconds kaya humiwalay na siya sa akin.




"Yaaa Jasper, crush mo si Kyla?" tanong ni Leslie.



"Ha? Hindi ah, siya kase yung pinakaclose ko sa inyo." sagot niya kay Leslie.




Tama naman, kami yung unang naging close dahil sa partner project.


"Hindi ko siya crush, mahal ko na siya." nanigas ako sa kinauupuan ko.




Totoo bang sinabi ni Jasper yun? Sa harap ng mga kaibigan ko at ni Thirdy?

My Everything (BTSxAPINKxGOT7) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon