Chapter 9: Follow Me
Track 9: Follow Me
Kyla
“Sino daw yung inuwi mong lalake sa bahay nyo?” marahas akong napalingon kay Abigail dahil sa tanong niya.
Nagkatinginan naman yung apat. Mali ba yung ginawa ko?
“Saan mo naman narinig yan?” tanong ko.
Inayos ko ang gamit ko saka pinasok ulit sa bag ko. “Kay Ryan, alam mo naman yung kapatid mo chismoso.” sabi niya sabay tawa. So pinagtatawanan niya pa yung kap— sandali, si Ryan ang nagsabi? Masapak nga siya mamaya.
“So sino nga ang inuwi mo?” tanong ni Leslie. Isa pang chismosa.
“Ah.. si Brent, yung kapit bahay namin dati.” lord, sorry po dahil kailangan kong magsinungaling T^T
“Bakit mo inuwi? Anong nangyari?” tanong ni Audrey.
“Nakita ko kaseng lasing sa park kagabi,tapos nakatulog na sa balikat ko kaya sinama ko nalang siya dahil hindi ko alam kung saan na ang bahay niya.” napa'ah' nalang sila. Sana nga maniwala sila.
Bumalik na sila sa ginagawa nila kanina. Bakit wala pa ang teacher?
Wala pa din yung pitong mayayabang?
Napayuko nalang ako at pumikit. Hindi pa ako sanay na umuwi ng gabi dahil sa trabaho, kahit isang buwan ko ng ginagawa yun.
Napataas ako ng ulo ng dumaan sa gilid ko yung pitong mayayabang. Ang ingay kahit kelan.
Nakita ko siyang napatingin sa akin kaya iniwas ko ang tingin ko. Bakit ako nagkakaganito? Napahawak ako sa dibdib ko.
“Inhale.. exhale.” ginawa ko yun ng limang beses saka yumuko ulit sa desk ko. Mukhang wala nanaman yung subject teacher. Matutulog muna ako.
“Kyla.. huy gising.” nagising ako sa pagtapik ni Jasper ng pisngi ko.
Bumangon ako at kinusot ang mata ko. Ilang oras ba ako nakatulog? Bakit wala na sila? Asan na yung mga babaita?
“Nasan na sila?” tanong ko. Nakita ko na nandito pa pala yung anim, kasama si Jasper.
Inayos ko na ang bag ko tsaka nilagay sa balikat ko.
Palabas na sana ako ng room ng biglang may humawak sa balikat ko. Pagtingin ko si Jasper lang pala, kasunod yung anim.
“Bakit Jasper? Anong kailangan mo?” ngumiti siya.“Diba sayo si Jessy ngayon?” tanong niya.
Oo nga pala, ako naman pala dapat ang mag-alaga sa kanya. Tig-one week ang palitan namin sa pag-aalaga.
“Kukunin ko na siya, dala mo ba?” umiling siya. “Nasa bahay, kunin nalang natin.”
Sumakay kami ni Jasper sa kotse niya, yung iba hiwa-hiwalay na.
Nakarating kami sa bahay niya saka kami pumasok. Hindi nga ata bahay 'to eh, mukhang palasyo.
“Upo ka muna.Gusto mo ba ng coffee o juice?” tanong niya.
“Juice nalang.” sagot ko saka ngumiti. Sinabi niya sa maid nila na ikuha ako ng juice.
“Sandali lang Kyla, kukunin ko lang si Jessy sa kwarto.” tumango nalang ako.
Habang hinihintay ko siya tinignan ko yung mga picture frames na nasa living room nila.
May picture sila ng mama at papa niya, tapos may isang lalake na mukhang mas matanda sa kanya.
Kuya niya siguro to?
“Mam ito na po yung juice nyo.” inabot niya sa akin yung juice ko. Tumango naman.“Thank you po.”
Umupo muna ako sa sala habang umiinom, teka maitext nga mga babaita.
Kinapa ko sa bulsa ko yung cellphone, bakit wala dito?
Hinalungkat ko din sa bag ko pero wala. Saan ko ba nalagay yun?
Nasira na pala yun nung isang isang araw. Ang tanga mo talaga Kyla!
Halos masabunutan ko na ang sarili ko, bakit nakalimutan kong sira na pala yun?
“Oh anong ginagawa mo?” nakita kong pababa na siya ng hagdan dala si Jessy na nasa cage niya.
“Ah.. wala.” sagot ko.
Natawa naman siya.
Anong nakakatawa dun?
Nagpout nalang ako at kinuha si Jessy sa cage niya, namiss ko 'to. ^_^
“Hindi mo ba pinapaliguan 'to?” tanong ko. Nagmukha na kaseng dirty white yung white na balahibo niya.
umiling naman siya. “Ngayon dapat, kaya lang tinatamad ako.” Ibang klase.“Gusto mong paliguan natin ngayon?” Um-oo nalang ako. Gusto ko kase iuwi siya na yakap-yakap ko. Kaya dapat mabango siya.
“Yaaa! Wag mo akong basain!” sigaw ko. Nakakainis tong si Jasper, tinututok sa akin yung shower. Kainis!
“Jessy oh, tignan mo yung mommy mo oh! Mukha ng basang sisiw.” sabi niya saka tumawa ng high pitch. Ibang klase talaga siya. Si Jessy na ginagalaw-galaw lang yung buntot niya.
Bakit hindi niya ako tinutulungan? T^T
Hanggang natapos naming paliguan si Jessy ako ang laging binabasa ni Jasper. Yung totoo? si Jessy ba ang pinaliguan namin o ako ang pinaliguan nila?
“Wala akong dalang extrang damit!” pano ako uuwi? mukha akong basang sisiw =____=
“Sandali lang,ikukuha kita.” lumabas sila ng bathroom ni Jessy. Nagshower muna ako tutal basa na din naman ako. Pinatuyo ko nalang yung undies ko.
“Kyla. Ito na oh.” binuksan ko ng bahagya yun pinto. Inabot niya yung damit at shorts. Pangbabae to ah? May kapatid ba siyang babae?
“Kanino tong damit?” lumabas ako ng bathroom,nasa kama sila ni Jessy at naglalaro.
“Sa kaibigan ko.” sagot niya. Tumango nalang. “Ibabalik ko nalang, lalabhan ko muna.” sabi ko. Maganda 'tong damit eh, mukhang mamahalin.
“Tara na,ihahatid ko na kayo ni Jessy.” kinuha niya yung susi ng kotse niya saka dinala si Jessy at hinala ako baba ng bahay nila.
Napatingin ako sa kamay niya na nakahawak sa kamay ko.
“Sino may sabing pwede mong hawakan ang kamay ko?” mataray na tanong ko sa kanya.
Nguniti lang siya.“Sorry.” sabay binitawan yung kamay ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto,sumakay na ako pagkatapos sinakay niya sa backseat si Jessy saka siya sumakay sa drivers seat.
After 10 minutes nasa labas na kami ng gate.
Bumaba na ako sa kotse niya saka kinuha si Jessy. Bibaba niya ang bintana saka nagsalita.“Alagaan mo si Jessy ha?bye.” kumaway siya at umalis na.
BINABASA MO ANG
My Everything (BTSxAPINKxGOT7) [Completed]
RomanceWhat if pagplanuhan ng pitong lalake na guluhin ang pag-aaral ng anim na babae na kaagaw nila sa ranking? Magiging panalo kaya sila sa larong sinimulan nila? O pare-pareho silang magiging talo dahil hindi nila napigilan ang sarili nilang mahalin din...