Chapter 3: Thirdy,Jasper and Kurt

217 7 0
                                    

Chapter 3: Thirdy,Jasper and Kurt

Kurt

"No one will replace me, Ikaw lang ang anak kong lalake at ikaw ang papalit sa posisyon ko." Here it goes. Paulit-ulit nanaman siya sa pagpapaalala sa akin na dapat maging magaling ako sa pag-aaral ko dahil ako ang hahawak ng kumpanya sa oras na makapagtapos ako ng high school.

"I know Dad." tumayo na ako sa inuupuan ko at lumabas sa office niya.



"Hello Kenzo? ngayon na?" bakit ko nakalimutan? Taping pala namin ngayon para sa isang show.




Ipihanda ko na ang kotse ko at nagdrive ako papunta sa lugar ng tapping namin.



"Mabuti naman at umabot ka." pagbaba ko ng kotse ko ay kakatapos lang ng pag tape ng part ni Kenzo.



"Sir Kurt, Kayo na po ang next." sambit ng isang staff. Nagpaalam muna ako kay Kenzo.




"Kamusta? Ilang linggo din tayong hindi nagkita." natawa kami ng mahina. Bakasyon namin,kaya kumuha muna kami ng extra project ni Kenzo,Actors kami.



"Nagalit nanaman si Dad, pinaalala nanaman niya na ako lang ang hahawak ng business at dapat ayusin ko ang pag-aaral ko." napailing nalang ako sa naalala ko. Kung nandito lang sana si mom, hindi ako masyadong mapepressure.



"Huy! Kurt, okay lang yan." bahagya siyang ngumiti at tinapik ang braso ko.


"Pwede na daw po kayong umalis." sabi ng isang staff.



"Saan tayo ngayon?"



"Nasaan kaya si Thirdy ngayon?" tanong niya.


"Ewan ko dun, tawagan mo nga."



"Hello? Ate Darylle? Nasaan si Thirdy?"



"Ah,ganon ba? Sige."



Binababa niya ang cellphone at tumingin sa labas.



"Nasa labas daw si Thirdy, hindi pa daw umuuwi simula kagabi." napa-buntong hininga nalang kami.



"Baka nasa puntod lang yun ng mama niya."




"Baka nga,si Jasper tawagan mo." dinial niya ang number ni Jasper at nakaloud speaker para marinig ko.



Pagkatapos ng limang ring ay sinagot ni Jasper ang cellphone niya.""Oh Kenzo, what's up?"



"Nasan ka ngayon?" tanong ni Kenzo. Tumigil muna ako sa pagdrive.



"Nandito ako sa bar,chillin'.Bakit pupunta ka ba?" sabi na nga ba. Saan pa ba ang tambayan niya?



"Sige, papunta na kami jan." sabi ko.



"Kurt nanjan ka pala?" rinig naming sabi niya.



"We're on our way,bye." paalam ni Kenzo.



"Ibang klase talaga 'yang si Jasper. Sa bar na ata nakatira." ganyan nga siguro kapag wala kang ibang inaalala sa buhay kundi ang magsaya.

"Nandito na tayo." nagparking ako pagkatapos ay bumababa na kami at pumasok sa loob ng bar.







-








My Everything (BTSxAPINKxGOT7) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon