Chapter 14: Crystal

79 3 0
                                    

Chapter 14: Crystal
Track 14: Crystal


Kyla

Sabado ngayon at araw ng pahinga. Kailangan namin yun, dahil kakatapos lang ng 1st quarter examination.

“Nakapagluto na si Leslie, kumain kana jan Kyla.” sambit ni Audrey paglabas ko ng kwarto.

“Nasaan sila?” tanong ko.

“Lumabas lang sandali.” sagot niya.

Pumunta ako sa kusina para tignan yung niluto daw ni Leslie, nag-almusal muna ako pagkatapos naligo na ako.

“Gising kana pala Kyla?” tanong ni Ashley na kakapasok lang. Tumango ako.”Saan kayo galing?” tanong ko bago uminom ng tubig.

“Sa dorm nila Kenzo, may pinabibigay sila.” nakita kong pumasok sila tapos may dala silang tigtatlong paper bag.

“Ano namang laman nito?” binigay sa akin ni Abi yung bigay daw ni Thirdy.

Isang dress na pink at high heels ang laman.

Saan ko naman gagamitin to?

May papel na nakalagay sa loob kaya binasa ko.

Kyla,

Wear that dress, I will pick you up by 7.

- Thirdy

Oo-okay? Date na ba to?

I smiled by myself. Hindi talaga nauubusan ng surprise si Thirdy.

“Saan kaya nila tayo dadalhin?” naka-upo kaming lahat sa living room habang nanonood ng music show.

“Surprise na siguro nila yun.” kinikilig na sabi ni Audrey. Nako, iba na talaga ang tama nito kay Kurt.

“Iba na yung feeling ngayon no? Parang dati lang tayong magkakaibigan lang ang nagpapasaya sa isa't-isa tapos ngayon may mga bago na tayong kaibigan na pinapasaya din tayo.” sambit ko. Nakakatuwang isipin na pati sila napapasaya kami.

“Pero wala pa ding makakatibag sa friendship ng pinkies!” nag-agree kami. Oo, wala ngang makakatalo dun.

“Group hug!” natawa nalang kami pare-pareho.  Swerte kami at natagpuan namin ang kasiyahan na hinahanap namin sa isa't-isa.

Pagkatapos ng konting bonding, nag-ayos na din kami kailangan pa din naming pumasok sa GotPink Cafè.

“One cappucino,and one velvet cake.” order ng customer na kakadating lang.

“Here mam.” inabot ko sa kanya yung tray na may laman ng order niya.

Nginitian niya ako kaya ngumiti din ako.

Teka, parang may kahawig siya?

“Kyla, may gustong kumausap sayo.” lumabas si manager at tinuro ang telepono.

“Sige po manager.” sagot ko.

“Ash! Ikaw muna dito” tawag ko kay Ashley, ako ang naka-asign sa cashier kaya kapag umalis ako wala ng tao dun.

Pumunta na ako sa staff room para maka-usap yung taong sinasabi ni manager.

“Hello?”

“Hello? Is this Kyla Yoon?”

“Yes, what can I help you?”

“I just want to say that, stay away from Thirdy also tell your friends to stop dating white blues members.”

“Sandali, ano bang sinasabi mo? Sino ka ba?”

“Oh, Ako nga pala ang leader ng Red petals. Better leave the boys alone or we will kill you all.”

“You're unbelievable.”

“Really? Tignan nalang natin.”

With that, she hung up.

Alam kong maraming nagagalit sa amin dahil sa pagging close namin sa grupo nila Thirdy, yun kase ang pangarap ng bawat grupo ng mga babae sa school na pinapasukan namin.

“Anong nangyari sayo Kyla? Bakit nanginginig ka?” Pinilit kong hindi ipahalata na natatakot ako.

Oo, natatakot ako sa pwede nilang gawin sa amin. Lahat ng grupo makapangyarihan, maliban lang sa pinkies.

Ngumiti ako.“Ah.. wala. Sige babalik na ako dun.” sambit ko saka bumalik sa loob ng shop. Sana hindi ako nahalata ni Leslie.

“Okay ka lang ba talaga Kyla? Ang lamig ng kamay mo.” hinawakan ni Leslie ang kamay ko. Napatingin naman yung iba sa amin.

Naglalakad na kami pabalik sa apartment dahil tapos na yung shift namin sa cafe.

“Okay lang ako Les,” nginitian ko nalang siya.

“Sure ka ha?” pinisil niya ang kamay ko. Tumango nalang ako.

Saktong 6 pm natapos akong maligo kaya naglagay ako ng konting make-up at inayos ng konti ang buhok ko.

My Everything (BTSxAPINKxGOT7) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon