Chapter 45: A

60 3 0
                                    

Chapter 45: A
Track 45: A




Kyla


"Ryan, pakisabi kay mama babalik na ako sa ospital." sambit ko,nakita ko namang tumango si Ryan bago ako lumabas ng bahay. Ilang linggo na din pala ang lumipas simula nung nagpakilala sa amin si Mr. Jeon bilang ama namin, ilang linggo na din simula nung naganap ang operasyon ni ate Darylle.

Dumaan muna ako sa grocery para bumili ng mga ready to cook na pagkain at prutas para may makain si ate Darylle paggising niya.

Habang nag-iikot ako sa loob ng grocery, hindi ko pa din maiwasan na maisip si Simon.

Nasaan na kaya siya ngayon?

Masaya na kaya siya ngayon?






Nakalimutan na niya kaya ako?

Kahit anong gawin ko hindi ko pa din siya makalimutan.. bakit ganun?

Papunta na sana ako sa counter para bayaran yung binili ko.



Kaya lang may isang batang babae akong nakita sa isang gilid, umiiyak siya. Siguro nawawala siya at hindi niya makita ang mga magulang niya.


Naghintay ako ng may lumapit sa bata at kunin siya, pero naka-10 minutes na ata akong nakatayo doon wala pa ding lumalapit sa kanya.

"Bata? Bakit ka umiiyak? Okay ka lang ba?" ako na ang lumapit. May bumulong sa akin na tulungan siya, kaya nilapitan ko na siya.




Tumingala siya sa akin sandali, pinunasan niya yung luha niya. Nagulat nalang ako nung yumakap siya sa bewang ko.



"Anong pangalan mo?" pumantay ako sa kanya para makausap ko siya ng mabuti.


"Sena." sambit niya saka siya ngumiti sa akin. Ang cute niya pala. Mabuti nalang at tumigil na siya sa pag-iyak.


"Ilang taon kana?"tanong ko. Pinakita niya naman sa akin yung limang daliri niya. 5 years old pala siya?


Nung talaga kalmado na si Sena, naghanap ako ng guard na pwedeng pag-iwanan kay Sena.



"Nakita ko siya kanina, mukhang nawawala siya." iniwan ko na si Sena sa guard. Kailangan ko na ding pumunta sa ospital. Baka hindi pa kumakain si Thirdy, hindi pa naman niya iniiwan si ate Darylle kapag walang nagbabantay na iba sa kanya.








"Appa!"









"Sena!" naglalakad na sana ako paalis nung narinig ko yung boses na yun. Hindi ako pwedeng magkamali.





Boses yun ni Simon... teka? Bakit siya tinawag na Appa ni Sena? Anak niya ba si Sena?





--





Sumakay ako sa taxi papunta sa ospital. Hindi pa din maalis sa isip ko yung narinig ko kanina. Si Simon ba talaga yun?



Paanong nangyari anak niya si Sena? Impossible kayang niloko niya kami?





"Kyla? Nakikinig kaba?" napakurap ako nung marinig ko yung boses ni Thirdy. Masyado na palang lumilipad ang utak ko.




Umiling ako. "Sorry.. ano nga ulit yun?" tanong ko.






Hinawakan niya yung isang kamay ko. "May problema ba,Kyla?" tanong niya.




Huminga ako ng malalim. Dapat ko bang sabihin sa kanya yung nakita ko kanina?






My Everything (BTSxAPINKxGOT7) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon