Chapter 20: No No No
Track 20: No No NoKyla
"Ang tagal mo naman jan! Bilisan mo naman Kyla!" mabilis akong nagbanlaw ng katawan ko. Nakakainis tong si Audrey nagmamadali. May date ata sila ni Kurt.
"Sandali lang naman! Kaya niya namang maghintay!" sigaw ko. Aish hindi ko nafeel ang pagligo ko dahil minadali niya ako.
"Kyla!Bilis-" tinakpan ko na yung bibig niya. Pinalitan na niya ba si Abigail sa pagging malakas na boses?
"Oh ayan na, maligo kana. Akala mo naman maiiwan sa date." bulong ko. Nadaanan ko si Ashley na nasa sala. Nagce-cellphone eh, katext nanaman siguro si Yancy. Aba, pati ang maknae lumalablayp.
"Kelan kayo aalis?" patago kong binasa yung pinag-uusapan nila. Wag ka, minsan lang ako maging chismosa.
Halos mabitawan niya yung cellphone dahil sa pagkagulat."Eh? Ano ba yan Kyla! Bakit ka ba nanggugulat?" ngumuso siya saka umupo ng maayos at bumalik sa pagce-cellphone.
"Gusto ko eh, bakit ba? Kelan nga kayo aalis?" tanong ko.
Nilingon niya ako."Hindi lang kami ang aalis, kasama tayong lahat." aalis kami? Sinong nagbalak nun at hindi ko alam?
"Kelan? Saan tayo pupunta? Sino ang nagbalak niyan?" sunod-sunod na tanong ko. Natawa nalang ako. Hahaha."Kyla, sila Patrick daw.Pupunta tayo sa Jeju Island, may resort daw sila dun. At, bukas ang alis natin." sagot niya. Bukas? Agad-agad?
"Pero sino talaga ang nagplano?" tanong ko ulit.
"Kami nila Jasper." napa'ah' nalang ako. Bahala sila sa expenses, ayokong bawasan yung ipon ko.
"Ako lang ba talaga ang walang alam sa pag-alis natin bukas?" pagdadrama ko. Wala lang, gusto ko lang magdrama. Nakakainis sila eh, hindi ako sinabihan ng maaga.
"Sorry na nga eh, atleast hindi last minute ang pagpapaalam namin sayo." sabi ni Eula.
Inirapan ko lang sila, naglagay na ako ng gamit sa travel bag ko. Maaga daw kaming susunduin ng pito kaya dapat ayos na lahat.
"Magsitulog na kayo, mag-aayos pa ako dito." pinaalis ko na sila dahil sagabal sila sa pag-aayos ko. Haha joke lang!
"Tara na nga, pinapalayas na tayo hindi nyo ba nararamdaman yun?" tanong ni Abigail. Natawa naman yung iba. Kahit kelan talaga.
Pagkatapos ng isang oras na tapos na din ako, sabi ko na eh mabilis matatapos pag walang umiistorbo.
Natulog na ako dahil bukas, baka hindi nila ako gisingin kailangan kong makiramdam.
--
Harley
"Okay na lahat Brent." inilagay ko na lahat ng gamit sa van. Aalis kami, you know, Jeju island trip. Kailangan naming bantayan ang pinkies laban sa RP at sa white blues. You know what I'm saying? Yeah, hip hop.
"Yung jams mo, nadala mo na ba Joseff?" tanong na may kasamang pang-aasar ni Nash.
"Nasa bulsa ko na, wag ka ng mag-alala,Nash." simpleng sagot ni Joseff.
"Ikaw Andrew, dala mo na ba yung swaeg mo?" tanong ni Simon kay Andrew, bagong member namin yan. Napaka-antukin, laging tulog sa dorm.
Tumango lang si Andrew, may pagcold.
Pinaandar na ni Brent yung van, siya lang naman marunong magdrive kaya no choice siya, you know?
"Matagal pa ang byahe, matulog muna kayo para walang magulo." sabi ni Brent, maaga kaming nagising kaya nagsitulog muna kami, para mamaya may lakas kami sa pagbabantay kila ate Eula.
Pagkatapos ng limang oras nakarating na din kami, sa wakas.
Kinuha namin yung sari-sarili naming gamit, pumasok na kami sa hotel at nagcheck-in. Maganda pala dito,beach pala ito.
Naghintay lang kami ng ilang oras, dumating na din yung pinkies, nasa dalawang van sila. Buti nalang magkahiwalay ang white blues at pinkies.
Ako ang unang nakakita sa pagdating nila, ang galing kumuha ni Ryan ng impormasyon tamang-tama. Pwede na siguro siyang magingdetective.
"Harley? Huy! Anong ginagawa mo dito?" patay. Narinig ko yung boses ni ate Eula sa likod ko. Lagot ako kila Brent nito, nagpakita agad ako sa kanila.
Hindi ko siya nilingon, naglakad lang ako ng diretso at bumalik sa kwarto namin. Ipaparating ko muna ang balita.
"Brent! Ryan!" tawag ko sa kanila.
"Anong problema mo? Wag kang maingay baka magising si Andrew, lagot ka dun." mabuti naman at lumabas agad silang lahat, except kay Andrew na tulog padin.
"Nandito na sila." sambit ko.
"Tara? Puntahan na natin." akmang lalabas na si Simon pero hinila ni Ryan yung dulo ng damit niya.
"Wag ka ngang excited! Alam kong balak mo ng puntahan si Ate." sabi ni Ryan. Aba iba din to ah.
"Simon, mamayang gabi na tayo lumabas, siguro hindi muna dapat nila malaman na nandito din tayo." sabi ni Brent. Pumayag na kaming lahat, kaya pa naman naming maghintay hanggang mamayang gabi.
![](https://img.wattpad.com/cover/62283483-288-k396114.jpg)
BINABASA MO ANG
My Everything (BTSxAPINKxGOT7) [Completed]
RomanceWhat if pagplanuhan ng pitong lalake na guluhin ang pag-aaral ng anim na babae na kaagaw nila sa ranking? Magiging panalo kaya sila sa larong sinimulan nila? O pare-pareho silang magiging talo dahil hindi nila napigilan ang sarili nilang mahalin din...