Chapter 29: U Got Me

66 3 0
                                    

Chapter 29: U Got Me
Track 29: U Got Me


Kyla


"Here is the list of your medicines. You must drink it 3 times a day, don't stress yourself and sleep atleast 8 hours a day. Understand?" inabot niya sa akin yung reseta daw nung gamot ko. Tumango naman ako at nagpasalamat. Aalagaan ko na ang sarili ko simula ngayon, wala naman akong ibang maasahan dahil malaki na ako.


"Pwede na tayong umuwi." bumalik na si Leslie, nagbayad na siya ng hospital bills. Sila Ashley at Eula naman inaayos na yung gamit ko.


"Nasa baba na daw sila." nagtext na pala sila Simon, si Ashley na muna yung humahawak nung cellphone na pinahiram nung kuya niya. Balak ko na ngang bumili ng akin sa susunod na buwan.


Sumama na kami at bumaba sa parking lot. "Jasper?" nakita ko siyang papasok ng elevetor. Pupuntahan niya ba ako?

"Kyla? Nadis-charge kana pala?" tumango lang ako. Obvious naman yun diba?



"Gusto nyo bang ihatid ko kayo pauwi?" alok niya. "Hindi na,susunduin naman kami nila Ryan." sambit ko.



"Ganun ba? Tawagan mo nalang ako kapag may kailangan ka." inabot niya sa akin yung calling card niya. Ginulo niya yung buhok ko bago umalis. Himala, hindi niya man lang kami pinilit na sumabay sa kanya? Inaasahan niya ba na tatawagan ko siya?



Nakatingin ako sa pinto na nilabasan niya. Bakit feeling ko nag-iiba na si Jasper sa akin? "Ate!" napakurap ako nung narinig ko yung boses ni Ryan.



Lumapit sila sa amin,Kasama niya si Simon."Kaya mo na ba? Pwede ka pa namang magtagal dito kaya naman naming-" tinakpan ko yung bibig niya. Ang daldal ng ilong-este ng bunganga nito.



"Wag ka na ngang dumaldal jan, kaya ko na. Tara na, gusto ko ng umuwi." natawa yung iba dahil sa ginawa ko. Hinila ko na sila papunta sa parking lot, naghihintay na daw dun sila Brent.



"Ate, sorry ha hindi ako nakakapunta sa ospital. Busy kase sa practice eh, malapit na din ang finals." sambit niya saka ngumuso. Ang cute niya talaga, syempre mana siya sa ate niya. Hindi ako umimik at tinignan lang siya.




"Ate, sorry na." ayun, niyakap na niya ako. Naglalambing nanaman ang bro ko, nakakamiss tuloy siyang kasama.



"Okay lang,naiintindihan ko naman na uunahin mo yung priority mo at yung paghahanda mo para sa future mo." niyakap ko siya pabalik. Ganito talaga kami.



"Kasama ka sa future ko, kaya kung ano man yung pinaghahandaan ko ngayon. Gusto kong nasa likod lang kita at sinusoprtahan ako." humiwalay siya sa yakap at tinignan ako.



Ngumiti ako at ginulo yung buhok niya."Oo naman,nandito lang ako sa likod mo habang inaabot mo yung pangarap mo." naaalala ko pa nung panahon na nagkukwentuhan kami tungkol sa gusto namin maging pagkatapos naming mag-aral. Naalala ko na gusto ni Ryan na mapasama sa grupo na mag-iikot buong mundo at ikakalat yung music nila. Alam ko na yung green ashes yung kasama niya sa pagtupad nung pangarap niya.




"Ang sweet nyo naman jan, baka langgamin kayong magkapatid." singit ni Simon. Nasa gilid lang namin siya katabi si Ashely. Nasa likod sila Eula,Harley,Leslie,Joseff at yung iba. Si Andrew yung katabi ni Brent na nagdadrive.



"Pake mo ba hyung, bakit selos ka?" tanong ni Ryan. Ibang klase din to pagdating sa mga kaibigan niya.



"Tumigil ka nga jan ilong!" sambit ni Harley saka pasimpleng binatukan si Ryan. Nakita ko namang hinampas naman siya ni Eula.


My Everything (BTSxAPINKxGOT7) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon