Chapter 1: Kyla,Audrey & Eula
Kyla
"Sa tingin ko wala na atang tatanggap sa atin." sabi ni Ashley saka ngumuso.
Napatingin naman kaming lima sa kanya.
"Wag ka ngang nega jan Ash!" sabi naman ni Abi at hinampas ng mahina si Ashley.
"Oo nga Ash, may mahahanap tayo. Tiwala lang." sabi ni Eula. Ngumiti nalang si Ashley.
"Ayun oh! Naghire ata sila ng mga students!" turo ni Leslie sa isang coffee shop.
Ako si Kyla Yoon, kasalukuyang nasa Grade 11 sa isang school para sa mayayaman, kahit na mahirap lang nakapasok pa din kami dun dahil sa kumuha kami ng scholarship.
Maaraming mawala ang scholarship na yun kaya kailangan namin maghanap ng trabaho para makapagtapos ng pag-aaral.
"Tara puntahan na natin!" excited na sabi ni Audrey at tumakbo na kami papasok sa coffee shop.
"Sabi ko sa inyo eh! Matatanggap tayo!" masayang sabi ni Abigail.
Oo, natanggap kami sa coffee shop na inaaplyan namin kanina lang.
"Congrats sa atin!" sabi ni Eula sabay group hug namin.
--
Audrey
Nakakatawang isipin na sa ganda kong 'to magtatatrabaho ako sa isang coffee shop kasama ang mga kaibigan ko.
Ako si Audrey Son, nag-iisang anak lang ako pero hindi nila ako gustong pag-aralin. Sa ganda kong to? Hay bahala na nga.
"Sana maging mabait ang customers natin no?" sabi ko.
Ilang oras nalang magbubukas na ang coffee shop kaya naghahanda na ang mga staff and crew.
"Open na tayo!" announce ng manager namin.
Ngayon ang grand opening ng GotPink Cafe kaya dagsa ang mga tao.
"Whoo! Nakakapagod yun ha!" pinunasan ni Kyla ang pawis niya sa noo saka umupo sa upuan na nasa gilid niya.
"Hay! Sinabi mo pa." sambit ni Abigail.
Napatayo kaming anim pumasok bigla ang manager namin sa loob ng staff room.
"May kailangan po ba kayo manager?" tanong ni Leslie.
"Wala naman, mag-ayos na kayo ng gamit nyo at magsi-uwi na kayo." masungit na sabi niya saka lumabas.
"Ang babait nga ng customers,ang sungit naman ng manager." bulong ni Eula. Tumango nalang ako sa kanya.
"Girls, mag-ayos na tayo ng gamit para maka-uwi na tayo~" sambit ni Leslie. Tumango nalang kami at nag-ayos na.
-
Eula
"Oh Eula nanjan ka na pala?" tanong ni Harley.
Hindi ko siya pinansin at pumasok sa loob ng gate. "Hindi picture lang to." bulong ko sa sarili ko.
Nabigla nalang ako nang marinig ko siyang tumatawa sa gilid ko.
"Anong nakakatawa Harley Jung?" tanong ko.
"Aray!" hinampas ko ang kamay niya, nakakainis! Pinisil pa yung pisngi ko.
"Smile ka nga, para gumanda ka!" sambit niya.
"Kahit hindi nakangiti, maganda pa din ako." mayabang na sabi ko saka pumasok sa kwarto ko at inilapag ang bag ko.
"Saan ka nanaman ba nanggaling ha? Kagabi ka pa hindi umuuwi." sigaw ni mama galing sa labas ng kwarto ko.
Ayan nanama sila, Away dito away doon.
Minsan mas gugustuhin ko nalang na kasama ang mga kaibigan ko para mailabas ang pagging masayahin na side ko.
Ako si Eula Jung, may isa akong kapatid na lalake. At ang mga magulang ko laging nag-aaway. Hindi lilipas ang isang araw na hindi sila magbabangayan. Ang sakit sa ulo sa tuwing nag-aaway sila. Yung tipong gusto kong pasakan ng malaking headphone ang tenga ko at ilagay yun sa full volume.
"Kain na daw tayo, Eula." sumilip si Harley sa pinto ng kwarto ko.
"Susunod ako." sambit ko.
Nagpalit ako ng damit pangbahay at sumama na sa pagkain nila.
"Saan ka nanaman nanggaling bata ka?" yun agad ang bungad sa akin ni mama pagka-upo ko.
"Naghanap ako ng trabaho,ma." nakayukong sabi ko.
"Mabuti naman kung ganun, pag-aralin mo na ang sarili mo. Idamay mo din itong kapatid mo." turo ni papa kay Harley.
Wala akong ibang ginawa kundi tumango nalang. Ayokong masaktan physically kaya pumapayag nalang ako sa gusto nila.
"Tapos na po ako, pupunta na ako sa kwarto ko." nilagay ko na sa lababo ang pinagkainan ko.
Mamaya ko nalang siguro huhugasan ang mga plato, kapag tulog na silang lahat at wala ng mang-iistorbo sa akin.
"Ate? totoo bang may trabaho kana?" ngumit ako kay Harley. Pumasok siya sa kwarto ko at umupo sa tabi ko.
"Oo, kasama ko sila Kyla." tumango naman siya.
"Goodluck ate! Wag mo nalang intindihin sila mama ha? Basta mag-aaral ako ng mabuti para gumanda ang buhay natin." huminga siya ng malalim.
Alam ko naman na pati ang kapatid ko nahihirapan na din sa sitwasyon namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/62283483-288-k396114.jpg)
BINABASA MO ANG
My Everything (BTSxAPINKxGOT7) [Completed]
RomanceWhat if pagplanuhan ng pitong lalake na guluhin ang pag-aaral ng anim na babae na kaagaw nila sa ranking? Magiging panalo kaya sila sa larong sinimulan nila? O pare-pareho silang magiging talo dahil hindi nila napigilan ang sarili nilang mahalin din...