Chapter 15: Moonlight
Track 15: MoonlightThirdy
"Ang saya din palang magkakasama tayo no? Walang stress." natawa kami sa sinabi ni Jasper. Kelan ba siya simulang naging stress?
"Ang dami mong alam Jasper." Singit ni Justin.
"Atleast hindi Bhuwakul ang apilido." pang-aasar ni Jasper.
Nakakatawa 'tong dalawang kahit kailan.
Habang nagkakasayahan sila, nagligo muna ako dahil 6 pm na pala. Kailangan kong sunduin si Kyla sa dorm nila ng 7 pm, dapat hindi ako malate dun.
"Ang gwapo mo ngayon Thirdy ah,saan lakad?" tanong ni Kurt.
"Oh! Ngayon na ba yung date nyo?" sasagot palang ako, bigla ng umepal si Jasper.
"Oo." sagot ko.
"Date pala ang punta nito eh, Kami bukas pa eh." singit ni Kenzo.
Sabay-sabay kaming napatingin sa kanya.
"Baka naman seryosohan na yan ha? Paalala lang." sambit ko.
Bahala na sila kung gawin man nilang laro ang ginagawa namin.
Ang mahalaga, sa amin na pupunta ang benefits nito.
Bigla nalang tumahimik, may dumaan atang anghel."Aalis na ako." sambit ko saka kinuha ko na ang susi ng kotse ko at lumabas ng dorm namin.
Sumakay ako ng elevator pababa ng 6th floor.
Saktong pagbukas ng elevator,may nakita akong lalake na nag-iwan ng box sa tapat ng dorm ng pinkies. Nang mapansin niya ako ay umalis siya agad.
Nilapitan ko yung box para i-check yung laman.
May laman na sulat at ulo ng patay na pusa. Sinong nagpapadala nito?
Pinkies,
Simula palang 'to, asahan nyo na marami pa kayong matatanggap mula sa amin.
- RP
RP?
Bago pa man nila makita 'to, ay itinapon ko na sa basurahan.
"Kyla?" kumatok ako sa pinto at tinawag siya.
Ilang segundo lang lumabas na siya kaya bumaba na kami at pumunta sa pupuntahan namin.
"Anong gagawin natin dito?" tanong ni Kyla. Ngumiti ako at ikinawit ang braso niya sa braso ko.
"May ipapakilala lang ako sayo." ngumiti ako.
Pumasok kami sa loob ng restau, nandun na siya.
"Here you go. Buti dumating kana." she stand and give me a kiss on my cheeck. Ang sweet talaga niya kahit kelan.
"Noona, meet Kyla.." pagpapakilala ko.
Ngumiti si Ate Darylle at tinignan si Kyla na nasa gilid ko.
"Hi eonnie, I'm Kyla Yoon." ngumiti si Kyla kay Ate Darylle at inalok ang kamay nito para makipagshake hands.
Nakita kong umirap si ate Darylle. Hindi ba niya gusto si Kyla?
"I'm Darylle Park, Thirdy's sister.Nice to meet you Kyla!" nung una mukha pa siyang mataray pero ngumiti din siya at nakipagbeso kay Kyla.
Ang galing umarte ni Ate, akala ko ayaw niya kay Kyla.
"Let's have a seat." aya ni Ate.
Pinaghila ko ng upuan si Kyla bago ako umupo. "Thank you." I nodded.
Umorder na kami ng pagkain, habang naghihintay kami nagkukwentuhan si Ate at Kyla.
Hindi ko maiwasang mapangiti kapag nakikita siyang nakangiti. Ano bang epekto to? Bumilis ang heart beat ko nang tumingin siya sa gawi ko.
Tumango ako sa kanya at ngumiti.Hindi pwede to, hindi pwedeng si Kyla ang magpalambot ng bato kong puso.
Kyla
Ang bait ni Ate Darylle, at ang ganda pa. Model pala siya ng isang clothing line kaya pala maganda ang katawan niya kahit halos 8 years ang tanda niya kay Thirdy.
"Mukhang nag-enjoy ka ha?" ngumiti siya. Napatungo nalang ako. Umiinit yung pisngi ko sa tuwing ngingiti si Thirdy ng katulad niyan.
"Mabait naman pala ang Ate mo. Salamat dahil pinakilala mo ako sa kanya." huminto kami sa paglalakad at humarap siya sa akin.
"Syempre, dapat makilala ng ate ko ang babaeng mahal ko." sambit niya,halos lahat na ata ng dugo sa katawan ko ay napunta sa pisngi ko.
Napayuko nalang ako."Salamat ulit Thirdy." sambit ko.
He cupped my face and level it to his face. Ilang inches nalang ang layo namin sa isa't-isa, Papatayin niya ba ako sa kilig?
Unti-unti siyang lumapit kaya napapikit nalang ako. Napangiti ako ng maramdaman ko ang labi niya sa noo ko.
"I should be thankful to have you. I love you,Kyla." sambit niya. "I love you too,Thirdy." ngumiti siya at mabilis akong hinalikan sa labi.
It was a pecked pero naramdaman ko agad ang kuryenteng dumaloy sa katawan ko. No doubt, mahal ko na nga siya.

BINABASA MO ANG
My Everything (BTSxAPINKxGOT7) [Completed]
RomanceWhat if pagplanuhan ng pitong lalake na guluhin ang pag-aaral ng anim na babae na kaagaw nila sa ranking? Magiging panalo kaya sila sa larong sinimulan nila? O pare-pareho silang magiging talo dahil hindi nila napigilan ang sarili nilang mahalin din...