Chapter 49: Home Run
Track 49: Home RunKyla
Kinagabihan, nakangiti akong pumasok sa kwarto ko. Naalala ko nanaman yung nangyari kanina, ito na siguro yung pinakamasayang birthday party na ginawa para sa akin.
Nakakainis nga eh, akala ko walang naka-alala. Yung pala lahat sila ang nagplano na dito ganapin yung party, yung akala kong business meeting ni papa dito birthday party ko pala.
Naglinis muna ako ng sarili ko bago ako nahiga sa kama ko. Mabuti nalang binigyan nila ako ng sariling kwarto dito, ang dami ba namang binigay na regalo tapos lahat sila palakihan ng binigay. Kulang nalang pati appliances sa bahay ibigay nila eh.
Pero kahit na ganun, ang swerte ko pa din diba? Kase nakilala ko silang lahat.
After 30 minutes natulog na ako. Tama na ang pag-iisip, napagod ako kanina eh.
“Kyla! Gising na.”
“Uy! Gusto mo bang maiwan diyan?”
“Aalis na kami, kasama sila Tito at Tita.. babalik na tayo.”
“Tara na nga, mukha ayaw niya pa atang umuwi. Iwan nalang natin dito.”
Alam nyo na kung sino ang mga tresspaser sa kwarto ko? Alam ko naman na bukas pa ang uwi namin kaya okay lang kahit hindi ako bumangon agad.
Biglang tumahik yung paligid kaya tahimik akong umupo sa kama ko. Pagtingin ko sa gilid nandun sila tapos may hawak na cellphone. Problema ng mga 'to?
Maya-maya, sabay-sabay silang tumawa. Mga baliw lang?
“You should see your face. Ang ganda mo dito Ky, gagawin kong wallpaper.” pinakita sa akin ni Ashley yung picture ko sa cellphone niya, nakita ko yung sarili ko.. yung itsura ko kanina. Ang laki ng mata ko dun sa picture, yung itsura ko na nagulat.
Wow. Ang ganda ko pa sa itsurang yun ha? Ibang klase talaga 'tong kaibigan ko.
“Akin na yan Ashley Oh! Ibigay mo sa akin yan!” naghabulan kaming dalawa ni Ashley sa loob ng kwarto ko. Dahil mahaba ang binti niya, ayun hindi ko nahabol hanggang sa nakalabas siya ng kwarto. Susundan ko sana kaya lang nakita ko yung suot ko. Baka may makakita pang lalake sa akin, nakakahiya. Siyempre ikaw ba naman makita na naka sando lang tapos ang ikli ng shorts diba? Mahirap na.
“Ako ng magpapadelete kay Ash. Maligo ka muna,Ky.” sambit ni Leslie,ayun tumigil na sila sa pagtawa.
Tinignan ko sila isa-isa, mga nakapormahan beach talaga. Aba dapat hindi ako magpatalo no!
Kumuha ako ng two piece, shorts at see-through sa maleta ko at dinala ko sa bathroom. Naligo muna ako bago ko isuot yun, syempre para mukhang fresh diba?
“Wow naman, hindi talaga magpapatalo 'to.” natatawang sabi ni Eula. Nagflip hair ako tapos kumuha ng tsinelas, nakabun na yung buhok ko tapos niyaya ko silang lumabas na.
“Sure akong puti na ang mata ng mga taong naghihintay sayo sa dinning.” sambit ni Abigail. Puti na ang mata? OA naman nun.
“Oo nga, oh nandito na pala tayo.” pagkatapos ng mahabang lakaran nakarating kami.
Mali sila, hindi pa naman puti ang mata nila. Mamumuti palang, joke lang.
“Andiyan na pala ang princesa natin.” sabi ni papa. Nginitian ko sila tapos binati ng good morning sila mama at papa, pati na din si Ryan .. baka magtampo eh.
Ayun, umupo kami sa lamesa. Sabay-sabay na kumain ng breakfast, mukhang magiging masaya ang stay namin dito. Kumpleto kami eh, sure akong hindi na ito mangyayari kapag naging idol na kami.
“Maya-maya na kayo magswimming, maglibot muna kayo.” sabi ni papa. Tumango kami, oo nga naman kakain lang tapos swimming agad?
“Bakit wala akong 'goodmorning' kanina?” muntik na ako mapasigaw nung may humili sa kamay ko. Si Thirdy lang pala.
“Ahehehe.. nahihiya ako sa kanila eh.” nagpout siya. Ibig sabihin nun nagtatampo siya.
Tinignan ko muna yung mga kasama namin, mukhang busy naman sila.“Aw, sorry Third.” kiniss ko siya sa pisngi kaya ngumiti siya. Yan lang naman katapat niyan eh, hahaha.
“Pasalamat ka, cute ka.” sabi niya. Natawa naman ako. “Edi thank you.” pabirong sabi ko.
Ginulo niya yung buhok ko tapos sumunod na kami sa iba.
May nadaanan kaming souvinier shop kaya pumasok muna kami at namili. Nakita ko si Thirdy na namimili sa stalls ng mga couple bracelet na gawa sa shell. Ang gaganda ng design.
“Para sa'yo.” kinuha ni Thirdy yung kanang braso ko tapos sinuot niya yung bracelet na katulad nung suot niya.
Ngumiti ako at nagpasalamat, Iba talaga siya.. napakasweet.
Maya-maya lumapit sa akin yung lima tapos binigay sa akin yung singsing na gawa sa shell. Sabay-sabay namin sinuot. Friendship ring daw namin. Nagpapicture kami tapos pinakita namin yung friendship ring, tawa nga ng tawa yung iba sa amin eh. Porket sila walang ganun, inggit lang sila!
Nung mga bandang hapon na nagpunta na kami sa mga swimming pool. Ang arte nung iba eh, ayaw sa dagat maligo.
“Bakit nandito ka?” naka-upo ako sa buhangin at nakatingin sa dagat. Ang ganda ng reflection dahil sunset na.
Nilingon ko siya tapos tumingin ulit ako sa dagat.“eh, kase gusto kong dito maligo! Ayaw naman nung iba.” nagpakachildish ako sa harap niya. Ayoko kaseng maging awkward ng atmosphere sa pagitan namin ni Jasper.
“Tara na, maligo na tayo.” hinila niya ako papunta sa dagat kaya napatayo nalang ako.
Katulad ng sinabi niya, naligo nga kami sa dagat. Kaming dalawa nga lang yung tao eh, mukhang mas gusto talaga nila sa pool.
Ay, bahala nga sila.
Nag-enjoy kaming dalawa ni Jasper, akalain mo yun siya pa yung biglang susulpot sa tabi ko at sasamahan ako maligo?
“Umahon na kayo, kakain na tayo.” sambit ni Thirdy. Inaya ko si Jasper tapos lumapit ako kay Thirdy.
Nag'thank you' ako sa kanya nung nilagay niya sa balikat ko yung isang towel na dala niya. Yung isa naman binigay niya kay Jasper.
Naabutan namin sila na nagluluto ng dinner. Yung iba nagluluto ng barbeque, yung iba naghahanda ng lamesa tapos yung iba pumapapak at kain lang ng kain tapos meron ding nakatingin lang.. yung tipong tamad na tamad gumalaw. Kilala nyo na? Edi si Andrew. Pati ata pagkain tamad 'yan. Hahaha.
Maya-maya din natapos na sila kaya tinawag na ni Ryan si Mama, si papa kase naunang umuwi kaninang tanghali dahil may kailangan daw siyang asikasuhin sa kompanya.
Pinaghila ako ng upuan ni Thirdy, ngumiti ako sa kanya. Hindi lang siya sweet, gentleman din.
Natapos ang gabi namin ng magkakasama kami sa tabi ng dagat. May nagsindi ng bonfire tapos nakapabilog kami doon. Nagkayayaan na maglaro ng truth or dare, yung iba ayaw pero sa huli sumali din.
Tinakot ko eh, sinabi kong papauwiin ko na ngayon palang yung hindi sasali, kaya ayun.. walang nakatanggi.
——
I will update when this part reaches 10 reads! Vote juseyoo 😊😊
BINABASA MO ANG
My Everything (BTSxAPINKxGOT7) [Completed]
RomanceWhat if pagplanuhan ng pitong lalake na guluhin ang pag-aaral ng anim na babae na kaagaw nila sa ranking? Magiging panalo kaya sila sa larong sinimulan nila? O pare-pareho silang magiging talo dahil hindi nila napigilan ang sarili nilang mahalin din...