Chapter 39: Nice
Track 39: NiceAshley
Isang linggo na simula nung graduation. Isang linggo na din simula nung nag-umpisa kami magtraining.
“Ashley, umuwi ka ng maaga mamaya. May bisitang darating.” sambit ni mama. Tumango lang ako. nag-aayos na ako ng gamit para pumunta sa training.“Kuya, handa ka na ba?” pinuntahan ko si kuya sa kwarto niya, nadatnan ko siyang tulala.
May problema kaya siya? Isang linggo na siyang ganito.“Kuya? May problema ba?” tinabihan ko siya.
Ginulo niya yung buhok ko tapos ngumiti ng usual na ngiti niya, yung parectangle. “Wala Ash, may naisip lang ako.” ngumiti naman ako. For sure si Kyla yun.
“Sino si Kyla ba?” tanong ko. Bago mag-graduation hindi siya nagpakita kay Kyla.. pati din daw nung nagkita sila hindi niya kinausap si Kyla. Hindi kaya sumusuko na sa panliligaw ang kuya ko? Hindi yun pwede! Lalo na't lumalapit nanaman si Thirdy sa kanya ngayon.
Medyo nawala yung ngiti sa mukha niya. “Kuya, tapatin mo nga ako.. hindi mo na ba nililigawan si Kyla? Ayaw mo na ba sa kanya?” naglalakad na kami papunta ng entertainment, medyo maaga pa naman kaya pwede pang lakarin.
Hindi ko alam kung anong meron, pero nararamdaman ko na nag-iiba na si kuya.“Hindi sa ayoko na. Kailangan ko lang talagang gawin yun.” kumunot naman yung noo ko sa sinabi niya.
Anong ibig niyang sabihin dun?
“May hindi ka ba sinasabi sa akin?” natatanaw ko na yung entertainment, tumingin ako kay kuya sandali. Nagging expression less nanaman yung mukha niya.“Maiintindihan mo din ang mga ginagawa ko. Sabay tayo umuwi mamaya ha!” ginulo niya yung buhok ko bago siya tumakbo paalis.
Ang weird talaga ng kuya ko. Kailan ko kaya siya makaka-usap ng matino?
“Ashley!” nagbow ako sa taong nadatnan ko sa practice room. Nandito na silang lima, ako nalang pala ang kulang.
Nagsimula na kami ng training, natapos din yung training namin hanggang 7 pm.
Umuwi na din kami pagkatapos. Hindi na nga pala nagtatrabaho sa coffee shop. May binibigay naman na allowance, napagkakasya naman namin kaya hindi na kami nagtatrabaho. Sa totoo lang nakakapagod ang magtraining.. pero nakakaya naman. Kami din naman ang makikinabang kapag natapos namin 'to.
“Ashley, Simon... mabuti naman at dumating na kayo.” nadatnan namin si mama na may dalang juice.
May nakita akong tao sa sala namin, apat sila.. dalawang babae at dalawang lalake. Mukha silang mayayaman sa pananamit palang nila.
Nagbihis muna kami bago kami humarap sa bisita. Pina-upo kami ni kuya sa upuan katapat ng mga bisita niya. Teka, kilala ko 'tong bisita ni mama.
Nandito si Sky Choi, pati si Tanila ng red petals.
Bakit sila nandito? Kilala nila si mama?
“Ashley, Simon. Gusto kong sabihin ito ng maaga. Umutang ako ng malaking halaga sa pamilya ng mga Choi. Hindi ko na kayang bayaran yung utang ko kaya napagdesisyunan kong ipapakasal ko si Ashley kay Sky.” napanganga ako sa narinig ko. Tama ba yung narinig ko? Ako ipapakasal kay Sky para ipambayad sa utang?
BINABASA MO ANG
My Everything (BTSxAPINKxGOT7) [Completed]
RomanceWhat if pagplanuhan ng pitong lalake na guluhin ang pag-aaral ng anim na babae na kaagaw nila sa ranking? Magiging panalo kaya sila sa larong sinimulan nila? O pare-pareho silang magiging talo dahil hindi nila napigilan ang sarili nilang mahalin din...