Chapter 18: Attracted
Track 18: AttractedThirdy
Nakasay kami sa kotse ko pabalik sa dorm. Pumunta kami sa bahay nila Kurt para dalawin si Sam, pinakilala niya din sa amin yung mga kaibigan niya.
“Thirdy, diba si Kyla yun?” tinuro ni Patrick yung babaeng nakatalikod na yakap ng isang lalake. Teka, si Simon yun ha?
“Si Kyla ba yan? Saka sino yung kasama niya? Si Simon ba yun?” tanong ni Kenzo. Hininto ko sandali sa yung kotse ko para tignan yung tinuro nila. Impossibleng si Kyla yun, magkakilala ba sila ni Simon?
Humiwalay na sila sa yakapan saka naglakad, nilagay ni Simon ang braso niya sa balikat ni Kyla at inilapit sa kanya. Anong ginagawa niya?
“Mukhang may naloloko ha?.” sabi ni Yancy.
Naloloko? Hindi mangyayari yun.
Napayukom ako ng palad. Ano ba tong nararamdaman ko?
Naglalakad na sila pabalik sa dorm nila Kyla kaya pinaandar ko na ang kotse ko.
Nakarating kami sa parking lot, naabutan namin sila sa lobby.
“Thirdy?” tawag ni Kyla.
Pinilit kong ngumiti at hindi ipakita ang inis ko. Nagkatinginan kami ni Simon, iba ang tingin niya pagdating sa akin. Anong ibig sabihin nun?
Sumakay kami sa elevator at hawak ko ang kamay ni Kyla.“Saan kayo galing?” tanong niya.
“Sa bahay nila Kurt.” sagot ni Jasper. Tumango lang si Kyla.
Nakarating kami sa 6th floor, ngumiti si Kyla sa akin at binawi ang kamay niya.
“Dito na kami.Bye!” lumabas sila ng elevator ni Simon. Magkatabi lang ba ang dorm nila? Bakit ngayon ko lang siya ulit nakita?
“Bye Kyla.” kumaway si Jasper bago sumara ang pinto.
“Magkaibigan siguro sila ni Simon.” sambit ni Kenzo.
Nakarating kami sa 7th floor kaya lumabas na kami at pumasok sa dorm.
“Thirdy, okay ka lang?” tanong ni Kurt.
Hindi ko alam ang dapat kong isagot. Okay nga lang ba ako?
Huminga ako ng malalim.“Okay lang ako,ano bang pake'lam ko sa kanila?” sinubukan kong magsalita ng natural sa harap nila. Ayokong isipin na may gusto na ako kay Kyla, sa lahat ng makakalimot ng laging paalala ko na 'wag silang seryosohin' ako pa pala ang gagawa?
Kyla
Napansin ko na iba ang tinginan ni Thirdy at Simon, may galit ba sila sa isa't-isa? “Kilala mo ba si Thirdy? Yung kanina.” tanong ko.
Tumango siya.“Schoolmate natin sila diba? Kilala din ang grupo nila.” napa'ah' nalang ako. Oo nga, sila ang pinakasikat na grupo sa school.
Bago kami pumasok sa loob ng dorm may nakita akong box sa tapat ng pinto.
Kinuha ko yun at tinignan kung kanino galing.
To : Pinkies
From : RPRP? Sinong RP naman ito?
“Kanino galing yan?” tanong ni Simon sa likod ko.
Umiling ako.“Hindi ko kilala.” sambit ko.
Binuksan ko yung box at tumambad sa akin ang isang damit na puno ng dugo. Teka, damit ko to ah? Ito yung hinahanap ko sa closet nung isang araw pero hindi ko makita.
Nabitawan ko nalang yung box. Ayoko ng dugo! Nahihilo ako sa tuwing nakaka-amoy ay nakakakita ako ng dugo.
Napaupo nalang ako at umiyak. “Kyla? Anong problema?” tanong ni Simon.
Nakita niya yung box,nagulat din siguro siya.
Itinayo niya ako, iyak pa din ako ng iyak.“Kyla.. tumingin ka sa akin.” pinilit niya akong tumingin dahil nakayuko lang ako. Natatakot padin ako sa dugo.
Rinig pa din ang paghikbi ko kaya pumunta muna kami sa rooftop at nagpalamig.
Binigyan niya ako ng tubig para kumalma ako. Hindi ko alam na tototoohanin ng Red petals ang banta nila sa amin.
Hindi ko kinuwento kay Simon ang tungkol sa pagbabanta,yung muntik ng humagip na kotse sa akin kanina at tungkol sa box.Hindi kaya iisa lang ang may gawa nun?
“Ang tagal nyo ata?” tanong nila pagbalik namin ng dorm. Malapit na atang matapos yung movie.
“Nagdate pa kami eh.” biro ni Simon. Pinaki-usapan ko na siyang wag sabihin sa kanila yung nangyari kanina.
“Salamat sa pagtanggap, Aalis na kami.” paalam ni Brent.Sa wakas, natapos na din yung movie,gusto pa nga nilang maglagay ng bagong CD pero pinigilan na namin dahil may pasok pa bukas sa school at sa cafe.
“Salamat Simon.” sambit ko. Ngumiti lang siya. Ibang klaseng bata.
“Bye ate, mamimiss kita.” sabi ni Ryan at niyakap ako. Ma-touch na sana ako eh, naalala kong sa 7th floor lang ang dorm nila at sobrang lapit nun dito sa dorm namin. Pinisil ko ang ilong niya saka ginulo ang buhok niya.“Pumunta ka dito pag gusto mo.” sambit ko. Ngumiti naman siya ng abot langit,OA naman niya matuwa.
Umalis na sila kaya naglinis muna kami sandali.Pagkatapos ay nagshower na ako at nagpahinga.
Medyo nabawasan yung nararamdaman ko dahil sa may kasama ako kanina. Paano kaya kung ako lang ang mag-isang nakakita nung box? Baka nahimatay na ako dun, salamat kay Simon dahil nandun siya.
Pero hindi ko pa din maiwasan na kabahan. “Kyla?” katok ni Ash.
“Pasok, bakit Ash?” tanong ko. Ngumiti lang siya. “Okay ka lang ba? Ky, sinabi sa akin ni kuya yung nangyari.” sambit niya. Akala ko ba sa aming dalawa nalang yun? Bakit sinabi niya pa kay Ashley?
“Wag kang maglit kay kuya, Ky may sasabihin ako.” yumuko siya at huminga ng malalim.
“Nakausap ko din yung taong gustong manakit sa atin, alam ko lahat Ky.” sambit niya. Alam niya? Nakausap niya din yung taong tumawag sa akin sa cafe?
“Anong gagawin natin? dapat na nating sabihin kila Leslie 'to.” napatingin ako sa kanya. Dapat na nga ba naming sabihin sa kanila?
“Sige Ash, sabihin na natin sa kanila.” para din ito sa ikabubuti naming lahat, kailangan naming gumawa ng desisyon hangga't maaga pa.
At habang wala pang nasasaktan.
———
@MissUniqueBlue's note : Hello to all readers! Guys, I need your answer. Masyado bang mabagal,masyadong mabilis o sakto lang yung takbo ng kwento? I need you feedbacks! :) Feel free to talk to me,I'm friendly.. hindi ko i-seseen ang messages nyo, ang hirap kaya umasa. Ay anong konek? HAHAHA! I will wait for your feedbacks! I need 5 votes to post the next track! :) Kamsahae~ Thankyou~Salamat sa mga nagbabasa,also silent readers magparamdam naman kayo :(
![](https://img.wattpad.com/cover/62283483-288-k396114.jpg)
BINABASA MO ANG
My Everything (BTSxAPINKxGOT7) [Completed]
RomanceWhat if pagplanuhan ng pitong lalake na guluhin ang pag-aaral ng anim na babae na kaagaw nila sa ranking? Magiging panalo kaya sila sa larong sinimulan nila? O pare-pareho silang magiging talo dahil hindi nila napigilan ang sarili nilang mahalin din...