Chapter 12: Mr. Chu

98 2 0
                                    

Chapter 12: Mr Chu
Track 12: Mr. Chu


Kyla

Mag-isa akong naglakad papasok sa loob ng school, dumaan muna ako sa staff room para kunin yung panglinis na gagamitin ko.

Halos dalawang buwan ko ng routine to, Anim kami na nagpa-palit para maglinis ng gym tuwing umaga. Kasama daw 'to sa scholarship kaya wala kaming ibang magawa kundi sumunod nalang.

Pero sa tingin ko may tao lang na may galit sa amin kaya nila pinagawa ito, matagal na ding nabalita sa buong campus ang pakikipagdate namin sa member ng white blues.




Nakarating ako sa loob ng gym dala ang map at timba na gagamitin ko, may narinig akong ingay. May naglalaro agad? Maaga pa ah.



Nakita ko yung pitong mayayabang I mean yung white blues sila lang pala. Naglalaro lang sila,napansin ng mata ko ang lalake na yun. Magaling din pala siyang magbasketball? Hindi niya napansin na nakatitig ako sa kanya. Mas okay na yan Kyla, tignan mo nalang siya ng palihim.

"Kyla! Ilag!" pagkatapos kong marinig ang boses na yun ay bigla nalang akong natamaan ng bola sa ulo kaya natumba ako.

Lumapit naman sila agad sa akin."Kyla, okay ka lang ba?" tanong ni Justin.Hinawakan ko ang ulo ko at tumango.

Sila Jasper na ang gumawa ng trabaho na dapat ako ang gagawa. "Hoy Kenzo, sino bang may sabing ipagawa nyo to sa kanila?" reklamo ni Jasper habang nagmamap sa loob ng gym. Nakatingin lang ako sa kanya dahil hindi niya ako pinayagang tumayo,sumakit nga ang ulo ko eh hindi maganda yung bagsak ko kanina.

"Kyla! Okay ka lang ba?" sigaw ni Eula papalapit sa akin. Mabuti nalang at yung pitong mayayabang I mean yung white blues lang yung nandito, kundi pinagtitinginan na siguro siya ngayon.

"Okay lang ako Eula, wag ka ngang maingay." saway ko.

"Okay ka na? Tinawagan kami ni Kenzo para papuntahin dito." ngumiti nalang ako. Ang dami na talagang nagbago.Nung una hindi magkasundo si Leslie at Kenzo,ngayon isa nadin sila sa nagdadate.

"Magpahinga kana,Kyla." sabi ni Jasper.

"Salamat ah, okay na ako. Hindi na masakit ang ulo ko." ngumiti ako sa kanya para hindi siya mag-alala,saka ako kumaway habang papalayo ang kotse niya.

Huminga ako ng malalim, dahil sa nangyari kanina hindi na kami pumasok sa klase naguguilty nga ako kase ang dami nilang nadamay na hindi pumasok para mabantayan ako.

Tinaggal ko ang bandage na nasa ulo ko, nilagay yun ng nurse kanina pero dahil okay naman na ako tinaggal ko na yun ako namang mag-alala pa si mama sa akin.

Nakawak palang ako gate ay bigla akong nahilo, nanghina ang tuhod ko kaya napaupo ako. Ano ba 'tong nangyayari sa akin?

Pinikit ko ang mata ko. "Inhale.. exhale.." ginawa ko yun ng limang beses saka tumayo ulit pero hindi ko pa din kaya.. nakabitaw ako ng hawak sa gate kaya anytime babagsak na ang katawan ko sa lupa pero may naramdamn akong may sumalo sa akin.

"Nahihilo ka pa din ba? Akala ko okay kana?" masungit na sabi niya. Teka, boses niya yun ah?

Dinilat ko ang mata ko at nakita ko ang mukha niya. Sobrang lapit.. pakiramdam ko lalabas na yung puso ko dahil sa sobrang pagkabog nito.

"Anong ginagawa mo dito Thirdy?" tumayo ako ng diretso at humawak ulit sa gate.

Nilingon ko siya, nakatingin lang siya sa akin."Wag ka ng magpanggap na okay ka, kahit ang totoo hindi naman talaga." natigilan ako sa sinabi niya. Ano bang ibig sabihin niya dun?

My Everything (BTSxAPINKxGOT7) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon