Chapter 5: Girls Girls Girls
Track 5: Girls Girls GirlsKyla
"Kyla, gising na uy! Malalate na tayo." rinig kong boses ni Ashley habang tintapik ang pisngi ko.
"Argh! Mamaya na Ash, antok pa ako eh." sabi ko saka nagtalakbong ng kumot sa mukha ko.
Nakakainis kase si Ryan eh, nangungulit dito sa kwarto kagabi.
Walang lock yung pinto ng kwarto ko kaya pwedeng may manggulo kahit anong oras.
"Kyla! Bumangon kana!" nako. Nanjan na isa sa maingay na kaibigan ko.
"Huy! Gising na! Gusto mo bang malate tayo sa first day?" inalog-alog niya ako kaya nawala na ang antok ko kaya bumangon ako.
"Oo na, ito na nga ako. Magsilayas na muna kayo. Tsupi!" niligpit ko muna ang pinaghigaan ko. Mabait naman silang lima eh. Naiintindihan niya na ayoko talaga nagpapaistorbo sa pagtulog.
"Kyla! Bilisan mo!" sigaw ni Leslie galing sa labas ng kwarto ko.
Tinignan ko muna ang sarili ko, satisfied na ako! Konting suklay at pulbo lang okay na!
"Kyla! ANO BA? AFTER 10 YEARS GIRL?!" sigaw ng isa pang maingay.
"Tara na, bago pa umusok ang mga tenga nyo jan." natawa nalang si Ashley tsaka sumunod na sa akin palabas.
"Dalian na natin Ky-"
Sabay kaming napatingin ni Ash sa likod namin. Nandun na yung apat at hinahabol kami.
Nagkatinginan kami, alam na ang ibig sabihin nun.
Hinawakan namin ang kamay ng isa't-isa tsaka mabilis na tumakbo.
Ang saya sa feeling tuwing kaming dalawa ni Ashley ang tumatakbo mula sa apat na yun.
Malapit lang ang school kaya nakarating kami agad.
Bakit ang daming tao?
"Bakit ang daming tao?" tanong ko.
"Hindi ka pa sanay na madaming tao sa labas ng school natin? Syempre nanjan na yung pitong mayayabang." natawa nalang ako.
Ang cute ni Ashley, ako maganda eh.
"Tara na Kyla! Anjan na sila oh!" turo niya kila Leslie na malapit nang makarating sa amin.
"Oo nga,tara." papasok na sana kami sa loob ng biglang may humawak sa braso ko kaya napatingin ako sa kanya.
May naramdaman akong kuryenta na dumaloy sa buong katawan ko nang makita ko ang kamay niya sa braso ko.
"Anong kailangan mo Jasper?" tanong ko. Nginitian niya ako at hinila kung saan, dahil sa dami ng tao ay nabitawan ko si Ashley.
"Ano ba?! Saan mo ba ako dadalhin?!"pinagtitinginan kami sa hallway dahil first time nilang makita na magkasama ang member ng White Blues at Pinkies.
"Dito tayo pupunta." pumasok kami sa loob ng room. Nandun na yung 4 sa mayayabang. Kulang ata ng dalawa? Yun siguro yung pinagkakaguluhan sa labas.
Pinaupo niya ako sa upuan na nasa may bintana. Umupo siya sa tabi ko.
Napansin ko na one seat apart sila. Anyare?
"Nasaan na ang mga kaklase natin?" ayokong magfeeling close pero gusto ko lang alamin kung nasaan sila.
"Hindi namin alam." sagot ni Justin at tinignan niya ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/62283483-288-k396114.jpg)
BINABASA MO ANG
My Everything (BTSxAPINKxGOT7) [Completed]
عاطفيةWhat if pagplanuhan ng pitong lalake na guluhin ang pag-aaral ng anim na babae na kaagaw nila sa ranking? Magiging panalo kaya sila sa larong sinimulan nila? O pare-pareho silang magiging talo dahil hindi nila napigilan ang sarili nilang mahalin din...