Chapter 38: Sunday Monday
Track 38: Sunday MondayKyla
1 months has passed. Natapos na yung presentation ng play namin at naka-aatend na kami ng graduation ball. Ngayong araw ang huling araw para sa practice namin para sa graduation.
“Uuwi ba kayo mamaya?” tanong ni Ashely. Binalak naming anim na umuwi muna sa sari-sarili naming bahay ngayong araw, para din kasama namin yung guardian namin papunta sa graduation ceremony bukas.
“Uuwi ako.” sambit ko. Ang pagkaka-alam ko sila Ryan umuwi na din muna sa sari-sarili nilang bahay, sa wakas makakasama ko na ulit si Ryan. Namimiss ko na yung ilong na yun.
Natapos na yung practice, dumiretso kami sa dorm para mag-impake. Hindi pa namin dinala lahat dahil babalik pa kami dito after graduation.
“Girls, ingat kayo ha. Text-text nalang.” naghiwahiwalay na kami paglabas namin sa village. Medyo malalayo yung bahay namin sa isa't-isa.
Hindi na din pala ako papasok sa coffee shop ngayong araw, gusto ko kaseng makasama si mama at si Ryan.
Habang nasa byahe ako,naisip ko yung inalok na training sa Cube Entertainment. Nakapasa na din naman ang pinkies sa audition kaya balak naming magsimula ng training pagkagraduate namin. Sana maging madali lang ang lahat,gusto kong bilihan sila mama ng bahay kapag naging idol na ako. Sa trabaho ko ngayon, hindi ko maibibigay yung gusto kong bahay para sa amin.
Pagkadating ko sa bahay,may nadatnan akong sasakyan sa labas.May bisita sila mama?
Iba yun sa sasakyan ng green ashes kaya hindi pwedeng sila yun. Para malaman ko, pumasok ako sa loob.
“Anak,nandito kana pala.” nadatnan ko si mama na kausap yung bisita niya, humarap sa akin yung lalake.
Siya yung C.E.O ng Cube Entertainment, anong ginagawa niya dito?
Lumapit ako kay mama at niyakap siya.“Namiss kita ma!” hinalikan ko siya sa pisngi bago ako humiwalay.
“Good evening po.” bati ko sa bisiti niya saka ako nagbow.
“Ma, punta lang ako sa kwarto.” paalam ko. Kinuha ko yung dala kong bag saka pumunta sa kwarto ko.
Waaah! Namiss ko dito. T.T
“Ate!” aba, nandito na nga talaga si Ryan. Inunahan pa ako sa pag-uwi.
Pumasok siya sa kwarto ko tapos niyakap ako. Minsan nalang pala kami magkita nito, nakakamiss talaga.
“Namiss kita ate, hindi ka nagpapakita sa akin.. laging kay Simon hyung lang.” nag-pout siya, pinisil ko lang yung ilong niya.
“Hindi ka naman sumasama kay Simon kapag tumatakas siya.” natatawang sabi ko. Speaking of Simon, halos isang linggo na siyang hindi nagpaparamdam sa akin. Ano kayang nangyari dun?
“Speaking of Simon, nasan ba siya? Hindi na niya ako pinupuntahan.” tanong ko kay Ryan. Hinila niya ako paupo sa kama ko. Tumabi siya sa akin tapos tinitigan ako.
“Nasaan ba siya?” tanong ko ulit. “Umuwi na din si hyung, pina-uwi ng step mother niya. Balak niya ngang sumama dito at dito muna magstay kaya lang tinawagan siya para pauwiin.” step-mom niya? Bakit naman kaya? Ano kayang dahilan?
BINABASA MO ANG
My Everything (BTSxAPINKxGOT7) [Completed]
Lãng mạnWhat if pagplanuhan ng pitong lalake na guluhin ang pag-aaral ng anim na babae na kaagaw nila sa ranking? Magiging panalo kaya sila sa larong sinimulan nila? O pare-pareho silang magiging talo dahil hindi nila napigilan ang sarili nilang mahalin din...