Chapter 28: Perfume
Track 28: PerfumeJayson Kim
"Alam mo bang ang interesting ng babaeng nakilala ko kahapon?" nasa gym kami para magpractice. May laban kase next week kaya kailangan paring paghandaan.
"Bakit? Teka, may nakilala ka din?" sabay-sabay na tanong nung tatlo.
Teka, nagkaroon din sila ng bagong kakilala? Bago yun ah.
"Balita ko, bago lang sila dito. Kakatransfer lang daw kahapon."
Sabi ni Sky, Sky Choi."Ang gaganda na nga eh." sabi ni Marcus,Marcus Chwe. Chickboy talaga.
"Saan mo naman nalaman 'yan,Marcus?" tanong ni Brian, Brian Jeon.
"Narinig ko lang sa tsimis, pero totoo nga bro! Ang gaganda nila. Kaklase ko yung isa eh... si Audrey Song? Audrey Son ata yun." mukhang inaalala talaga niya yung pangalan nung nakilala niya. Kaibigan kaya yun ni Kyla?
"Ah.. maganda din yung nakilala ko, si Eula Jung." Sabi ni Brian.
"Teka, bakit ba puro babae ang pinag-uusapan nyo?" tanong ni Sky. Nagsalita siya, siya nga yung unang nag-open ng topic na yun.
Napailing nalang kami. Ibang klase talaga si Leader.
"Tara na nga at magpractice." aya ni Marcus. Tumango kami at sumunod sa kanya sa gitna ng court.
Pagkatapos ng tatlong oras na practice na tapos na din kami. Ganun talaga paggwapo. Mabilis lang ang practice.
"Punta muna tayo sa coffee shop." aya ni Sky.
"Sige ba, basta libre mo ah!" sabi ko. Pumayag naman si Sky, siya ang nag-aya eh.
"Kami din leader!"
Hanggang sa makarating kami sa coffee shop. Nangungulit pa din yung dalawa kay leader.
GotPink Café
Ang weird talaga ng pangalan ng coffee shop na to. Pumasok na kami at nag-order ng maiinom.
"Maupo na kayo, ako na ang mag-oorder." jackpot! Libre kami ni leader ngayon. Aba, parang nasa mood siya ha?
"Good evening sir! Ano pong order nyo?" teka, parang pamilyar yung boses na yun? Nasa counter siya at nakatalikod kaya hindi ko makita yung mukha niya, malamang diba?
"Enjoy!" ngumiti siya at inabot kay Sky yung tray na may laman na coffee.
"Si Kyla ba yun?" tanong ko sa sarili ko.
Nagtatrabaho siya dito sa GotPink cafe? Unang beses ko magpunta ng gabi dito, kadalasan kase tuwing umaga ako dumadaan para magkape.
"Kyla? Saan?" naki-usyoso din si Marcus pati si Brian.
Pumunta na si Sky sa table namin dala yung order namin. "Ang bait mo ngayon leader ah." sambit ni Brian,saka uminom ng kape niya.
Napangiti naman ako ng pagmasdan ko siya. Ang ganda ng mga ngiti niya. Pwede bang sa akin mo nalang ibigay ang mga ngiting 'yan Kyla?
"Hoy! Jayson!" kumaway si Brian sa harap ng mukha ko. Ay putek, nagda-daydream ba ako?
"Bakit?" napakurap ako at tumingin sa kanila. Sila naman nakatingin din sa akin, sabay-sabay nilang nilingon yung babaeng tinititigan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/62283483-288-k396114.jpg)
BINABASA MO ANG
My Everything (BTSxAPINKxGOT7) [Completed]
RomanceWhat if pagplanuhan ng pitong lalake na guluhin ang pag-aaral ng anim na babae na kaagaw nila sa ranking? Magiging panalo kaya sila sa larong sinimulan nila? O pare-pareho silang magiging talo dahil hindi nila napigilan ang sarili nilang mahalin din...