Chapter 13: Mine
Track 13: Mine
Jasper
"Salamat Bro.." tumango nalang ako sa kanya saka ako tumayo at umalis.
Alam ko na ang balak ni Thirdy, hindi ko siya kayang pigilan. Wala na eh nangyari na, gagawin niyang advantage ang pagkukugusto sa kanya ni Kyla para mas mapadali ang balak ng grupo na pag-agaw ng ranking.
"Alam nyo, naguguilty na ako. Parang ayoko ng ituloy to." sambit ni Yancy.
"Oo nga eh, ang babait nila tapos ginagamit lang natin sila." sang-ayon ni Justin.
Ako din naman eh, gusto kong itigil na to. Ngayong mas nakilala ko na si Kyla, gusto ko ng totoohanin ang pagkakaibigan namin kahit yun lang magiging masaya na ako.
"Isipin nyo na kailangan natin sila, malapit naman na ang 1st quarter exam." sabi ni Kenzo.
Pagkatapos din ba nun matatapos na ang kalokohan na to?
"Pano kapag natapos na ang 1st quarter exam?" tanong ni Patrick.
"Katulad ng plano, maghahanap parin tayo ng paraan para mapalapit sa kanila. Hindi na magiging mahirap yun dahil kaibigan na ang turing nila sa atin." napailing nalang ako.
Bilib na ako sa utak ni Kenzo, ibang klase siyang manggamit.
"Hindi padin ba natin pwedeng seryosohin ang relasyon natin sa kanila?" tanong ni Kurt.
Ngumisi si Kenzo."Makipaglaro kayo hanggang gusto niyo." sambit niya. Tumayo na siya at lumabas ng tambayan.
"Bakit nag-iba na ata si Kenzo?" tanong ni Yancy.
"Hindi naman siya ganun dati diba? Anong nangyari?" tanong ni Patrick.
"Sang-ayon ba kayo na makikipaglaro lang tayo sa kanila? Ang babae inaalagaan at minamahal hindi ginagamit at niloloko." sambit ni Kurt. Naalala ko bigla si Kyla.
Sorry Kyla, wala akong ibang magawa para ilayo kase kaibigan ko.
Sana matanggap mo pa din ako kapag nalaman mong binalak lahat ito ng mga kaibigan ko.
Kyla
"Kyla, una na kami." naagpaalam na sila saka umalis. Ako nalang at si Brent ang naiwan para magsara ng cafe.
Si Brent yung kinuwento kong kapitbahay ko dati, Oo totoong kapitbahay ko siya at siya ang ginamit ko para hindi ko maamin na si Thirdy ang inuwi ko sa bahay nun.
"Kelan mo ba ako ise-seat up ng date kay Ashley?" nagmamaktol na tanong niya. May gusto yan kay Ash eh.
"May dinidate na si Ash kaya wag ka ng umasa." lalo siyang napasimangot.
"Porket may dinidate hindi na pwede?" tumango ako.
"Makipagkaibigan ka nalang sa kanya atleast dun mapapalapit kana, hindi ka pa masasaktan." sambit ko. Mukha namang gagawin niya yung sinabi ko.
Sabay kaming lumabas ng cafe. Nandun na si Thirdy sa labas at nakasandal sa kotse niya habang naghihintay.
"Mauna na ako Kyla, ingat ka." ngumiti ako. "Ikaw din." ginulo ko ang buhok niya saka lumapit kay Thirdy.
"Tara na?" aya niya.
Tumango ako. Pinagbuksan niya ako saka ako pumasok.
Gentleman pala siya? Ngayon ko lang kase siya nakasama. Hindi niya nga ako pinapansin noon.
Pinaandar niya at bumaba kami sa park na malapit sa apartment.
"Ahh.. Kyla,may sasabihin ako." tumingin ako sa kanya. Mukhang kinakabahan siya.
Nakinig lang ako sa kanya habang iniinom yung kape na binili namin kanina.
"Ano yun? Sabihin mo na?" sambit ko.
Huminga siya ng malalim,hinawakan ang kamay ko at tumingin ng diretso sa akin. "Kyla, gusto mo pa din ba ako? Kase ako gusto na kita." tumigil ang mundo ko sa narinig ko. Totoo ba 'to? May gusto na din siya sa akin?
"Seryoso ka?" tanong ko.
"Oo, seryoso ako.Bigyan mo ako ng chance na patunay yun sayo." sambit niya. Hawak pa din niya ang kamay ko.
Hindi pa din ako nagsalita. "Sorry sa pagreject ko sayo, magulo ang isip ko ng oras na yun." I gave him a half smile.
I accept his feelings, alam ko ang feeling na mareject kaya hindi ko yun ginawa sa kanya. I also agreed thay we will start dating.
Pagkatapos namin mag-usap umuwi na kami at hinatid niya ako sa room namin.
"Goodnight." nakangiting sabi niya.
Tumango ako."Goodnight din." sumakay na siya ng elevator. Pumasok ako loob at napasandal sa pinto.
Totoo ba talaga ang nangyari? Magdate na kami?
Napahawak ako sa dibdib ko. Sana lang makisama ang tadhana sa ating dalawa, Thirdy.
BINABASA MO ANG
My Everything (BTSxAPINKxGOT7) [Completed]
RomanceWhat if pagplanuhan ng pitong lalake na guluhin ang pag-aaral ng anim na babae na kaagaw nila sa ranking? Magiging panalo kaya sila sa larong sinimulan nila? O pare-pareho silang magiging talo dahil hindi nila napigilan ang sarili nilang mahalin din...