Chapter 16: Dejavu
Track 16: DejavuAshley
Maaga akong nagising dahil sa pag-alarm ng cellphone ko. Hindi ko alam kung pano yun patahimikin kaya nagising ako agad, binigay ni Yancy yung cellphone ko 2 days ago. Para daw may contact kami sa isa't-isa.
“Ang ingay naman niyan Ash.” sambit ni Kyla habang nakapikit at nagtalukbong ulit ng kumot.
Kinuha ko yung cellphone ko at dinala ko sa labas. May tumatawag pala kaya pala maingay.
“Hello?”
“Hello? Is this Ashley Oh?”
“Oo,Ako nga.Bakit? Anong kailangan mo?”
“I just want to say that, stay away from Yancy,also tell your friends to stop dating white blues members.”
“Sandali, ano bang sinasabi mo? Sino ka ba?”
“Oh, Ako nga pala ang si Sam. Better leave the boys alone or we will kill you all.”
“You're unbelievable.”
“Really? Tignan nalang natin.”
Halos mapako ako sa kinatatayuan ko. Pinagbabantaan niya ba ang buhay namin? Kailangan ko bang sabihin ito kila Leslie?
Pumunta muna ako sa kusina para kumuha ng tubig at pakalmahin ang sarili ko.
Bigla kong nabitawan yung baso dahil biglang may nagdoor bell sa pinto. Ito na ba yung sinasabi ng Sam na yun?
Tumayo ako at pumunta sa pintuan para tignan kung sino yung tao.
“Yancy?” nakahinga ako ng maluwag nang makita ko siya. Mabuti nalang at hindi masamang tao. Pinapasok ko siya saka ko binalikan yung nabasag na baso kanina.
Maingat ko yung pinulot at nilagay sa dust pan. “Anong ginagawa mo?” nasa huling piraso na ako ng biglang marinig ko ang boses niya kaya napadiin ang hawak ko at dumugo ang kamay ko.
“Ash!” dinala niya ako sa lababo at hinugasan yung kamay ko. Kumuha agad siya ng first aid kit.
“Ano bang nangyayari sayo? Okay ka lang ba?” tanong niya.
Dapat ko bang sabihin sa kanya ang tungkol kay Sam? “Ah.. wala Yancy.” sambit ko.
Kinuha niya ang kamay ko saka nilagyan ng betadine at binalutan ng gasa.
“Salamat.” sambit ko. Ngumiti naman siya at hinawaka ang kamay ko.“Walang anuman.”
Pagkatapos ng nangyari, pinaghintay ko muna siya sa living room dahil kailangan ko ng maligo. Ngayon pala kami lalabas kaya pala ang aga ng alarm ko.
“Okay kana?” tanong niya. Tumango ako.“Leslie, aalis na kami.” sambit ko.
“Ingatan mo si Ash ha? Yancy.” paalala ni Kyla. Natawa kami parehas saka lumabas ng dorm. Ang protective talaga ni Kyla.
“Saan tayo pupunta ngayon?” tanong ko. Tumingin siya sa relo niya saka tumingin saglit sa akin. “Secret. Malapit na tayo.” sambit niya. Tumango nalang ako.
Nakarating kami sa pupuntahan daw namin.“Amusement park?” natawa siya. May pagkaisip bata din pala tong si Yancy minsan.
“Tara?” hinawakan niya ang kamay ko saka ako dinala sa loob ng amusement park.
Una kaming sumakay sa roller coaster, sumakay kami sa cable car at nagcarousel. Ang cute nga niya sa pagsakay namin kaya pinucturan ko siya gamit yung cellphone ko.
“Nag-enjoy ka ba?” na-upo kami sandali sa bench para kumain ng almusal at magpahinga.
“Ang saya, salamat sa pagdala mo sa akin dito.” ngumiti ako saka kumain ng sandwich na binili namin.
“Mabuti naman at nag-enjoy ka.” sambit niya.
Halos limang oras na kaming nandito,pero parang walang kapaguran naming sinakyan lahat ng rides. Ang saya pumunta sa ganito, sana makasama ko sila Eula minsan.
“Sunset na pala.” nakatingin si Yancy sa palubog na araw. Isang magandang tanawin.
“Oo nga.” sabi ko. Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko. Hindi ba siya nagsasawa? Maghapon na kaming magkasama at magkahawak ang kamay.
“Last destination, Ferris wheel.” dinala niya ako sa Ferris wheel at sumakay kami.
Nagulat ako ng may nilabas siyang box at binigay sa akin.“Ano 'to?” tanong ko.
“Regalo ko sayo.” regalo? Ano bang meron ngayon?
“Happy 100th days!” bati niya. Oo nga pala, nakalimutan ko dahil sa nangyari kaninang pagtawag ni Sam.
“Salamat sa regalo mo,Yancy.” sambit ko saka yumuko. Nakakahiya,hindi man lang ako nakabili ng regalo para sa kanya.
“Gusto mo bang isuot ko sayo?” masayang sabi niya. Tumango ako.
Lumipat siya ng pwesto,inayos ko ang buhok ko sa isang gilid para mailagay niya ng maayos. Naramdaman ko ang malamig na bagay na dumampi sa dibdib ko. Hinawahan ko yun, isang star.
“Ikaw ang star ng buhay ko, ikaw ang nagbibigay ng liwanag sa madilim kong mundo.” sambit niya. Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
Nagtama ang mga mata namin at pareho kaming nakangiti.“Thanks for being my star,Ashley.” he gaved me a pecked saka niya ako niyakap.
“I'm happy to be your star.” humiwalay siya sa yakap at tinignan ako ng diretso.
Unti-unti siyang lumapit,“I love you Ashley Oh.” ngumiti ako. Naramdaman ko ang pagdaloy ng kuryente dahil sa paghawak niya sa kamay ko.“Masaya akong marinig sayo 'yan, I love you too Yancy Kim.” he smiled and kissed me.
BINABASA MO ANG
My Everything (BTSxAPINKxGOT7) [Completed]
RomanceWhat if pagplanuhan ng pitong lalake na guluhin ang pag-aaral ng anim na babae na kaagaw nila sa ranking? Magiging panalo kaya sila sa larong sinimulan nila? O pare-pareho silang magiging talo dahil hindi nila napigilan ang sarili nilang mahalin din...