KANDYCE
Noong bata pa lang ako, nangarap akong maging isang prinsesa. Bakit? Ano pa nga ba? Siyempre kapag prinsesa ka, marami kang mga magagarang damit at sapatos. Makapagsusuot ka ng mga bestida. Lahat ng gusto mo meron ka. May sarili kang malawak na kwarto at magandang higaan. King size pa na bed siyempre. Pwede mong kainin ang lahat ng gusto mo. Lahat meron. May desserts pa! Parang sa fairytales lang. Hari at reyna ang mga magulang mo. Prinsesa nga 'di ba?
Pero siyempre nangarap lang ako noon. Balik tayo sa reyalidad. Dahil ngayon, heto ako sa kalye. Nakatayo sa harap ng isang department store. Nang makita ko ang sarili kong repleksyon sa salamin ng shop ay halos hindi ko agad namukhaan kung sino yung babaeng may bitbit na maleta. Gulo-gulo ang mahaba at kulay itim niyang buhok. Yung suot niyang jeans at pink na shirt ay puno na rin ng alikabok. Ikaw ba naman ang maglakad ng halos anim na kilometro. Tumirik kasi sa gitna ng daan yung sinasakyan ko. Kaya heto, no choice ako kundi ang maglakad at maghanap ng pwedeng matuluyan. Halos matanggal na nga yata pati swelas ng sapatos ko. Hindi ako taong grasa pero nagmumukha akong isa sa kanila.
---!!!GROOOOOOOWL!!!---
Napahawak ako sa tiyan ko. Sumabay pa itong mga alaga ko. Kanina pa sila nagwawala. Kailangan na silang pakainin. Mabuti na lang at may isang restaurant sa hindi kalayuan. Binitbit ko yung bagahe ko at naglakad patungo dun. Ayos! Sugod-sugod din pag may time. (*w*)
Tawagin niyo na lang ako sa pangalang Kandyce Robles. Seventeen years na akong nabubuhay sa mundong ibabaw. Seventeen years na ring nasilayan ng mundong ito ang aking kabigha-bighaning kagandahan. Charing lang. Dulot lang yata ito ng sobrang gutom. Habang naglalakad, pinagmasdan ko yung restaurant at inisip kung ano ang pwede kong kainin.
---!!!BOOOOOGS!!!---
Papasok na sana ako sa restaurant nang bigla na lang may bumunggo sa akin. Pareho pa kaming napaupo sa daan. Pati yung bitbit kong maleta lumipad. Walang pakpak maleta ko. Basta na lang lumipad. Hinimas-himas ko yung pwet ko na bumagsak sa semento. Pakshet! Ang sakit!
"SH*T!" Narinig kong nagmura yung bumunggo sa akin habang sinusubukang tumayo. Halos mapamura rin ako nang makita kong nagkalat sa daan yung mga nilalaman ng maleta ko. Nalaglag yung panga ko at nanlaki yung mga mata ko.
!(O____O)!WATDAPAK! YUNG MGA BRA AT PANTY KO, NAGKALAT SA DAAN! Sa sobrang hiya ko, agad akong tumayo at pinagdadampot yung mga gamit ko at inilagay uli ang mga ito sa loob ng maleta.
"PUCHA! SA SUSUNOD TUMABI KA NGA SA DAAN! NAGMAMADALI YUNG TAO EH!" bulyaw nung lalaking naka bunggo sa akin pagkatayo niya. Binato pa niya sa mukha ko yung bra na sumabit sa damit niya. Ang bastos lang. Siya na nga ang bumangga sa akin, siya pa ang galit?
"Hoy, excuse me! Ikaw kaya ang bumangga sa akin! At pwede ba, mag sorry ka na lang kaysa naman sa kung anu-ano ang pinuputak ng buchi mo diyan?" sabi ko habang patuloy sa pagpupulot at pagbabagahe ng gamit ko. Tinalikuran ko siya at hindi na nag abala pang tingnan siya.
"Hah! Ako mag-sosorry?!" mapagmataas na sabi ng lalaki. "Excuse me, miss, but you don't know who you are talking to."
Ang feeling naman. Sikat ba siya para makilala ko? Ano siya, international criminal? Ngayon lang naman kami nagkita kaya obviously hindi ko siya kilala. Takas mental yata 'to eh. (=__=)
"Bakit, sino ka ba? Kapatid ka ba ni Shrek?" asar na tanong ko.
"Look here, miss. Wala akong oras na makipaglokohan sa----hey, are you listening? I said, look here!"
Hindi ko siya sa sinunod. Sino ba kasi siya sa akala niya? Batas ba siya para sundin ko? Naka hithit din naman yata ng drugs yung siraulo kaya binalewala ko na lang. Nang napulot ko na lahat ng mga bra at panty ko kasama na rin ang iba pang mga damit ko, sinubukan ko nang isara yung maleta. Yun nga lang siksik ito sa laman kaya ayaw sumara.
BINABASA MO ANG
Royalties and Nobilities --- COMPLETED
RomanceHave you ever dreamed of what it would be like to be a princess? To be swept off your feet and wear a crown? Well, I did back then when I was still a young, daydreaming little girl and had a simple life. Pero sabi nga nila: "Be careful for what you...